Tahimik ang dalawa sa Art Room. Nagpapakiramdaman ang dalawa. Kung may tensyon, hindi nila parehong alam. Kung may kompetisyon, silang dalawa lang ang nakaaalam.
Maganda ang anggulo ng magkalapat na labi sa canvass na iyon. Inspired na inspired siya ng matapos iyon. Nandoon ang saya at ngiti sa kanyang labi ng muling tiningnan ang mga larawan.
"Adonis, liligawan ko si Aphrodite"
"No problem, Pare..."
"Tinamaan talaga ako sa kanya. "
"I told you... diyosa siya ng kagandahan"
"Totoo nga talaga ang sinabi mo"
"Saan ka ba galing kanina?"
"Sinukatan lang ako ng damit kanina para sa Fashion Show"
"Mmm, nagkita kayo ni Aphrodite?"
"Oo... tinawagan ako ni Mommy..."
"Kumusta naman?"
"Hayun, siya lang ang walang modelong sinusukatan ng dumating ako. Nakalimutan daw niya akong sabihan na ngayon pala iyon."
"Uy, angganda naman ng ...." Inginuso ang larawan sa canvass.
"Mukhang ... Nangangarap ka bang mahalikan si Ms. Terry Yus?"
"Hindi lang pangarap. Nahalikan ko na talaga siya" Hindi na lang umimik si Adonis. Batid niyang masasaktan si Apollo kapag nalaman niya ang totoo tulad nang nangyari sa birthday boy na nagwala dahil nakita niya ang buong pangyayari sa kanila ni Aphrodite. Mabuti na lang at walang nakita si Apollo.
Walang pag-aalinlangan sinabi ni Apollo ang balak na panliligaw kay Aphrodite. Okay naman sila paglabas ng Art Room. Tinulungan siya ni Apollo na dalhin ang ilan niyang mga gamit sa kotse.
"Uy, angganda ng kotse natin ah!"
"Nung isang araw pa yan. Ngayon mo lang nakita"
"Sports car ba ito?"
"Hindi naman... Pero puwede ring tumakbo na kasing bilis ng sports car"
"Iba yung ginamit mo kagabi sa party?"
Tumango lang ang binata.
"May gagastusin ka pa ba dyan?"
"Wala na eh. Mayroon ka pa bang extra dyan?"
"Sure..."
Naglabas ng limang piraso ng papel na tig-isang libo si Adonis. Ibinigay sa binata.
"Kumain ka. Namamayat kang masyado"
"Salamat Adonis. Makakabayad din ako"
"Tulungan mo ang pamilya mo, bayad kana"
Tinapik niya sa balikat ang kaibigan.
Nagdala siya ng canvass na tela , mga kakailanganin niyang acrylics, palette at sari-saring paint brush. Isang lifesize ang kanyang gagawin. Kahit walang subject, kaya na niyang iguhit si Aphrodite. Maingat ang kanyang pagpipinta kaya iniuwi niya ito sa bahay.
BINABASA MO ANG
WANTED: BOYFRIEND ON CALL
RomanceBOYFRIEND ON CALL (BOOK 1) : SECRET BOYFRIEND It all started in just one click. Everything was mixed up and we are now entangled in a serious and complicated situation we can never runaway. BOYFRIEND ON CALL ( BOOK 2) : SECRET LIVING Getting to kn...