BOC 3: RIGHT FOCUS

50 1 0
                                    

ADONIS' POV


Madaming lugar kung saan puwedeng maging exchange student sa larangan ng pagpipinta ngunit mas pinili ko sa Inglatera. At iyon ang panagarap ko. Lalong mahahasa ang kakayahan ko sa pagpipinta. Makakakita ako ng iba't ibang istilo ng mga artwork kaya hindi ko talaga ito pinalampas.


Balewala ang lungkot dahil mas gusto kong isiping pagkatapos nito ay makakasama ko ulit si Aphrodite.


Sa Queens College ako nabigyan ng slot ng dorm. Sister school siya ng Royal School. May apat na palapag sila ng dormitory na puwedeng mag-accommodate ng isanglibong estudyante mula sa iba't ibang lahi sa mundo. Nakatayo ito sa isang malawak na lupain bukod sa unibersidad na nasa loob nito.


Maganda naman ang kuwarto ko. Single-bedroom ito kahit maliit lang. Tama lang para sa isang estudyante. May lagayan ng computer at printer. Malaki ang aking study table at may build in-drawing board. Humiga muna ako saglit. Ipinahinga ko ang pagod kong katawan. Nakakapagod din ang 14 na oras t kalahati na biyahe na walang stop over. Payapa naman ang biyahe ko.



Kinabukasan.... sa Rembrandt Hall ng Royal School of the Arts sa London, tinipon ang mga bagong pasok sa Exchange Study Program. Mula kami sa iba't ibang lahi, may mga kaklase akong Koreano, Hapon, Amerikano, Italyano at Ruso....


Orientation sa aming klase. Tulad ng ibang mag-aaral, nagpakilala ang lahat. Ilan sa mga natatandaan ko sina Norwood Campton at Maxwell Campers mula sa Juilliard School sa U.S. , si Hiruko Yatsuki ng Japan mula sa Kyoto City University of Arts, Jang Ge Yul mula sa Korean National University at si Alpha Meracci mula sa Italy ang ilan sa mga babae sa klase namin at si Russelle Cromwell mula Oslo National Academy of the Arts. Bigatin ang mga kaklse ko. Masasabi kong nanliit ako sa kakayahan ko pero iba pa rin ang galing ng mga pinoy at patutunayan ko yan dito.


Iisa lang ang nagdala sa aming lahat sa school na iyon, yun ay ang pagmamahal namin sa sining.


Lahat ng inaasahang pag-aaralan namin ng buong siyam na linggo ay iniisa-isa na ng professor sa harap gayundin ang mga lugar na puwedeng puntahan tulad ng museum, galleries, at mga magagandang tanawin sa iba't ibang bansa. Marami kaming field trips sa loob at labas ng Inglatera kaya ang siyam na linggo ay para lang sa theory. Lalabas kami upang makita ang kahanga-hangang likha ng Diyos at iguhit ito sa isang canvass. Kakaibang karanasan talaga ito. Sa dinami-dami ng lugar na puwede kong pagpilian, gusto ko ito dito sa hindi lang dahil lugar ito ng mga hari at reyna kundi dahil sa mamahaling piraso ng koleksyon ng mga painting na humigit kumulang 7,000 piraso kabilang Dutch, Ingles, Pranses, Italyano, at Flemish art ang makikita dito. Kasama sa listahan ang halos 600 kahanga-hangang guhit ni da Vinci .


Mula sa Tate Modern ,sa British Museum , sa Victoria & Albert Museum, nag-aalok ng maraming mga gallery ang London para sa mga gawa nina Picasso, Van Gogh, Rembrandt, at Caravaggio.


Lalong napakainteresante ng lahat para sa akin.


Nakakagutom na rin kaya sumabay na ako sa mga kaklase ko papunta ng mess hall. Hindi uso dito ang pipila sa cashier. Bayad lahat ang kakainin mo dito kaya anytime na magutom ka, palaging may nahandang pagkain. Ang maganda dito, palaging ipapaalala sa iyo na kumuha ka lang ng pagkaing mauubos mo dahil puwede ka namang bumalik kahit ilang beses mo gustuhin. Parang eat all you can.

WANTED: BOYFRIEND ON CALLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon