BOC: FALSE WITNESS

75 1 0
                                    

3RD PERSON'S POV


Samantala, nasa mansion ng Enriquez ang mag-asawang Lagdameo. Nagulat din sina Zeus at Hera sa pagdalaw na iyon nina Bacchus at Galatea. Halata ang labis na pag-aalala sa mukha ng mag-asawang Lagdameo kaya nagpahanda ito ng tsaa si Hera. Niyaya ang mga kaibigan sa lanai.


"Napadalaw kayo? Hindi man lang kayo nagpasabi?"

"Pasensiya na, Zeus..." Sabi ni Bacchus.

"Wala pa ba ang bunso ninyo?" Tanong ni Thea.

"Naku, Thea. Busy ngayon si Heart kasi may inaasikasong Mini-Fashion Show ang school nila" Sabi ni Hera.

"Bacch, ano bang atin?" Naupo si Zeus matapos makipagkamay sa lalaki.

"Didiretsahin na kita, Zeus. Ayokong sabihin mong wala akong pakialam na ama lalo na pagdating kay Adonis."

"Hmm,at bakit naman nauwi tayo tungkol kay Adonis?"

"Hera, ano kasi? Sina Adonis at Aphrodite..."

"Thea, hindi rin namin nabanggit sa inyo..." Hindi maituloy ni Hera ang gustong sabihin kaya kinuha nito ang card copy ng cctv ng araw na mag-away ang dalawa sa gate at isinuksok sa card reader ng kanilang tv kaya animo'y nanunood ng programa sa telebisyon ang mga mag-asawa.

"Wala pa ba silang inaamin..." Tanong ni Thea.

"Hangga't walang umaamin sa kanila, hindi natin panghihimasukan ang sari-sarili nilang problema"

"Hindi sapat ang mga nakita natin sa cctv para sabihing may relasyon sila" Sabi ni Zeus. Tiwala siya kay Aphrodite na wala silang relasyon ni Adonis.

"Pare just in case , magbunga ang kapusukan ng ating mga dalaga at binata..."

"Teka, Bacchus... Anong sinasabi mong kapusukan?" Tumaas ang boses ni Zeus.

"Didiretsahin na kita. May dinalang babae si Adonis sa Suite Lagdameo nitong nakaraang linggo sabi ng Hotel Manager."

"At anong kinalaman ng bunso ko?"

"Pare naman, iba na ang mga kabataan ngayon... Baka lang naman magbunga ang kanilang ginawa kung may nangyari man sa kanila... Papanagutin namin ang aming binata sa ginawa niya"

"Hindi porke't may dinalang babae doon ay si Aphrodite na..."

"May cctv camera ang hotel kaya hindi naman magkakaila ang camera. Sige, hintayin na lang natin..."


Nagkakahiyaan pa ang dalawa habang naglalakad sa sementadong daan sa loob ng bakuran. Napansin ni Aphrodite na may Tea Session ang kanyang mga magulang. Alam niyang ang Mommy at Daddy ni Adonis dahil na rin sa pamilyar na sasakyang nasa garahe ng mga oras na iyon.


Umakyat saglit ang mag-asawang Enriquez sa kanilang kuwarto at masinsinang nag-usap sa kanilang nalaman. Tumaas ang presyon ng dugo ni Zeus. Pabagsak nitong isinara ang pinto.


"Abah, pagbibintangan pa si Aphrodite... " Sabi ni Zeus.

"Dad, tama na yan! Hintayin na lang natin si Aphrodite. " Habang pinapakalma ang asawa.


Kinatok sila ng kasambahay at sinabing nakarating na si Aphrodite kaya nagmadaling bumaba ang mag-asawa.

WANTED: BOYFRIEND ON CALLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon