3RD PERSON'S POV
Naging mabilis ang mga pangyayari. Hindi na sumama si Aphrdoite kay Adonis lalo pa't alam na niya kung sino talaga ang mahal niya. Pumasok itong muli sa OGC. Si Eros ay inihahatid naman ni Ares sa mansion ng Enriquez upang may makasama ito. Tuwing hapon sinusundo siya ni Aphrodite. Pagkatapos maghapunan ay nag-usap ng masinsinan sina Aphrodite at Ares.
"Aphrodite, baka puwede na kayong bumalik sa condo"
"Hmmm, bakit naman? Okay naman kami dito"
"May hinihintay ka pa ba dito?"
"Wala naman kaya lang gusto ko kasi dito"
"Wala bang kinalaman yan kay Adonis?"
"Wala..."
"Kahit ano pa ang dahilan mo, gusto ko doon na kayo ni Eros sa condo ko."
"Ares..."
"Sumunod ka na lang"
Pagkatapos ng buwang iyon ay muling naglipat ng mga gamit ang mag-inang Eros at Aphrodite sa condo unit ni Ares. Sanay naman doon ang dalawa. Mas gusto rin ni Ares na hindi na mapapalayo ang mag-ina sa kanya.
Nang araw na iyon, inihatid ni Ares si Eros sa mansion ng mga Enriquez. Kinausap nito ang mag-asawang Zeus at Hera.
"Tita, Tito, magpo-propose na po ako kay Aphrodite ng kasal, okay lang po ba sa inyo?"
"Hay naku, salamat naman Ares... nagbunga din ang mga paghihirap mo"
"I'm proud of you"
"Thanks po..."
"Call me Mommy and your Daddy Zeus"
"Ay nakakahiya naman po..."
"We insist..."
Iniwan na ni Ares ang bata sa bahay ng kanyang lolo at lola.
"Eros, be good to lolo and lola"
'Yes, Dad. I will"
"Behave... Huwag kang magpapagod"
"Yes, I will" Humalik ito kay Ares at sumama sa kanyang Lolo Zeus para tingnan muli ang mga painting sa buong mansion.
"Mommy ,alis na po ako"
"Bye, Iho"
Tinawagan niya si Aphrodite sa OGC.
"Iniwan ko na si Eros kina Mommy at Daddy"
"Are you sure, Ikaw na ang bahala mamayang hapon"
"Text me if you can't make it"
"Shall we go out and eat lunch later?"
"Make sure not to skip lunch, okay?"
"Bye, I love you"
"See you later"
Naging busy ang buong maghapon ni Aphrodite ngunit masaya ito sa kanyang trabaho. Sumabay itong kumain kasama ng kanyang mga katrabaho. Ngunit hindi nasundo ni Aphrodite dahil nagkaroon ito ng emergency meeting. Sinabi ni Hera kay Ares na doon daw muna ang bata. Pag-uwi ni Aphrodite, wala pa si Ares. Ipinakisuyo niya kay Ares na sunduin ito si Eros sa mansion. Samantala, nag-alala siya ng makitang kumikidlat sa labas at malakas din ang ulan. Biglang bigla na lang umulan ng bandang gabi, pumasok na ng unit si Ares.
BINABASA MO ANG
WANTED: BOYFRIEND ON CALL
RomanceBOYFRIEND ON CALL (BOOK 1) : SECRET BOYFRIEND It all started in just one click. Everything was mixed up and we are now entangled in a serious and complicated situation we can never runaway. BOYFRIEND ON CALL ( BOOK 2) : SECRET LIVING Getting to kn...