BOC: LET US CELEBRATE

94 4 0
                                    

3RD PERSON'S POV


Ika-35 taong anibersaryo ng kasal ng mag-asawang Enriquez ng araw na iyon. Maagang umuwi ang magkakapatid para sa salu-salong gaganapin. Hindi nila inaasahan na abala ang buong mansion dahil may catering service na inihahanda sa bakuran. Mukhang hindi ito simpleng salu-salo ng pamilya kundi imbitado pati ang business community ng kanilang ama at ang samahan ng mga kababaihang kinabibilangan ng ina.

May inihanda ring sorpresa ang magkakapatid para sa kanilang mga magulang.



VENUS' POV


Kinakabahan ako ngayong gabi. Ito ang gabing pinakahihintay ko. Hindi lang dahil sa anibersaryo nina Mommy at Daddy kundi itataon ni Phoenix na alukin ako ng kasal sa araw na ito. Sa halip na sorpresa sinabi ni Phoeniz iyon sa akin para mapaghandaan ko ang isasagot ko dahil nandoon din ang kanyang mga magulang at ayaw niyang mapahiya.


Kinakabahan ako sa magiging reaksyon ng mga magulang kung sakaling tanggapin ko ang marriage proposal na iyon. Hindi ko pa rin nasasabi ang balak naming iyon sa aking mga kapatid.


Matagal na naming balak magpakasal. Nasa tamang edad na rin naman kami kaya ano pa nga ba ang hinihintay namin.


Nasa tamang edad na rin sina Medusa at Persephone. Si Aphrodite na lang ang pinapaaral nina Mommy at Daddy. Magtatapos na rin siya sa susunod na taon. Ilang buwan na lang iyon.


Nasa harapan ako ng kanyang tokador at nag-aayos ng make-up habang nag-iisip-isip. Tumunog ang aking cellphone. Agad-agad kong kinuha ito sa loob ng aking bag.


"Yes, Honey... Don't be late."

"Mukhang madaming bisita si Mommy at Daddy"

"Are you sure we'll pursue on this tonight?"

"I'm having a jitter right now"

"See you later..."

"Bye, I love you"



MEDUSA'S POV


Masaya ako ngayong araw dahil magdiriwang na naman sina Mommy at Daddy ng kanilang anibersaryo ng kasal. Nakakatuwa silang dalawa. Gusto ko kapag nag-asawa ako, taun-taon din naming i-celebrate ang anniversary namin na tulad nito. Naniniwala talaga ako sa forever tulad ng relasyon nina Mommy at Daddy.


Sana pumasa sa kanila si Thor Gomez. Hindi nga lang siya negosyante tulad ni Phoenix, yung boyfriend ni Ate Venus pero isa siyang propesor at alam kong responsible siyang tao. Kaya lang, paano kung malaman nina Mommy at Daddy na dati ko siyang professor sa college? Pumayag pa kaya sila sa relasyon namin?


Paano kung hindi? E di magbi-break kami. HUHUHU!


Anong gagawin ko?



PERSEPHONE'S POV

WANTED: BOYFRIEND ON CALLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon