3RD PERSON'S POV
Nagtataka si Adonis ng magbago ang mood ni Aphrodite ng tanungin niya ang secret boyfriend nito. Ayaw din niyang pinag-uusapan ang tungkol sa kanyang lovelife.
"Baka naman, Pare wala pa talaga siyang boyfriend. Kunwari lang yun na may secret bf"
"Mga kabarkada naman niya ang nagsabi at mukhang na-meet na nila"
"Siguro nga na-meet na nila ng isama nung babae pero hindi puwede sa mismong bakuran nila.Baka bawal pa"
"Siguro nga..."
"Ano bang balak mo? Maganda ba? Girlfriend material ba?"
"Oo naman..."
"E ano pang hinihintay mo?"
"Hindi ko alam kung paano"
"Anghina mo naman..."
"As if naman may alam ako sa panliligaw e wala pa nga akong naging girlfriend"
"May tsansa pa ba kayong magkita nung babae?"
"Oo naman pero hindi ko alam kung kailan ulit?"
"Baka puwede mong kunin ang number niya tapos itext mo."
"Pag-iisipan ko... close naman siya sa mga kapatid ko. Baka may number siya kay Ocean"
"Naku, isip –isip din pag may time para magkaroon ka na rin ng girlfriend bago ang graduation ball next year"
"Kain na nga tayo. Lalo akong nagugutom sa pinaggagawa natin e"
CAMPUS CANTEEN
Magkasama ang sina Apollo at Adonis dalawa sa kantin. Si Adonis ang nagbayad ng kanilang kinain. Ibinaon ni Apollo ang natirang pagkain para may pagkain ito sa hapunan.
"May pera ka pa ba?"
"Oo naman...Malaki yung perang ipinadala ng una nating kliyente. Paano kung may mangailangan ulit ng service ni Boyfriend on Call?"
"Di ba sabi ko sayo huwag yung number ko. Kung gusto mo ikaw ang gumawa. Try mo"
"Ano bang pakiramdam?"
"Nakakakaba din? May mga kabarkada kasi siya doon. Mas mai-enjoy mo yun dahil kung party rin lang ang pupuntahan ninyo, mabubusog ka. Masasarap pa naman ang handa"
"Sige, ita-try ko pag may naghanap ulit"
"Basta pare, out na ako dyan ha!"
"Oo na..."
Muling pumasok ng ART ROOM ang dalawa para tapusin ang kanilang obra. This time, ang mata ng babae sa likod ng maskara.
"Malaki ba ang impluwensya sa iyo ng babaeng date mo para ganyan ang maging epekto sa iyo. Inspired kang masyado. Puzzle ba ang i-exhibit mo?"
"Bakit hindi?"
"Your painting is like looking for a missing person"
"Hindi nga ba? Eh missing person naman talaga siya."
BINABASA MO ANG
WANTED: BOYFRIEND ON CALL
RomanceBOYFRIEND ON CALL (BOOK 1) : SECRET BOYFRIEND It all started in just one click. Everything was mixed up and we are now entangled in a serious and complicated situation we can never runaway. BOYFRIEND ON CALL ( BOOK 2) : SECRET LIVING Getting to kn...