3RD PERSON'S POV
Samantala sa loob ng mansion ng mga Lagdameo. Sinugod ng tatlo ang loob ng kuwarto ni Adonis. Itinaboy niya ang mga kapatid sa kani-kanilang mga kuwarto.
"Tulog na kayo. Antok na ako"
"Hindi ka muna tutulog Kuya" Sabi ni Cronus.
"Yung totoo, pinana ni Kupido ang puso mo kay Aphrodite, tama ba?" Tanong ni Atlas.
"Uy Kuya. Crush ko yun ha!"
"Oo na crush mo na. Sinabi ko bang aagawin ko ang crush mo?" Sagot ni Adonis.
Makukulit talaga ang mga kapatid ni Adonis. Hindi pa sila nasiyahan sa pang-iintriga sa binata. Ni-wrestling nila ito at pinagtulungan. Maingay sa loob ng datnan ni Thea.
"Boys, ano pa ang ginagawa ninyo sa kuwarto ng inyong Kuya?" Saway muli ng ina.
"Out! And go back to your own rooms..."
"Atlas, I said back to your OWN ROOM! Naiintindihan mo ba ako?"
"Yes, Mommy"
"Cronus....back..."
"Yes, Mommy"
"Good night, Mommy."-Ocean
"Good night, Ocean" Hinalikan niya ang tatlong lalaki ng magtakbuhan palapit sa kanya at tumakbo pabalik ng kani-kanilang kuwarto.
Si Adonis ang panganay, nasa Third year na ito sa kolehiyo. Si Cronus ay nasa unang taon sa kolehiyo sa PMMA bilang isang seaman. Si Atlas ay graduating ng Fourth Year High School at si Ocean ay nasa grade 6.
May ibang kulit ang mga anak na lalaki kaya istrikto si Galatea. Sa kabila ng pagiging abala at palaging kasama sa mga business trips ni Bacchus, hindi niya kinakalimutang paalalahanan ang kanyang mga binata. Hindi na niya inabala si Adonis. Alam niyang may pasok pa ang binata kinabukasan.
ADONIS' POV
Napakaganda ni Aphrodite. Simple nga lang siyang manamit. Kahit siguro mumurahin ang damit niya ay hindi mo mahahalata. Light ang kanyang make up pero lalong tumingkad ang kanyang ganda. Para talaga siyang diyosa. Ang kanyang ngiti... Saan ko ba unang nakita ang ngiting iyon?
Nakatulugan na ni Adonis ang pag-iisip kay Aphrodite.
Akala ko ba ayaw mong tingnan si Ms. Desperate... Bakit parang naalala mo ang ngiti niya? Akala ko hindi mo siya gustong maalala pero pa ngiti lang...
Sus, tulak ng bibig, kabig ng dibdib.
BINABASA MO ANG
WANTED: BOYFRIEND ON CALL
RomanceBOYFRIEND ON CALL (BOOK 1) : SECRET BOYFRIEND It all started in just one click. Everything was mixed up and we are now entangled in a serious and complicated situation we can never runaway. BOYFRIEND ON CALL ( BOOK 2) : SECRET LIVING Getting to kn...