BOC 4: JITTERY DAY

56 1 0
                                    

HERA'S POV


Nakikita ko ang kaba kay Aphrodite. Sino nga ba ang hindi kakabahan sa muli niyang pagbabalik? Umalis kami noon para itakas siya kay Zeus at ang batang dinadala niya. Awang awa ako sa kanya. Wala namang kasalanan ang bata para maisip ni Zeus na ipalaglag iyon. Ang katotohanan lang naman ay anak siya ni Adonis.


Narinig namin ni Ares ang iyak niya araw at gabi. Dinamayan namin siya sa panahon ng kanyang kalungkutan. Sa panahon kung saan wala siyang ibang makakapitan kundi ang tapat niyang ina at ang loyal na si Ares.


Simula noon, sumunod kaagad siya sa Amerika. Nakita ko ang pagtitiyaga niya tuwing susungitan siya at magagalit sa kanya si Aphrodite. Daig pa niya na ang tunay na asawa kung mag-asikaso kay Aphrodite. Bigay luho siya sa lahat. Excited siya sa magiging anak ni Aphrodite kahit hindi siya ang tunay na ama.


Naiyak ako sa sobrang tuwa para sa aking anak. Napakasuwerte niya dahil natagpuan siya ni Ares. Oo, sana hindi magbago si Ares para sa anak ko.




ARES' POV


Bakit ba niya kailangang kabahan e nandito naman ako at hindi ko siya iiwan? Halos bumaon ang kuko niya sa braso ko sa sobrang higpit ng kanyang hawak sa akin na akala mo ay mawawala. Hanggang matulog, hindi niya ako binitiwan. Ganun ba talaga siya katakot?


Natatakot siyang harapin ang kanyang kinatatakutan, si Tito Zeus higit sa lahat at gayundin ang katotohanang kailangan niyang ipagtapat sa mga Lagdameo. Ang pinaka-nakakatakot sa lahat ay yung makaharap niya si Adonis.


Ako rin ay may takot pero inihanda ko na ang aking sarili na kahit kailan ay hindi siya magiging akin. Hindi ko hawak ang kanyang puso. Maaaring malambing siya sa akin sa Amerika ngunit maaaring magbago ang lahat kapag nagkita silang muli ni Adonis.


Oo, marami nang nangyari ngunit ang puso ay hindi mo matuturuang lumimot ng ganun kadali. Mahihirapan itong tanggapin ang katotohanan.


Sa harap ng altar ng araw na iyon, ipinangako ko na hinding hindi iiwan si Aphrodite kahit anong mangyari. Basta't kung puwede lang, si Aphrodite na lang ang ibigay sa akin ng Diyos. Sinundan ko siya sa Amerika. Tinulungan ko si Tita Hera. Bumiyahe kami from Manila to Manhattan.



APRODITE'S POV


Tinulungan ako ni Ares na makabangon sa putikan na kinasadlakan ko. Kahit anong pambabalewala ko sa kanya, hinding hindi niya ako iniwan. Kahit ipagtabuyan ko siya ng ilang beses, hinding hindi niya ako iniwan.


Sabi niya kahit hindi daw natuloy ang kasal namin, nakipagkasundo siya sa Diyos na hinding hindi niya ako iiwan basta ako lang daw ang ibigay ni Lord kay Ares.


Hindi ako umasa sa kanya. Hindi ko siya inobliga sa kahit na anumang bagay. Si Eros ay anak ko. Ako ang nagdedesisyon para sa kanya. Sa lahat ng pagkakataon ay kasama namin siya. Simula ng sanggol si Eros, inako niya ang pagiging ama. Nakikipagpuyatan din siya sa amin. Araw-araw siyang umuuwi sa kanyang apartment.

WANTED: BOYFRIEND ON CALLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon