BOC 4 : ARES OR ADONIS

72 2 0
                                    

APHRODITE'S POV


Hindi ako nakatulog buong magdamag sa kaiisip. Maaga kong pinatulog si Eros para hindi niya ako kulitin kumbakit ako nag-iimpake ng mga damit namin. Lalong nahati ang kalooban ko. Hindi pa rin ako sigurado sa desisyon ko kung sasama ba talaga kami kayAdonis.


"Sigurado po ba kayo na iiwan na ninyo si Sir Ares?"

"Hindi ko din alam , Feliza. Alam kong napatunayan na ni Ares ang kanyang sarili na mahal niya talaga ako at si Eros. Pero ako, hindi ko alam kung ano ba talaga si Ares para sa akin?"

"Huwag po kayong padalus-dalos dahil nakasalalay sa inyo ang kaligayahan ng inyong pamilya"

"Oo nga. Tama ka, Feliza. Hindi ganun kadali ang magdesisyon pero dalawa lang ang pagpipilian kong sagot. OO o HINDI"

"Komplikado lang po ang sitwasyon ninyo pero ang sagot ay madali lang "


Samantala... nagmamaktol si Eros. Ayaw niyang umalis na hindi kasama si Ares kaya kinausap niyang mabuti ang bata.


"Eros, listen to me... Daddy Adonis asked us to come with him... How's that?"

"Where are we going?"

"We'll live somewhere far from here"

"How about Tito Ares? Can he not go with us? You love Tito Ares, right?" Sunud- sunod na sabi ni Eros.

"He can not come with us. It will be just you and I and your daddy Adonis"

"Is it okay for you to leave Tito Ares?" Isang tanong mula sa 5-taong gulang na batang tulad ni Eros. Biglang huminto si Aphrodite.

"Do you think it's okay if Daddy Adonis marries someone else?" Hindi na niya maitago ang katotohanan. Kailangan din niyang sabihin ang totoo kay Eros.

"It's okay , Mom. I'll have Tito Ares for my dad instead" Isang inosenteng sagot. Para sa kanya, ganoon lang kadali iyon dahil nandiyan si Ares. Hindi naman komplikado ang sitwasyon kung handa lang sanang sagutin ng tapat at totoo... Para sa isang bata, iyon ang nasa kalooban niya.

"Will it be okay if you become Daddy's ringbearer on his wedding day?" Tanong ni Aphrodite.

"Will that be okay with you?" Ibinalik ni Eros ang tanong.

"If you'll come and see daddy Adonis in his wedding day then I'll come with you" Sagot ng bata at pinisil ng maliliit nitong kamay ang kamay ng ina.

"Mom, Tito Ares will be sad if we leave him." Iyon ang isang bagay na inaalala sa lahat ni Eros. Ayaw niyang malungkot si Ares.

"I know...Do you think you are ready to call him your daddy ?"

"Yes, ofcourse..."


Hindi na tumuloy si Aphrodite. Sapat na ang sagot ng anak. Bata pa siya at hindi niya naiintindihan ang kanyang mga isinagot pero nakita ni Aphrodite kung gaano kahalaga sa anak si Ares at ayaw niya itong iwang malungkot.


Para kay Eros, daddy na rin niya si Ares...


Humanga ang dalaga sa kanyang anak. Mapagpalaya ito at mapagpatawad. Hindi niya piniling lumayo kasama ang kanyang tunay na mommy at daddy. Hindi solusyon ang paglayo para lang maging masaya. Lalayo nga silang tatlo pero marami naman silang maiiwan at masasaktan, balewala rin ang lahat. Sa bandang huli, hindi rin sila magiging masaya. Buo nga sila bilang isang pamilya pero uusigin naman ang kanilang konsensiya. Lalong dadami ang problema. Ang mahalaga ngayon, magiging masaya si Eros kay Ares sa kabila ng katotohanang hindi niya ito tunay na ama.

WANTED: BOYFRIEND ON CALLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon