THE GUESTS AND THE USHERETTE

98 4 0
                                    

3RD PERSON'S POV


Lalong kumapal ang mga tao sa bakuran. Sama-samang businessmen and businesswomen, mga kaibigan nina Venus, Medusa, Perse at Aphrodite ang nandoon at maging mga anak na dalaga at binata ng mga kaibigan nila ay nakikisaya sa okasyon.


Habang nag-i-enjoy mag-usap ang dalawa nilapitan sila ng mga kapatid ni Adonis, sina Cronus, Atlas at Ocean.


"You finally met her" Sabi ni Cronus. Nag-una-unahan ang mga ito na tumabi kay Aphrodite.

"Hey, careful..." Sabi ni Adonis. Umuga ang mesang kinakainan nila.

"I told you, maganda siya Kuya" Sabi naman ni Atlas.

"Hi, Aphrodite" Bati naman ni Ocean. Tahimik ang binatang naupo sa tabi ng dalaga.

"Kumuha na kayo ng pagkain doon at huwag kayong makulit dito" Saway ni Adonis.

"Kuya, matagal na naming kilala si Aphrodite... Di ba?" Tingin ni Atlas. Pinisil ng dalaga ang pisngi ni Atlas.

"Oo na. Masyado kang pa-cute..." Tugon ni Aphrodite.

"Sino sa aming tatlo ang crush mo?" Tanong ni Cronus. Nagulat si Adonis sa tanong ng mga kapatid.

"SI OCEAN..." Sabay-sabay na sagot nilang tatlo, Aphrodite , Cronus at Atlas. Alam na nila ang isasagot ng dalaga.

"Crush, bakit ka naman malungkot? Ngayon na nga lang tayo magkikita, hindi mo man lang ako ngitian. Ngiti naman dyan..." Kiniliti ni Aphrodite ang binata sa tagiliran kaya bigla itong napaiktad at nabigla. Napangiti ito.

"Lagi kasi ninyo akong inaasar e"

"O di sige, hindi na ikaw ang crush ko. Hmmm, puwede ba yung kuya mo na lang? Payag ka ba? Siya na lang tutal ayaw mo sa akin" Sabi ni Aphrodite.


Nagulat si Adonis ng makita ang ngiting iyon. Ang ngiti na minsan na niyang nakita. Ang pamilyar na ngiti ng gabing iyon sa kabila ng may maskarang nakapiring sa kanilang mga mata. ang kaparehong nipis ng labi kapag ngumiti na ay muli niyang nasilayan.


"Bakit?" Tanong ng dalaga ng mapansin na nakatitig sa kanya ang binata.

"Wala. May naalala lang ako"

"Alam mo, you're acting so WEIRD... Kanina ka pa. Bigla kang matutulala tapos sasabihin mo, may naaalala ka"

"Have we met before?" Tanong ni Adonis na parang wala siya sa sarili. Umalis ang mga kapatid nito para kumuha ng pagkain.

"NO...I don't think so..."

"I think, I met you somewhere... It's like a"

"DE JA VU" Sabay nilang sabi. Natawa silang pareho.


Bumaling sa mga binatilyong lalaki sa tabi niya. Tahimik na kumakain ang mga ito.


"Pasensiya ka na. Ganito lang talaga ako. I'm used to talk that way to your brothers. I see them most often here whenever we have simple gatherings. We're already that close"

"I see. Mukhang ako na lang ang hindi mo pa talaga nakikilala. Puwede pa naman siguro?" Titig na titig si Adonis.

"Bakit ganyan kang tumingin kay Ate Aphrodite, Kuya Adonis?" Tanong ni Ocean.

WANTED: BOYFRIEND ON CALLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon