3RD PERSON'S POV
Binalewala ni Aphrodite ang nangyari ng nagdaang gabi. Kapag inisip niya iyon ng inisip, wala siyang magagawa. Hindi niya matatapos ang kanyang mga sketches. Kapag naunahan siya ng hiya, wala talagang mangyayari.
Pagpasok niya ng kanilang working room kung saan nandoon ang mga modelo ng kanyang mga kaklase, nakita niyang sinusukatan na sila para maipatahi ang kanilang mga kasuotan.
"Huh! Bakit mag-isa ka? Nasaan ang model mo?"
"Oh my... I forgot to remind him"
"Ano ka ba? Masyado nang made-delay ang wardrobe rehearsal natin kapag hindi natin sila nasukatan ngayon."
"Okay , wait"
Tinawagan ni Aphrodite ang kanyang ina.
"Mom, do you have Tita Thea's number? I need to contact Adonis for his wardrobe"
"Please, Mom... Favor please"
Tinawagan ni Thea si Adonis. Sinabi nito na kailangan niyang dumaan sa Fashion School at hanapin ang working area ng mga Fashion Designers.
Nagmadali si Adonis ng matanggap ang tawag na iyon. Dumaan siya sa flowershop para peace offering kay Aphrodite. Magaan ang loob niya ng mga oras na iyon. Palabas na ng gate si Aphrodite para hintayin si Adonis ngunit nakita niyang nakangiti ang binatang lumapit sa kanya at hinalikan siya sa pisngi. Umatras kaagad si Aphrodite. tahimik ang dalaga habang naglalakad sila ngunit hinila siya ni Adonis. HInawakan siya sa kamay.
"Wait... Bakit ba ilag kang masyado?"
"Look, Adonis. Please, let's forget what happened last night"
"Is that what you want? I can't promise you that"
"Please...By the way, thanks for coming over. Nakalimutan kong ngayon pala kita dapat kunan ng body measurement para sa isusuot mong damit."
"Bakit hindi mo kinuha ang number ko para ikaw na mismo ang tumawag sa akin?" Pero hindi umimik si Aphrodite. Magkakabistuhan kapag ginamit niya ang kanyang number kapag tumawag siya kay Adonis. Baka nai-save ng binata ang kanyang number lalo na kung "Boyfriend On Call " pala siya.
Pumasok sila sa isang mapalawak na kuwarto na puno ng mga makina. May malapad na mesa para sa mga patterns na gagawin nilang lahat. May mga mannequin na nakatayo para sa mga damit na gagawin nila.
Nakatingin lang ang lahat sa kanilang dalawa habang tahimik si Aphrodite at nagsasalita si Adonis.
"Aphrodite, it doesn't matter if you want to forget everything. Then forget it as long as you want"
"Huwag kang malikot" Inilapat ni Aphrodite ang medida sa balikat ni Adonis. Isinulat ang sukat nito. Sinukat ang braso ng mahaba, isang hanggang sa siko at isang lampas braso. Magkaharap ang dalawa ng mga oras na iyon at titig na titig ang binata sa kanya.
"Puwede ba doon ka sa kaliwa tumingin?"
"Bakit ba? Anong problema?"
"Huwag mo akong tingnan ng ganyan na para bang may utang ako sa iyon" Natawa ang binata.
"May naaalala lang naman ako. Yung date ko nung nakaraan" Ipinagpatuloy ni Aphrodite ang pagkuha ng sukat ng kanyang katawan. Ipinagpatuloy din ni Adonis ang pagkukuwento.
"You know what, hindi ko alam kumbakit kahit iwasan ko yung babaeng naka-date ko na yun e siya lagi ang naiisip ko. Na-experience mo na bay un, Aphrodite?"
"Ewan ko sa yo"
"She is such a mysterious but I think I already knew her. I happened to see all the things that made me remind of her"
"Alam mo ba kung sino siya?" Inilapit ni Adonis ang mukha sa dalaga.
"Adonis, huwag ka ngang malikot." Iniikot ng dalaga ang tape measure sa beywan ng binata kaya halos yakapin niya si Adonis.
"Masyado siyang sensitive sa ingay. Petite lang siya and she has the most captivating smile that I couldn't even forget. Until now, she haunts me in my daydream." Hindi pa rin siya pinansin ni Aphrodite na para bang walang naririnig.
"Alam mo kahit itago niya ang totoo, kilala ko na siya... " Napahinto si Aphrodite sa sinabi ni Adonis.
"Okay na. Tapos na. Salamat. I'll just drop by to your house and give you your schedule for dress rehearsals"
"Aphrodite, naririnig mo ba ako?"
"What?"
Alam ni Adonis na binabalewala ni Aphrodite ang lahat. Patay-malisya lang siya na parang wala siyang narinig.
"Halika, treat kita ng ice cream"
"No, I'll go ahead. May tinatapos pa akong painting e. Sumaglit lang ako dito kasi alam kong kailangan mo ito."
"Salamat ulit" Pero hindi tumitingin ang dalaga sa kausap. Naiisip ni Aphrodite ang mga sinabi ni Adonis. Alam na rin pala ng binata ang lahat.
"Mmm, pupunta ako sa inyo mamaya"
"Bakit naman?"
"I want us to talk"
"Hindi pa ba tayo nag-uusap?"
"It's not that..."
"Pasensiya na , Adonis. Busy rin kasi ako. Baka late na rin akong umuwi."
"Okay, I'll come here and fetch you"
"Please...."
"Unless you give me the reason behind your being rude to me right now?"
"Am I being rude to you?"
"You are just faking everything, Aphrodite. Are you hiding something?"
"What are you talking about?"
"Okay, sige. Pretend that you didn't hear anything from me... I know what you did and you know perfectly well what I am talking about"
"Hindi ko siya puwedeng sungitan ngayon. Kailangan ko siya sa fashion show. Just keep calm, Aphrodite"
Naihatid na niya si Adonis sa gate ngunit walang anu-ano'y bigla siyang hinila ng binata ay saka siya mahigpit na hinawakan sa braso, inilapit ang kanyang ulo at binigyan ng halik.
"Bye, see you when I see you"
Goodbye kiss....
Iniwan niyang hindi makaimik si Aphrodite sa gate habang gulat na gulat ang guwardiyang nakabantay dito.
Naging si Adonis ay hindi rin maipaliwanag ang nadarama. Hindi siya makapaniwala kung saan siya nakakahugot ng lakas ng loob para gawin iyon sa dalaga.
"Whew! That's it! Be proud... You're finally a man now, Adonis. You know how to hit Aphrodite" Bati nito sa kanyang sarili na akala mo ang may nagawang accomplishment sa buhay.
Who said that Adonis doesn't even know how to take his first move? Malupit ang diskarte di ba? Nakakakabog ng dibdib.
BINABASA MO ANG
WANTED: BOYFRIEND ON CALL
RomansaBOYFRIEND ON CALL (BOOK 1) : SECRET BOYFRIEND It all started in just one click. Everything was mixed up and we are now entangled in a serious and complicated situation we can never runaway. BOYFRIEND ON CALL ( BOOK 2) : SECRET LIVING Getting to kn...