BOC 2: PURE LOVE.....

63 1 0
                                    

ADONIS' POV


Dumating na ang araw na kinatatakutan ko. Isang linggo ang taning upang makapagdesisyon ako kung mananatili ba ako sa tabi ni Aphrodite o susundin ko ang mga pangarap ko... na wala sa piling niya.


Hindi ko sinabi kay Aphrodite ang pinag-usapan namin ni Tito Zeus gayundin ang mga kondisyon niya. Alam kong hindi niya ako gusto para sa anak niya at ang pagiigng ppintor ko pa ang kanyang idinahilan.


Maaga akong gumising upang maghanda ng almusal. Natutunan ko nang magprito ng itlog. Buo ang pula at hindi sunog. Maging ang magsangag ng natirang kanin, kayang kaya ko na ring gawin.


Lumabas ako saglit ng bakuran at sinipat mabuti ang Bermuda grass. Kinuha ko ang hose at pinihit ang gripo upang dumaloy ang tubig doon saka ako nagdilig ng halaman. Gising na pala si Aphrodite. Bumaba siya at hinahanap ako. Nagulat ako ng yumakap siya sa aking likuran. pagtingin ko, nakapantulog pa siya. nakapikit na yumakap sa akin.


Noon ko lang nakita kung gaano kalambing ang totoong Aphrodite.


"Adonis, bakit mo ako iniwan sa kama?"

"Nagluto po ako ng almusal, mahal na reyna. Gusto mo na bang kumain? halika at mag-almusal na tayo. Mag-go-grocery pa tayo" Pinangko ni Adonis sa kanyang matipunong braso ang dalaga. Binuhat niya ito papasok ng bahay. Iniupo sa kahoy ng upuan ng dining table.


Nakahain na ang almusal. Kinuha ang gatas at ipinagsalin siya sa baso. Bago kumain ay umusal muna silang pareho ng dasal.


"Amen" Sabay nilang banggit.

"Kapag may pamilya na tayo lalong lalo na kung may mga anak na tayo, kailangan nating magdasal bago kumain" ngumiti si Aphrodite.

"Should we list down what to buy?"

"What for?"

"Para hindi tayo magtagal sa grocery store at wala tayong makakalimutang bilhin"

"That's what I like. Kiss nga ako" Humalik naman si Aphrodite.

"Sabay tayong maligo... Libre tayo ngayon dahil wala si Florence"


Naghugas ng plato si Adonis. Hinintay siya ni Aphrodite habang nakayakap ito sa likod ng binata.


"Bakit ba panay ang yakap mo?" Biglang kinalas ni Aphrodite ang pagkakayakap sa binata.

"Bakit ayaw mo ba?" Lumayo na siya.

"Hindi naman...Ikaw naman, nagtampo kaagad"

"Tama lang...para may baunin ako sa Europa kahit malayo tayo sa isa't isa" natahimik si Adonis. Titig na titig ito sa babae.

"May iniisip ka ba?"

"Wala. naalala ko lang yung mga dapat nating bilhin mamaya"


Matapos ang dalawa sa kusina. Binuhat muli ni Adonis ang dalaga paakyat ng kuwarto. Tinungo nilang pareho ang banyo. Unti-unti hinubaran ang isa't isa.

WANTED: BOYFRIEND ON CALLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon