Dinig na dinig ni Ares ang lahat. Hindi nakatiis ang binata at pinuntahan ang mag-ina. Nagmadali ito ng malaman niya sa kasambahay na may nakapasok na lalaking nagpapanggap na may-ari ng bahay para kunin ang life-sized painting ni Aphrodite. Nagmadali siya sa sobrang pag-aalala ngunit hindi niya inaasahan ang kanyang nadatnan. Nagkita na sina Eros at Adonis. Umalis na si Ares.
"Sir, hindi na po ba kayo magpapakita kay Ma'am"
"Hindi na..." Nagmadali itong umalis ng bahay.
Alam niyang mas pipiliin ngayon ni Aphrodite na mabuo ang pamilya nila. Hindi na niya iistorbohin pa ang mag-iina.
Tahimik na naupo ang tatlo sa sopa. Pinahid ni Aphrodite ang luha ng anak. Pinayapa niya ito. PInainom ng tubig para mahimasmasan.
"Doon ka muna Feliza"
"Opo, ma'am..."
"Adonis, anak mo si Eros. Hindi natuloy ang kasal namin ni Ares dahil nalaman kong buntis ako. Balaka niya akong panagutan kahit hindi niya tunay na anak si Eros. Siya ang sumama sa akin sa Amerika. Inalagaan niya kami ni Eros. Tito ang tawag ni Eros kay Ares."
"Tama ang hinala ko na hindi sila mag-ama dahil pumunta kahapon si Ares sa Art Exhbit ni Eros. Bakit hindi ka nagpunta?"
"Tanungin mo sa magaling na si Selene... May attitude problem talaga ang babaeng iyon kaya nadelay ang pictorial sa OGC."
Ngayon naiintindihan ni Adonis na sa OGC nagtatrabaho si Aphrodite at modelo nila si Selene.
Hindi nila namalayan na halos buong maghapon na rin pala doon si Adonis. Hindi niya pinansin ang tawag sa kanya. Malamang nag-aalala si Amoranto dahil mag-isa lang si Apollo.
Masaya silang kumain ng tanghalian at naupo sa sopa sina Adonis at Aphrodite.
"Bakit dito mo naisip na tumira?" Hindi makaimik si Aphrodite. Ang totoo, may gusto siyang patunayan sa binata.
"Hindi naman siguro masama kong dito kami tumira. Afterall, we have lots of good memories here. How can I let go of them? May asawa ka na ba?" Tanong ni Aphrodite.
"Mahal mo pa ba ako?" Hindi niya sinagot ang tanong ng dalaga bagkus ay nagtanong din ito.
"Mahalaga pa bang malaman kong mahal pa rin kita?"
"Baka puwede pa nating ituloy nag..."
"Adonis, we cameback because I want you to meet Eros. Gusto niyang makilala ang kanyang tunay na daddy. Bata pa lang siya, sinabi kong hindi si Ares ang kanyang daddy kaya nasanay siyang Tito ang tawag sa kanya"
"So, siya pala ang tumayong tatay para kay Eros"
"Hindi mo alam kong gaano kasakit at kahirap ang pinagdaanan ko, kaming mag-ina. Pasalamat na lang ako at nandoon si Mommy at Ares. Hindi nila ako iniwan"
"Kung alam ko lang ang nangyari sayo, sana sinundan kita"
"Daddy confiscated everything kaya lahat ng means of communication natin ay naputol. But when we are finally stable in America and I cameback to my senses. si Ocean ang unang kong naisip"
"Kaya pala, galit na galit siya sa akin. Alam mo naman ang kapatid kong yun, loyal pa rin sa iyo hanggang ngayon."
"How about you and Ares?"
"Huwag mo akong alalahanin... Sapat na siguro si Eros"
Iniakyat ni Adonis ang bata sa kanyang kuwarto. Nakatulog na ito sa kandungan ng ina. Pababa na sana sila ng hilahin ni Adonis ang dalaga sa loob ng kuwarto nito atsaka siniil ng halik ang dalaga. Nasabik siya sa dalaga at hindi niya ito maikakaila.
"Aphrodite, magsama tayong ulit. Tayong tatlo... Tayo nina Eros... Dito sa bahay na ito. Afterall, this is still our house"
"Ha a e...Adonis... huwag kang padalus-dalos. Pag-isipan mo muna ang lahat. Ako. Kailangan ko ring mag-isip. Hindi na ganun kadali ang lahat para sa atin dahil may kanya-kanya na tayong buhay. May mga masasaktan tayo kapag nagkamali tayong muli sa desisyon natin"
"Mahal mo pa rin ako... Alam ko yun...At mahal pa rin kita. Hindi ka nawaglit sa isip ko kahit isang saglit lang"
"Paano si Selene at ang mga plano ninyo? Kilala mo ang kababata mo."
"Matatanggap din niya ang lahat." Muli siyang hinalikan ni Adonis. Inihiga niya ito sa kama. Nandoon ang halik ns pananabik.
Si Aphrodite ang bahagyang nalito sa nangyayari. Bakit parang nawala na ang apoy ng halik na iyon? Hindi tulad ng dati. Humalik siya . Sinubukang tumugon sa halik na iyon ngunit halatang nagkukunwari siya kaya itinulak niya palayo si Adonis.
"Bakit?"
"I can't do it"
"Hindi mo ba ako na-miss..."
"I don't think so...Go now..."
Kinabahan siya. Kinabog ng todo ang dibdib niya. Hindi niya akalaing hahalikan siyang muli ng binata.
Gabi na noon. Nakita ni Ares na pinatay na ang ilaw sa kuwarto ni Aphrodite at hindi lumabas si Adonis. Naisip na niya ang posibleng mangyari dahil sabik ang dalawa sa isa't isa kaya saan pa ba naman sila hahantong kundi sa kama.
Napasuntok si Ares sa manibela ng kotse. Nasa labas lang siya at hindi muna umuwi ngunit ng mga sandaling iyon, hindi na niya napigilan ang pag-iyak. Mukhang talo na siya sa laban. Pinaharurot niya ang kotse atsaka umalis. Umuwi siya sa condo ng gabing iyon.
Hindi na nakapasok sa Art Class ang bata. Sa kabila noon ay masaya ito dahil nagkita na sila ng kanyang daddy. Madaling araw umalis si Adonis. Sa sopa ito sa baba natulog.
Sa mansion ng Lagdameo...
Isang malakas na sampal ang sumalubong kay Adonis. Hindi pa natutulog si Selene. Kaninang kanina pa itong naghihintay sa binata. Out of reach cellphone nito kaya lalo siyang nanggagalaiti sa galit. Ayaw niya na hindi pinapansin ang mga tawag niya. Isang malaking kasalanan ang hindi siya i-priority. Ganun ka-self-conceited ang dalaga. Hindi rin ito marunong makinig sa paliwanag ng iba.
"Ano bang problema mo?"
"Bakit ngayon ka lang?"
"Bakit ba?"
"Saan ka nanggaling? Hindi mo ba alam kung anong oras na..."
"Oras na para magpahinga, Selene. halika na at matulog na tayo. Puyat ka na sa kahihintay sa akin. Come now"
"No, tell me the truth. May babae ka! Sino? Si Aphrodite ba?"
"Hindi ko alam ang sinasabi mo kaya tigilan mo ako. antok na ako at may lakad pa ako bukas"
"Don't you dare turn your back on me, Adonis"
'Hindi ka ba marunong mahiya. Madaling araw na at nang-aaway ka pa sa halip na tanungin mo ako kung kumain na ba ako . Ganyan ba ang klase ng babaeng mapapangasawa ko? Mas iniisip mo pang nambababae ako"
Hindi nakaimik si Selene.
"Don't you dare cheat on me Adonis. Alam mo kung ano ang kaya kong gawin"
Minsan ng nagbanta si Selene. Alam niyang gagawin talaga iyon ng babae. Nagawa na niyang makapanakit kaya puwede niya ulit gawin iyon para lang kay Adonis. Muli siyang nangamba hindi lang para kay Aphrodite kundi para kay Eros na rin.
FG
BINABASA MO ANG
WANTED: BOYFRIEND ON CALL
RomanceBOYFRIEND ON CALL (BOOK 1) : SECRET BOYFRIEND It all started in just one click. Everything was mixed up and we are now entangled in a serious and complicated situation we can never runaway. BOYFRIEND ON CALL ( BOOK 2) : SECRET LIVING Getting to kn...