Galit na galit si Selene. Iniwan siya ni Adonis sa Suite Lagdameo lalo pa't aksidenteng may nangyari sa kanila ni Gemini na napagkamalan niyang ang kababata. Sinugod niya ang binata sa gallery at pinilit na alamin kung saan ito nakatira.
ART GALLERY
Masama ang tingin ni Selene habang nakangiti si Adonis. Sinalubong niya ang babae na abut-tenga ang ngiti at niyakap niya ito na lalo nitong ikinainis.
"May gana ka pang ngumiti ng ganyan" Itinulak ni Selene si Adonis.
"I didn't do wrong"
"Really? How could you leave me to someone else in Suite Lagdameo? You don't seem to care about me"
"I care about you kaya hinayaan kitang magpahinga doon"
"How could you?"
Niyaya niya ang dalaga sa isang mamahaling kainan. Tumahimik ang dalaga habang magkasama sila ni Adonis.
"Bakit lagi kang wala ka sa mansion? "
"Hindi mo lang ako natyiempuhan" Pagtatakip ni Adonis.
"Are you hiding something from me?"
"Will you please stop talking nonsense?"
"Malalaman ko rin ang itinatago mo, Adonis. "
Tinapos na lang ni Adonis ang pagkain at ipnasyal sa iba pang pasyalan sa mall ang dalaga na madalas din nilang gawin.
"If I hadn't left you, do you think we could still be together?"
"What are you talking about?"
"I love you, Adonis... You know that."
"But I couldn't be what you want us to be"
"Katulad ka pa rin ng dati... Hindi mo ba talaga ako puwedeng mahalin?"
"Alam mo naman na kahit noon pa lang ay kapatid na ang turing ko sa iyo."
"How could you hurt me like this?"
"I am so sorry..."
Sinunggaban siya ni Selene ng halik. Hindi siya makakilos sa gulat. Hindi niya tinugon ang mga halik na iyon. Itinulak niya palayo ang dalaga. Hindi iyon tulad ng halik ni Aphrodite. Nagulat si Adonis ng siya pa ang sampalin ni Selene.
"What is that for?
"I hate you! I hate you!" Tumakbo ang dalaga palayo. Maaring napahiya o maaari din namang hindi niya nagustuhan ang malamig na pakikitungo ni Adonis dahil ayaw niyang aminin na wala talagang patutunguhan ang pagkahumaling niya sa kababata.
Isinama na lang siya sa mansion ng mga Lagdameo. Ingat na ingat si Thea. Ngunit hindi mapipigilan ang bibig ni Ocean na banggitin si Aphrodite. Lalong nagalit si Selene. Hindi nakauwi ng bahay si Adonis dahil kay Selene. Ayaw nitong ipaalam kung saan siya nakatira. Kinakabahan siya na baka masundan siya ng dalaga katulad ng ginawa ng mga kaibigan ni Aphrodite.
"Aphrodite, I'm sorry... I can't go home tonight. Nandito sa mansion si Selene. Baka masundan niya ako sa bahay" Kasalukuyan siyang nasa garden ng oras na iyon. Ayaw niyang marinig siya ni Selene.
"Don't forget to eat." Pero narinig niya ang mahinang click sa kabilang linya. may gusto pa siyang sabihin pero hindi na siya pinakinggan ng dalaga.
Nagsimulang makaramdam ng selos si Aphrodite. Hindi ito kumain dahil wala siyang kasama. Umiyak siya sa kanyang kalagayan dahil malayo siya sa kanyang pamilya.
BINABASA MO ANG
WANTED: BOYFRIEND ON CALL
RomanceBOYFRIEND ON CALL (BOOK 1) : SECRET BOYFRIEND It all started in just one click. Everything was mixed up and we are now entangled in a serious and complicated situation we can never runaway. BOYFRIEND ON CALL ( BOOK 2) : SECRET LIVING Getting to kn...