3RD PERSON'S POV
Maagang naghanda sa pagpasok si Adonis. Sabay-sabay silang lahat sa morning breakfast. Medyo maingay pero masaya silang lahat. Binilinan ni Galatea ang mga anak na makinig sa kanilang guro. Huwag makipag-away at ubusin ang pagkain sa baunan. Umuwi ng maaga at bawal ang lakwatsa.
"Mom, I might be late for dinner. Kakausapin ko po kasi yung adviser ko for next years exhibit" Sabi ni Adonis.
"Okay. But make sure not to be later than 12 midnight"
"Yes , Mom..."
Humalik ang apat na lalaki sa kanilang mommy at daddy na tahimik lang at nagbabasa ng pahayagan. Inihatid silang lahat sa gate habang naghihintay na ang school service ni Atlas at Ocean. Si Cronus naman ay may sariling sasakyan para pumasok sa unibersidad ganun din si Adonis.
Habang nasa loob ng kotse, walang ibang nasa isip si Adonis kundi ang ngiti ni Aphrodite. Naalala niya ang kanyang narinig sa usapan ng mga dalaga.
"May boyfriend na pala si Aphrodite."
"Swerte niya.." Napabuntunghininga ang binata. Parang nanghihinayang.
"Secret Boyfriend dahil hindi pa alam sa bahay nila. Hindi pa alam ng kanyang mommy at daddy. Mapapagalitan daw siya kapag nalaman iyon."
"Malamang, si Perse nga magpapaalam pa ang lalaki bago siya ligawan... siya pa kaya na bunso. Baka pagdating sa kanya, lalo siyang higpitan ng magulang niya"
Naalala niya kung paano nanghinayang ang mga kaibigan dahil wala ito sa mansion.
Biglang sumingit sa alaala niya si Ms Terry YUs, ang kanyang obra. Kapag naiisip niya si Aphrodite ,hindi puwedeng hindi niya maalala si Ms.Terry Yus. Palaging ganun ang nangyayari. Mukha tuloy siyang weirdo.
"Pogi kaya yung lalaki?"
"Malamang, maganda siya kaya dapat lang. Mangingiming manligaw ang pangit sa tulad niyang mala-diyosa ang kagandahan" Tanong niya, sagot rin ni Adonis.
Sa kabilang banda....
Si Aphrodite ay handa na ring pumasok. Gamit niya ang bagong kotseng bili sa kanya ng ama. Tuwang tuwa siyang imaneho ang Mercedes Benz na iyon.
"Be careful on the road, Iha"- Zeus
"Yes, Dad. Bye. Bye Mom"
"I love you. Mwaaah!" Sabay flying kiss.
Sa loob ng kotse, abala rin ang isipan ni Aphrodite. Si Adonis ang nasa isip niya ng mga oras na iyon.
"Hmmm, okay pogi naman siya. Matangkad at mukhang malakas ang dating"
"May girlfriend na kaya siya?"
"Awkward namang tanungin..."
"Mukha ngang pamilyar ang kanyang ngiti... Para ngang I've seen him somewhere"
(Hay naku, Aphrodite. Slow ka talaga! Delayed ang reaction mo. Pareho kayong dalawa ni Adonis, mga tulaley.)
"Yung amoy ng pabango niya. That's right! That smell. I will never forget that smell. Saan ko nga naamoy yung pabango niyang yun?"
"Saan nga ba?"
"Saan?"
Bigla siyang nagulat ng huminto ang kanyang kotse. Mabuti at nasa gilid siya ng daan ng huminto ito kung hindi ay baka nadisgrasya na siya.
"Hey , Mercy. What's wrong with you?"
"What happened?"
Itinawag niya kaagad ang nangyari sa kotse. Lumabas na siya ng kotse kahit medyo nakakatakot dahil malalaki ang mga sasakyang dumadaan.
"Mom, I was stuck here. Is this a new car or what? Please , I need help. My car stopped. I don't know what happened"
Noon lang nangyari sa kanya na ipahiya siya ng isang bagum- bagong biling Mercedes Benz. Hindi siya nagpaturo ng kahit simpleng engine trouble dahil kahit kailan ay hindi siya huminto sa daan dahil ayaw nitong umandar. Maghihintay pa siya ng ilang minuto bago siya madaluhan ng tulong ni Mang Tomas kasama ang mekaniko at ang car service na kukuha nito. Nahihiya tuloy siya lalo pa't nagbi-beep-beep ang mga dumaraang sasakyan dahil wala daw itong signal or whatever. Pakiramdam talaga ni Aphrodite, wala siyang alam sa kotse kundi magmaneho lang. Pag nasira na, parang laruang iiwan at maghihintay ng mekaniko.
Things happen for a reason, Aphrodite.
BINABASA MO ANG
WANTED: BOYFRIEND ON CALL
RomanceBOYFRIEND ON CALL (BOOK 1) : SECRET BOYFRIEND It all started in just one click. Everything was mixed up and we are now entangled in a serious and complicated situation we can never runaway. BOYFRIEND ON CALL ( BOOK 2) : SECRET LIVING Getting to kn...