3RD PERSON'S POV
Maaga pa lang ay umalis na si Adonis. Nasa gate na siya ng school ng dalaga. Nakita niyang hindi lang siya ang nag-aabang doon. Marahil inaabangan din ng ibang mga lalaki ang kanilang kasintahan dahil oras na ng uwian.
Si Aphrodite naman ay kinakabahan sa loob ng wash room kasama si Minerva. Nakatingin lang sa kanya ang dalaga habang nagre-retouch ng make up. Napapangiti para sa kaibigan. Sinisipat kung okay na ang kabuuan nito sa salamin. Umikot-ikot at saka ngumiti.
Nang makita niya ang dalaga sa labas ay nilapitan niya kaagad ngunit dumating naman ang kanyang sundo kaya nag-alangan si Aphrodite kung kanino sasabay.
"Mang Tomas, nakapangako kasi ako kay Adonis na sasabay sa kanya dahil tinulungan po niya ako kanina. Puwede po bang iuwi na lang ninyo ang mga gamit ko? Tatawagan ko na lang po si Mommy."
"Sige po, Ma'am Aphrodite"
"Adonis, halika na..."
Inalalayan niya ang dalaga papasok ng kotse. Isang bag na lang ang hawak nito. Tahimik ang dalaga. Hawak niya ang bag sa kanyang kandungan.
"Pasensiya kana. Madami kasi akong gamit. Namili kasi ako ng canvass."
"No problem..."
"Kumusta ang klase mo? Hindi ka ba na-late?"
"Thanks to you... Hindi ako na-late. Ikaw?"
"Hindi rin. I was preparing for an exhibit kaya nasa Art Room lang ako. I am working on several paintings. Hindi ko pa naaabot ang number of painting na dapat kong iguhit kaya thanks to you din"
"Bakit? What did I do?" Ngumiti na lang si Adonis kahit takang taka ang dalaga. Hindi niya masabi na dahil sa kanya ay may pinaghuhugutan siya ngayon ng inspirasyon.
"Basta kapag na-finalized na yung date ng exhibit next year baka gusto mong pumunta"
"Sure I will... Hilig ko talagang tumingin sa mga Artworks and Paintings. Are you familiar with Amoranto?"
"What about Amoranto?"
"Magaling siyang painter di ba? Out of his dreams he was able to paint a lady. I was thinking na baka ang babaeng iyon ang kanyang dream girl."
Natigilan si Adonis. Kilala ni Aphrodite ang mga likha ni Amoranto. Nabanggit niya na kaibigan ni Amoranto ang daddy nito. Tito Guiller pa nga ang tawag ni Aphrodite.
"Siguro nabisita mo rin ang kanyang exhibit sa Market! market!?"
Hindi na siya nasagot ni Aphrodite ng may biglang tumawag sa kanya. Hindi rin napansin ng dalaga na nagulat siya sa sinabi nito.
"Mom, I am sorry. I wasn't able to inform you ahead of time. Adonis happened to pass by and help me out para di ako ma-late kanina. Returning the favor, we'll just eat and go home. Opo. Thanks, Mom"
"Let's eat"
"Sure, sagot ko"
"Ako nang bahala dun"
"No, ako na lang..."
"Ako na lang... Naunahan mo lang akong magyaya. I am really planning to ask you to eat out before I bring you home"
"Sige, salamat"
"Where do you want to eat?"
"Let's just eat merienda. Okay na ako sa burger and fries"
"Okay..."
Tahimik na lang si Aphrodite habang kumukuha ng order si Adonis. Muli niyang naamoy ang pabangong iyon ng binata pag-upo nito sa kanyang harapan.
"Let's eat. Baka maghintay sayo si Tita Hera."
"Take your time. Basta nakapagpaalam na ako. Wala nang problema dun. Makakauwi naman tayo ng maaga"
Muling nanahimik si Aphrodite habang kumakain. Hindi siya makatingin ng diretso kay Adonis. Hindi rin niya iyon maintindihan kumbakit. Iba rin ang pakiramdam niya sa sitwasyong iyon ngayon.
"Bakit ba lagi kang tahimik ngayon? Mas gusto ko ang Aphrodite na madaldal."- Adonis
"Sabi ko sayo hanggang sa party lang ako ganun. Madalas kasing magkaroon ng salu-salo sa bahay. Parang trabaho ko ng mag-entertain ng mga bisita."- Aphrodite.
"Kain pa... Anghina mo namang kumain."
"Bakit ba ako nagkakaganito? Ang totoo, malakas naman talaga akong kumain pero dahil si Adonis ang kaharap ko parang kailangan kong maging pino ng kilos. Kalokohan yata ito! Grrrrr!"
Tahimik muli sila at biglang nagkatinginan habang sumisipsip ng softdrink sa straw. Pakiramdam ni Adonis iyon ang first step niya para makadiskarte kay Aphrdite. Hindi niya maiwasan hindi mapatitig sa kagandahan ng dalaga.
"You know, this is my first time to go out with a girl"
"Hmm, ako din... first time to go out and eat with a boy"
"I thought I heard you last night about your secret boyfriend..."
"So you're eavesdropping...how much did you know?"
"Just heard that it was a secret. Baka naman magalit siya or maybe he is looking at us right now"
"Puwede bang kumain ka na lang? By the way, thank you pala kanina. Maybe it's time for me to learn how to fix even a simple engine trouble. Nakakahiyang ma-stuck sa kalye."
"Dapat lang...Anyway, I'll be on the rescue naman. Just curious, if you don't mind... Seriously, may boyfriend ka na?"
"Mahalaga bang sagutin ang tanong mo?"
"I hope you don't get offended..."
"Hindi kasi ako komportable sa usapan natin. Bakit ba tayo napunta sa topic na yan. Why don't we change our topic? "
"Okay..."
Masayang natapos ang mirienda ng dalawa at saka inihatid na ni Adonis si Aphrodite. Hindi na siya pumasok sa loob ng mansion.
"No thanks. I'll go now"
"Thanks, Adonis"
"Welcome..."
Natapos ang gabi ng may panibagong buhay na magsisimula sa kanilang dalawa.
Nagsisimula pa lang magpakita ang mga senyales.
Nagsisimula pa lang niyang mapagtagni-tagni ang tila piraso ng puzzle kung sino talaga si Ms. Terry Yus.
BINABASA MO ANG
WANTED: BOYFRIEND ON CALL
RomanceBOYFRIEND ON CALL (BOOK 1) : SECRET BOYFRIEND It all started in just one click. Everything was mixed up and we are now entangled in a serious and complicated situation we can never runaway. BOYFRIEND ON CALL ( BOOK 2) : SECRET LIVING Getting to kn...