APHRODITE'S POV
Lalo kong iniwasan si Adonis simula noon. Busy ako. Busy din siya. Si Apollo ang madalas mangulit sa akin sa texts. Hindi ko tinatanggap ang mga tawag niya sa bahay. Nahalata din yun nina Mommy at nina Ate.
Pero maitatago ko ba iyon sa sarili kong ina? Alam niyang may matindi akong pinagdadaanan. Nagbisi-bisihan ako para hindi ko siya maalala pero lalo siyang sumisiksik sa isip ko. Higit sa lahat, ang hindi ko makalimutan ang halik niya.
Oo, aksidente man o hindi ang halik na iyon... nagustuhan ko iyon. Humalik din ako sa kanya ng walang pag-aalinlangan dahil kahit hindi ko aminin, mahal ko na rin siya ng una kaming magkita sa sala ng bahay.
Tama ang sabi niya, hindi lang ako naninIwala na possible palang maramdaman mo ang pagmamahal na iyon sa una ninyong pagkikita.
Pero sapat na ba itong dahilan para maging boyfriend ko siya? Ang sagot ay hindi...
Sa dress rehearsal kami nagkikitang muli. Wala kaming imik sa isa't isa. Nakatitig lang siya sa akin at hindi nagsasalita. Pagkatapos ay nagmamadali na rin siyang bumalik sa kanyang klase. Inihahatid ko na lang siya ng tingin sa labas ng pintuan.
Hindi naging maganda ang araw ko dahil sa malamig na pagtrato niya sa akin. Hindi kasi siya ganun tuwing makikita ako. Hinayaan ko na lang at ibinaling ko ang oras ko sa ibang bagay.
Minsan, nagpahuli talaga ako ng uwi. Hindi ko alam, pinapasok pala siya ng guwardiya dahil gusto daw niya akong makita.
"Sige, Sir. Malakas ka sa akin eh" Pero nasa gate pa lang siya ay nag-brown out na sa lugar na iyon.
"Brown out?"
"Opo, Sir. Naku, puntahan po muna ninyo si Ma'am. Madalas po kasi siyang palaging mag-isa sa working room niya"
"Salamat. Pahiramin mo naman ako ng extra flashlight"
"Heto po Sir"
Nataranta si Aphrodite at hindi na siya nakatayo sa kanyang kinauupuan. Nawalan na naman ng kuryente. Sinabihan na rin siya ng kanyang mga kaklase na huwag nang masyadong magpagabi dahil nga may rotational brownout sa lugar pero hindi pa rin siya nakinig.
"Kuya Guard..." Sigaw nito.
"Kuya Guard" Muli niyang sigaw. Sumubsob na lang siya sa makina hanggang sa marinig niyang nagbukas ang pinto at nakita niya ang liwanag mula sa flashlight. Malayo pa lang ay naamoy na niya ang pabango ni Adonis.
"Impossible! Nababaliw na naman ako" Palibhasa ay madilim kaya hindi niya nakilala ang taong tumulong sa kanya.
"Manong Guard, salamat naman at pinuntahan ninyo ako. Akala ko makukulong na naman ako doon mag-isa"
"I missed you, Aphrodite" Pinatay ni Adonis ang flashlight at gumilid ang dalawa. May liwanag na nagmumula sa ilang kalapit ng gusali kaya maliwanag sa labas na iyon.
Nanabik ang binata kaya hinagilap muli ang labi ng dalaga. Hindi halos makakilos si Aphrodite sa sobrang pagkabigla. Napapikit siya at ninamnam ang halik na iyon ni Adonis. Madilim kaya malakas ang kanyang loob na tumugon ng halik. Hinawi ni Adonis ang buhok ng dalaga at hinagod pababa ng batok nito.
BINABASA MO ANG
WANTED: BOYFRIEND ON CALL
RomanceBOYFRIEND ON CALL (BOOK 1) : SECRET BOYFRIEND It all started in just one click. Everything was mixed up and we are now entangled in a serious and complicated situation we can never runaway. BOYFRIEND ON CALL ( BOOK 2) : SECRET LIVING Getting to kn...