BOC 2: IN GOOD TERMS

68 1 0
                                    

3RD PERSON'S POV


Tulad ng bagyo, humuhupa rin ito. Nagkakahulihan din ng loob ang dalawa at tinanggap na nila ang kanilang sitwasyon. Inisip na lang nila na iyon ay pansamantala lamang. Babalik din sa dati ang lahat lalo na kung humupa na rin ang galit ni Zeus.


Pareho silang abala sa kanilang pag-aaral sa huling semestre ng taong iyon para isipin ang problema ng kanilang pamilya. May kanya kanya silang schedule ng pasok na nakadikit sa refrigerator para alam ni Florence kung anong oras ang almusal ng kanyang mga boarders/ batang amo. Suportado lahat ng mga ina nila ang kondisyong ito ng dalawa. Isang mahigpit na kasunduan na magiging lihim ang lahat sa kanilang mga kaklase at maging sa kanilang mga kaibigan.


"Aphrodite, what took you so long?" Tanong ni Adonis habang nakaupo na ito sa dining table. Hindi pa siya nag-uumpisang kumain.

"For a moment..." Nagmamadaling bumaba si Aphrodite ng hagdan. Madami itong dalang gamit kaya nagmadali ring dinaluhan ni Adonis ang dalaga para tulungan.

"Bakit angdami mong dala? May lakad ka ba ngayon?" Hahalik sana ang binata ngunit umiwas ang dalaga. Napakamot na lang ito sa ulo.


(Akala mo, makakaisa ka na naman, Adonis )


"May designer's meeting kasi kami. Small group discussion regarding the current trends in clothing..."

"Mali-late ka bang umuwi?"

"Hindi naman..." Ngumunguya ng tinapay ang dalaga habang ipinaglalagay siya ng palaman ni Adonis. Pinunasan ang mga bread crumbs sa labi nito.

"Dahan-dahan... masakit ba ngipin mo? Di ka ba kumain kagabi?" Isang biro tulad ng madalas sabihin ng kanyang mga ate tuwing ganado itong kumain.

"Hindi... wala kasi akong kasabay..." Napailing si Adonis. Hindi nga pala sanay kumain mag-isa si Aphrodite. Late na siyang umuwi kagabi dahil nagkaroon sila ng occular inspection sa venue ng kanilang exhibit.

"Ate Florence, nasaan na yung gatas ko?"

"Ay Ma'am kauubos lang po. Sir ,hindi ko po nasabi sa inyo na wala ng stock ng Fresh Milk si Ma'am Aphrodite. Hindi pa po kasi ako nakakauwi sa mansion para kunin yung mga groceries ninyo doon"

"Bakit hindi mo kinuha kahapon?"

"Pasensiya na po Sir kasi idinaan ko po yung comforters ninyo sa dry clean. Anghaba po ng pila kaya hindi na rin po ako nakauwi sa mansion"

"Kunin mo kaagad mamaya. Ano pala ang gusto mong ulam, Aphrodite para mailuto ni Florence sa hapunan?"

"Marunong ka bang magluto ng fish fillet? Creamdory ang fish na gusto ko"

"Sige po Ma'am. Iyon na lang po ang lulutuin ko mamaya"

"Kung di ako makauwi ng maaga, mauna ka nang kumain . Pasensiya ka na kung hindi ko kaagad nasabi sa iyo na mali-late na akong umuwi. Naghintay ka ba?"

"Huh! Hindi a. Bakit dala mo ba ang rice cooker? "

"Hindi mo ako hinintay? "

Hindi na lang umimik si Aphrodite.

"Tuluy na tuloy na ang Art Exhibit namin. Punta ka naman..."

"Saan ba?"

"Sa Market! Market! din... Sa dating lugar ni Amoranto..."

WANTED: BOYFRIEND ON CALLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon