3RD PERSON'S POV
Iyon ang unang araw ni Aphrodite at Adonis na malayo sa isa't isa. Tulad ng dati, maagang gumising si Aphrodite. Naisuot na ulit niya ang dati niyang mga damit. Napansin niyang madaming bagong damit ang nadagdag sa loob ng kanyang closet. Alam niyang ibinibilhan pa rin siya ng ina sa tuwing magsa-shopping ang mga ito. Alam ng ina kung ano ang mga tipo nitong damit at ang mga uso na babagay sa kanya.
"Wow! Nice outfite..." Sabi ni Medusa. Abut-tenga ang ngiti nito.
"Miss you, Sis. Miss you seeing your signatured fitting" Sabi rin ni Venus.
" Good morning , Sis. Are you okay?" Sabay tapik ni Perse. Nilingon naman siya ng kapatid at tumango.
"Miss you all... But I miss Adonis, most of all" Malakas niyang binanggit ang una at pabulong niyang sinabi ang huli para hindi marinig ito ng kanyang mga ate. Tahimik siyang umupo, nakayuko at kumain. Dahan-dahan siyang ngumuya pero hindi niya kayang lunukin ito . Tuluyang tumulo ang kanyang luha.
Naupo si Zeus at Hera. Sa loob ng ilang buwan ay muling nabuo sa hapag-kainan ang mag-anak ngunit hindi ito tulad ng dati.
"Tama na ang pag-iyak dahil kung talagang gusto mong mapatawad kita, susunod ka sa mga gusto. Ganyan ba ang naging impluwensiya sa iyo ni Adonis, ang sumuway sa magulang mo"
Humagulgol si Aphrodite. Hawak ni Hera ang kamay ng dalaga. Hindi na siya umimik. Umiyak na lang siya ng umiyak hindi dahil sa sinisermunan siya ng kanyang ama kundi naalala niya si Adonis.
Pagpasok sa kanyang kotse, binuksan ang kanyang phonebook ang nakita doon ang number ni Adonis. BOC pa rin ang nakalagay na pangalan sa phonebook nito. Tumulong muli ang kanyang luha.
"Don't skip your breakfast? "
"I miss you, Adonis..."
"I miss you so much... I thought the night won't end and I won't be able to see the light of day. I burst in tears all night long because... because... because..." Umiyak na naman si Aphrodite. Nahilam ang kanyang mga mata sa luha saka niya pinaandar ang kotse.
"Hindi ka makikipagkita kay Adonis, naiintindihan mo ba?"
"Huwag mo akong subukan ngayon, Aphrodite" banta ni Zeus.
Lalo siyang napaiyak. Mahigpit ang hawak niya sa manibela at pinaharurot ang kanyang kotse. Nakita niya ang kanyang kasalubong na kotse ng mag-overtake siya ngunit hindi siya umiwas. Dumire-diretso pa siya ngunit binusinahan na siya na tumabi ngunit lalo niya binilisan ang takbo ng kotse. Nang mahimasmasan niya at bigla siyang kinilabutan ng muntik ng kumiskis ang kanyang kotse sa isang Mustang, nasulyapan niya ang dalawang maliliit na bata sa loob habang nandoon ang mag-asawa sa unahan. Nahintakutan ang dalawa sa harap habang tahimik na nakaupo ang dalawa sa likuran. Paglampas ng kotse, napagtanto niya na isang malaking kasalanan ang kanyang naiisip. Huminto siya sa kalapit na gasoline station. Isinubsob ang mukha sa manibela at umiyak sa sobrang kaba at takot.
Sa bahay ni Adonis....
Mag-isa lang ang binata. Tahimik ang umagang iyon tulad ng mga umagang hindi pa sila magkasundo ni Aphrodite at para pa siyang invisible sa tuwing kasabay niya itong kumain. Napalingon siya sa bakuran at sa sala. Napasulyap siya sa hagdan kung bababa ba ang dalaga ngunit napailing na lang siya. Sumubo pa rin ng pagkain kahit parang wala siyang gana. Nakadalawang subo lang siya at saka inubos ang gatas na dapat sana ay para kay Aphrodite. Maging si Florence ay nanibago dahil hinintay niya rin ang pagbaba ng dalaga. Naipaghanda pa niya ito ng kanyang sariling plato sa tabi ng binata at nalagyan na rin ng gatas ang kanyang baso. Masasayang iyon kung walang iinom kaya ininom na lang ito ni Adonis.
BINABASA MO ANG
WANTED: BOYFRIEND ON CALL
RomanceBOYFRIEND ON CALL (BOOK 1) : SECRET BOYFRIEND It all started in just one click. Everything was mixed up and we are now entangled in a serious and complicated situation we can never runaway. BOYFRIEND ON CALL ( BOOK 2) : SECRET LIVING Getting to kn...