BOC 4: REVISIT

54 1 0
                                    


ADONIS' POV


Muling nanumbalik sa aking alaala ang mga araw na magkasama kami ni Aphrodite sa iisang bubong. Ang bahay na ito ang saksi sa aming matamis na pagmamahalan. Dito din namin binuo ang aming mga pangarap na balang araw, dito kami titira ng aming mga magiging anak.


Lahat ng iyon ay mukhang malabo ng mangyari. Marami ng nangyari at marami na ring nagbago. May mga bagay na bahagi na lang ng alaala na puwedeng balik-balikan ngunit malabo ng mabigyan ng katuparan tulad ngayon.


Hindi ko naipaglaban ang pag-ibig namin. naging mapusok kami at hindi naghintay ng tamang panahon.



3RD PERSON'S POV


Nag-alala si Aphrodite sa ikinilos ni Ares ng gabing iyon. Iniwan silang mag-ina kahit alam niyang hindi niya iyon gusto. Kinabukasan, maagang naghanda si Aphrodite ng baon ng bata. Sasamahan niya si Eros upang tingnan ang mini-art exhibit ng kanyang Art Class.


Pagkaalis ng kotse sa garahe, huminto naman ang isang kotse sa harap ng bahay na iyon. Muling nagbalik sa alaala ni Adonis ang nakaraan noong mga panahong nakatira pa siya sa bahay na iyon. Humugot siya ng lakas ng loob saka tumayo sa gate at pinindot ang doorbell.


"Sino po sila?"

"Ako po si Mr. Adonis Lagdameo... Yung may-ari ng bahay"

"Ay kayo po ba? Tuloy po kayo. Pasensiya na po kayo" Nagmadali si Feliza na nagbukas ng gate.

"Nandiyan po ba si Ms. Feliza Miranda..."

"Ako po yun , Sir."

"Kayo po ang nakaupa sa bahay na ito?" Tanong ni Adonis.

"Ha, a e... Opo, ako nga po" Nauutal na sagot ng kasambahay. Hindi niya namukhaan ang binata. Gayundin si Adonis. Bagamat pamilyar sa kanya ang kasambahay ay hindi na lang niya ito pinansin.

"Ma'am, ako po kasi ang may-ari ng bahay na ito. May ilan po kasi akong mga gamit na naiwan dito. Puwede ko po bang tingnan? Tsaka, kung puwede na, kukunin ko din ngayon" Umiling ang babae at hindi alam kung ano ang gagawin. Dummy lang naman siya at ang totoo, hindi siya ang tunay na umuupa doon.

"Don't worry , Ma'am. Baka po nag-aalala kayo. Ako po talaga ang may-ari ng bahay na ito. Dalawa ang kuwarto sa loob. Ang isa sa bandang dulo ay kuwarto ko. Painter po ako kaya sa loob ng kuwarto ko, may malaking portrait doon ng isang babae" Napayuko si Adonis. Naalala niya si Aphrodite. Nagkita sila ng babae ngunit naging mailap sa kanya ang dating kasintahan.

"Tama po kayo, may malaki nga pong portrait doon, kaya lang..."

"Kaya lang..." Nagtuloy-tuloy si Adonis sa loob. Pinigilan siya ng kasambahay ngunit hindi ito nagpaawat at dire-diretsong umakyat ng 2nd floor. Nagmadali rin si Feliza. Tinawagan sa cellphone ang amo sa pangambang isa lang itong modus operandi para makapagnakaw. Hindi siya tiwala sa lalaking dumating.



Samantala, sa loob ng kotse...


"Yes, Eros..."

"Yaya is calling..."

"Get the phone for me..."

WANTED: BOYFRIEND ON CALLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon