ADONIS' POV
Hindi ko maipaliwanag ang naramdaman ko ng buhatin ko si Eros. Anggaan ng pakiramdam ko sa bata ng humilig ito sa aking balikat. Noon ko naramdaman ang sarap sa pakiramdam na magkaroon ng anak.
Oo, naisip ko na siguro kung natuloy ang kasal namin ni Aphrodite baka mayroon na rin kaming anak na kasing edad ni Eros. Magaling ang batang magpinta. Nagulat ako ng makita ko ang angkin nitong talento sa pagguhit. Mas nakakagulat ng makita ko ang larawang iyon na pamilyar sa akin. Hindi ko alam kung saan niya iyon nakita.
Biglang bigla na lang ang pagsulpot ni Aphrodite sa gallery. Hindi ko alam kung sino ang pinag-uusapan nila ni Amoranto.
Wala akong naging balita kay Aphrodite simula ng magkahiwalay kami. Huli ko siyang nakita sa telebisyon sa harap ng altar kasama si Ares. Hindi ko alam kung anong nangyari sa kanila. Ni hindi ko magawang magtanong kay Mommy. Siguro, hindi pa ako handang malaman ang totoo at hindi ko pa kayang tanggapin ang totoo.
Pero nang makita ko silang dalawa ni Ares at Eros, bigla akong nainggit.
3rd PERSON'S POV
Tahimik si Adonis ng umuwi sa mansion. Tamang-tama at wala doon si Selene. Nalaman niyang galit na galit itong umuwi. Umalis muna daw para magrelax at mag-unwind. malamang, lasing na naman itong uuwi . Ang totoo, hindi siya makakilos ng maayos kapag nandyan si Selene. Kahit gusto sana niyang makipag-bonding sa kanyang mga kapatid o kaya naman sa kanyang mommy at daddy, ay hindi niya magawa.
Gusto kasi ni Selene na palagi na lang silang nakakulong sa kuwarto at naglalampungan.
Noong nasa ibang bansa si Adonis, sinundan siya doon ni Selene. Madalas pumunta si Selene sa dorm ng binata. Open - minded naman ang mga Briton at ang ilan pang lahi na kasama ni Adonis.
Kahit may nangyari sa kanila ni Selene, hindi ito tulad ng nangyari sa kanila ni Aphrodite.
"Hello, Adonis..How's your day with the kids?"
"I have a lot of fun with the kids... Nakakatuwa sila, Mommy."
"Really? Mukhang naaaliw ka na sa mga bata ha!"
"Not really, hindi lang po ako makapaniwala na sa edad nila magkakaroon sila ng interes sa pagpipinta. And I have this boy, he is so amazingly good at painting. I think it is an inborn talent"
"Talaga lang ha! What about this boy?"
"Hindi ko po alam kung saan niya nakita ang painting na iyon. Sa pagkakatanda ko... Saan ko ba naiwan ang painting na iyon? Ah tama, naiwan ko sa bahay namin ni Aphrodite... Mommy, pupunta ako bukas sa bahay. Pahiram po ng susi."
"Adonis..."
"Bakit parang gulat na gulat po kayo?"
"Hindi ko pala nasabi sa iyo na pinaupahan ko ang bahay. Ilang linggo pa lang naman. Kagagaling lang nilang mag-anak sa Amerika. May isang anak. Pasensiya ka na at hindi ko na nasabi sa iyo. nanghinayang ako kasi matagal na ring walang nakatira doon. Ano bang balak mong gawin doon? Doon ba kayo titira ni Selene?"
BINABASA MO ANG
WANTED: BOYFRIEND ON CALL
عاطفيةBOYFRIEND ON CALL (BOOK 1) : SECRET BOYFRIEND It all started in just one click. Everything was mixed up and we are now entangled in a serious and complicated situation we can never runaway. BOYFRIEND ON CALL ( BOOK 2) : SECRET LIVING Getting to kn...