BOC 3: WEDDING RUSH

51 0 0
                                    

SAN AGUSTIN CATHEDRAL

OCTOBER 18,2015

10AM


Tuwang tuwa si Titan at Zeus ng araw na iyon. Nangingilid ang luha ni Hera at ng kanyang mga kapatid. Pansamantalang iniurong ang kasal ni Venus at Phoenix upang paunahin si Aphrodite at ares.


"Ate, pasensiya na kayo ni Kuya Phoenix" Ngumiti ang kanyang ate. Niyakap niya ito ng mahigpit. Tinitigang mabuti sa suot na gown nito.

"Hindi naman problema yun... Makakapaghintay naman kaming pareho. Tama na ang pag-iisip ng kung anu-ano ha! Makakasama yan para sa pamangkin namin" Biglang tumulo ang luha nito.

"Tama na... pati ako naiiyak eh"- Medusa

"Masisira ang make-up mo Sis" – Perse


Inalalayan nila pababa ng hagdan ang kapatid. Samantalang nasa simbahan na sina Hera at Zeus. Ilang saglit lang ang pinaghintay nila at handa na ang simpleng seremonya para sa dalawa. Kapwa pamilya lang nila ang imbitado.


Nasa gitna si Aphrodite at kasalukuyang naglalakad ng maramdaman niya na tila nanlalabo ang kanyang paningin. Napapapikit siya at napapapilig ng ulo. Ngunit sinikap niyang makalakad ng maayos at itinuloy ang seremonya ngunit ng magsimulang magtanong ang pari sa kanilang dalawa, lalong sumama ang kanyang pakiramdam. Pinagpawisan siya ng malamig at tuluyang nawalan nang malay.


Sa ospital na nagkamalay si Aphrodite. Nakumpirma ng mag-anak na nagdadalantao si Aphrodite .


"Congratulations! 6 weeks pregnant na po ang misis ninyo" Kinamayan ng doktor si Ares. Ngiting ngiti naman ang binata sa kanyang narinig na akala mo ay totoong kanya ang dinadala ni Aphrodite. Nilapitan ng lahat ang dalaga sa higaan at dinamayan sa kanyang nararamdaman.

"Okay na ba ang pakiramdam mo?"

"Mommy, I'm sorry"

"Sssshhhhh! You don't need to say sorry. Loving Adonis is not a crime. Getting pregnant is a gift. Tulad ninyo ng mga ate mo. You were all gift to us" Sabi ng ina.


Hindi ipinaalam ni Zeus ang kondisyon ng anak kay Titan. Nagdahilan na lang ito ngunit sinabi niyang hindi muna itutuloy ang kasal. Bagamat nagtataka ay pumayag na rin si Titan. Hindi alam ng mga Lagdameo ang nangyari .


Pagdating sa mansion, nagwala si Zeus.


"Hindi ako makapapayag na dalhin ni Aphrodite ang anak ni Adonis"

"Zeus..."

"Hindi ako makapapayag!"


Agad lumipad papuntang America si Aphrodite at ang kanyang ina na si Hera. Itinakas ni Hera ang anak upang hindi maituloy ng asawa ang balak sa kanyang anak at para makaiwas na rin sa malaking kahihiyang idinulot ng maudlot na kasal nina Ares At Aphrodite. Galit na galit si Zeus ngunit mainam na iyon upang hindi niya masaktan ang anak.


Nalaman ni Titan ang nangyari. Tuluyang nagbago ang pagtingin ni Titan sa kanyang magiging manugang ng malaman ang katotohanang buntis ito sa iba. Bagamat hindi naman natuloy ang kasal, mariin na niyang tinutulan ang balak ni Ares na ituloy ang pagpapakasal niya kay Aphrodite.

WANTED: BOYFRIEND ON CALLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon