BOC2: SURPRISE!

61 2 0
                                    

3RD PERSON'S POV


Sa apartment, abalang abala si Florence sa paghahanda ng mga rekado sa lulutuing kaldereta. Iyon daw ang paborito ni Adonis sabi ni Ocean. Bati na ulit sila ng binatilyo kaya nagti-text na uli siya kay Aphrodite.


"Florence, paano ito hiwain?"

"Ma'am, ako na lang po. " Kinuha ang patatas na hawak ni Aphrodite.

"Tutulungan kitang magluto"

"Ma'am, baka po ako pagalitan ni Sir Adonis. Kabilin-bilinan niyang huwag na kayong pakikilusin dito sa bahay kasi kailangan ninyong magpahinga"

"A basta, hindi naman nakakapagod magbalat ng patatas. Sobra ka naman"

"Naku, Ma'am baka po tayo maabutan ni Sir"

"Akong bahala sa kanya. Sagot kita... Aray!..." Biglang nahiwa ni Aphrodite ang kanyang daliri. Hindi naman kasi siya sanay sa mga gawaing bahay. Gusto lang niyang i-surprise si Adonis dahil bukas na ang opening ng Art Exhibit niya. Bumabawi lang dahil hindi siya makakadalo. May dress rehearsal ang mga modelo at practice na rin kaya hindi siya puwedeng mawala doon. Kasama pa naman si Apollo.

"Ay naku, Ma'am. Naku, nahiwa kayo"

"Ano ka ba? angliit-liit lang naman. Lalagyan ko na lang ng band aid"


Hindi na siya pinahawak ni Florence ng kutsilyo. Nanunood na lang ito sa ginagawa ng kasambahay. Manghang- mangha naman si Aphrodite sa galing na ipinakita ng kasambahay sa pagluluto.


"Sana bago ako mag-asawa, matutunan ko ring magluto at maglinis ng bahay. Parang iyon yata ang napakahirap gawin. Ano sa tingin mo?"

"Ha a e... Magagawa naman po ninyo iyon kung para sa taong mahal ninyo"

"POsible ba iyon?"

"Opo. Walang imposible kung mahal po ninyo yung tao. Kahit mahirap, nagiging magaan at madaling gawin"


Ngumiti lang si Aphrodite. Narinig niya ang busina ng kotse kaya nagmadali itong lumabas at siya ang nagbukas ng garahe. Nakakunot ang noo nito ng bumaba ng kotse.


"Huh! Bakit ikaw ang nagbukas ng gate? Nasaan si Florence?"

"Busy sa kusina kaya ako na lang ang nagbukas. Nasaan ang ice cream ko?"

"Hay, oo nga pala... Sorry, nakalimutan ko hehehe"


Tinalikuran siya ni Aphrodite. Hindi siya pinansin kahit anong tawag nito hanggang sa makapasok sila sa loob ng bahay.


"Florence, bakit mo hinayaang si Aphrodite ang magbukas ng gate? Ano bang ginagawa mo?"

"Eh Sir pasensiya na po..."Pamilyar siya sa rekadong hinihiwa sa ibabaw ng lamesa.

"Ano ba yang niluluto mo?"

"Sir, ipinaluluto po ito ni Ma'am Aphrodite kasi paborito daw po ninyo"

"Bumili ka nga muna saglit ng ice cream. Nakalimutan ko kasing nagpapabili si Aphrodite sa akin. Angdami ko kasing iniisip"

WANTED: BOYFRIEND ON CALLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon