BOC 4: FIRST DAY HIGH

52 0 0
                                    

3RD PERSON'S POV

Excited si Eros sa kanyang art workshop. Habang nasa loob siya ng kotse ay tahimik ito. Nasa likod ang kanyang backpack. Nakamaong pants ito at nag-green ng cotton shirt. May katangkaran na si Eros sa edad niyang iyon. Bahagyang singkit ang kanyang mga mata na nakuha niya kay Aphrodite at may pagka-chubby ang pisngi nito. Malago ang kanyang buhok at halatang makulit at bibo. Sa kabuuan, kung tititigan mo ay kamukhang kamukha ng kanyang ama.

Ipinarada ni Ares ang kotse sa parking area at hinawakang mabuti ni Aphrodite ang anak sa paglabas nito. Kinakabahan din ito sa unang araw ng bata. Nandoon din si Ares na nakasuot ng pang-opisina. Si Aphrodite naman ay pormal din ang suot Hinila ng bata ang kamay ng lalaki at naglakad sila habang pinagitnaan siya ng dalawa.

"Eros, promise to behave.."

"Don't worry, Mom"

"Don't quarrel with girls, okay?"

"I will... are you going to fetch me, Mom?"

"Tito Ares will, baby" Tiningnan ni Aphodite ang binata kung magrereklamo ito.

Nadatnan nilang nagkakagulo sa gallery sa sobrang dami ng tao. Hindi na nahintay ni Aphrodite na makilala ang Art Teacher ni eros. Nagpaiwan muna si Ares ngunit hindi rin doon nagtagal. Nang masigurong okay na ang bata ay mahigpit na binilinan si Feliza na ingatan si Eros habang wala pang oras ng sundo.

Late sina Adonis at Apollo. Nawala sa loob nila na magsisimula ang art session ng bandang 9am. maging si Amoranto ay nataranta at hindi malaman kong anong pagpapaliwanag ang gagawin nito sa mga magulang na naghihintay. Pinapasok muna sila sa function room para sa maikling orientation.

Hangos ang dalawa sa kuwarto. Nagulat sila sa dami ng tao sa loob. Nagsimula kaagad si Amoranto ng pagpapakilala sa dalawang binata. Impressive ang mga credentials ni Adonis dahil galing kagagaling lang ito ng London. Si Apollo ay ganun din dahil mataas ang natanggap nitong karangalan sa Fine Arts School noong magtapos siya. Ipinadala na rin ito sa ibang bansa sa ilang mga Art Festivals at nagkamit ng ilang gantimpala sa mga paligsahang sinalihan niya.

Seryosong nakinig si Ares. Nakaupo ito sa sulok habang pasimpleng kinakausap ang ama sa cellphone nito.

"You can leave your kids here with us and rest assured that they are well taken cared of" Sabi ni Adonis. Tumayo kaagad si Ares at mabilis na humalik kay Eros.

"Little boy, good luck..."

"Thanks, tito Ares"

Mas maraming bata lalaki sa loob ng kuwartong iyon kaysa sa mga babae. Natuwa ang dalawang binata ng makita ang mga batang tuturuan.

"Patay tayo ngayon... Art class ng mga tsikiting pala ito"

"Kaya natin yan..."

"Okay kids, I am your Art Teacher Adonis... Ang pinakaguwapong art Teacher sa balat ng lupa...Let me know your names so I can give you your name tags. Use this so that I can call you by names..."

"YES , SIR..." Sabay -sabay na sagot ng mga bata.

Pinapila ni Apollo ang mga bata. Napatitig ito kay Eros. Pamilyar ang mukha ng bata ngunit hindi niya maalala kung saan niya unang nakita ito.

"Your name..." Tanong ni Adonis.

"EROS... EROS ENRIQUEZ , Sir" Ngumiti siya sa bata. Nakita niya kung gaano kasaya ang mga mata ng bata ng makita ang kanyang id...

Hindi nga nagkamali si Ares dahil kulay ang unang itinuro sa mga bata. Bibong bibo si Eros dahil marunong na siya sa kulay. mas natuwa sina Apollo at Adonis ng subukin nila ang kakayahan ng mga bata kung alam ba nila ang kulay na lalabas kapag pinasama ang mga primary colors. Sa una ay hindi iyon naintindihan ni Eros kaya hindi siya umimik pero nasagot niya ang tanong ni Adonis.

"What color will appear when you mix red and blue"

"VIOLET" Sigaw ni Eros.

"Very good ,eros"

"how about Red and Yeallow?"

"Is it ORANGE?"

"Wow, very good... Alam na alam mo na pala" Nagtaka sina Apollo at Adonis ng biglang kumunot ang noo ni Eros.

"Marunong ka na pala sa colors" Sabi ni Apollo.

"what?" Tanong ni Eros.

"Oh, Oh Oh... an American boy is here. Don't you speak Tagalog"

"I speak a little. We've been here for almost a week so I can't speak Tagalog yet. But I'm trying" sabi ng bata.

"That's okay"

"Okay lang..." Sabi ng bata at slang niya itong binanggit.

"Yeah, okay lang" Sabay tawa ng dalawa.

Walang katapusan ang kuwento ni Eros tungkol sa kanyang mga natutunan.

"So, I guess your teacher should also warn you not to use the wall as your canvass like what you did in Manhattan"

"I supposed so..."

"Hey, young man... Did you behave ?"

"Yes, Tito... I behaved well this morning" sagot ni Eros.

"Ares, are you free this afternoon? Puwede mo ba akong samahan sa department store mamaya. Itsi-check ko lang yung mga damit na ipapasuot sa modelo namin bukas. Ako na lang ang pipili ng damit para sa kanya."

"Saan kita susunduin?"

"Sa OGC na lang... How about you? Where do you get your outfits? Baka gusto mong i-try ang Men's Collection ng Oli Group."

"Gusto ko, ikaw ang gumawa ng outfits ko"

"Yun lang pala eh... Mamaya, susukatan kita. Uuwi ka ba sa bahay o sa condo mo?" Kinindatan niya ang binata. Iba ang ngiti ng dalaga kaya napangiti na rin si Ares.

"Ikaw ha! " Nanunukso sabi ni Ares.

"Bakit? Ayoko kasing malungkot ka. Ayokong nag-aalala ka. Ngiti naman dyan."

"Kiss mo nga ako..." Hindi naman nahiya si Aphrodite at hinalikan siya ng dalaga. Nakatingin lang sa kanila si Eros.

Maagang nakatulog si Eros. Pagkakain nito ng hapunan ay tahimik siyang sumama kay Feliz at mahimbing na nakatulog.

"Grabe, tingnan mo at nakatulog ng maaga"

"Napagod e. Ikaw, hindi ka ba napagod sa trabaho mo"

"Medyo masakit nga ang likod ko" Minsaahe ni Ares ang balikat ng dalaga at likod nito. Saglit lang ay natahimik ito at nakatulog kaagad sa sobrang pagod.

ARES' POV

Pinagmasdan ko si Aphrodite habang natutulog. Lalong nahuhulog ang loob ko sa kanilang mag-ina sa paglipas ng mga araw. Ito ang totoong buhay ng mag-asawa. Hinaharap ang bawat araw sa hirap at ginahawa. Pero hindi ko lubusan maipapangako na palagi akong nasa tabi nila lalo pa't wala naman akong karapatan sa kanilang da;awa.

Lalo lang akong nalulungkot dahil umaasa na akong masyado na magiging maayos ang lahat sa aming dalawa sa bandang huli. Ngunit tulad ng kuwento, nakakainip hintayin kung ano ang mangyayari sa bandang huli. Kung libro lang ito na binabasa, kanina ko pang binuklat ang pahina nito sa dulo para alam ko na ang ending. Kung pelikula naman ito sa cd, malamang kanina ko pa itong na-fastforward. Oo, hanggang kailan akong maghihintay...



WANTED: BOYFRIEND ON CALLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon