3RD PERSON'S POV
Lumipad patungong Europa si Adonis para sa kanyang ikaapat na taon sa kursong Fine Arts. Desidido siya sa kanyang mga plano kaya hindi na niya inisip ang kalungkutan kung sa huli naman ay makakasama pa rin niya si Aphrodite. Lingid sa kaalaman niya ay sinundan siya ni Aphrodite, maihatid man lang siya sa tingin ng dalaga ngunit laking pagtataka ng dalaga ng makitang kasama nito si Selene. Masayang masaya ang dalawa at sa di-kalayuan ay nandoon ang mga matang luhaan ng halikan ni Selene sa labi ang binata. Hinawakan niya ito sa leeg upang hindi niya kaagad mailayo ang mukha dahil alam niyang iiwas at iiwas ito. Nagmadali siyang tumakbo sa kotse.
"What is that for?" Tanong ni Adonis
"I'm happy to be with you on this trip"
"Really!" Maybe you should take a better look at your ticket"
"Ha!" Tiningnan nga ng dalaga at nakitang magkaiba sila ng plane ticket number.
Ngunit hindi na iyon mabubura sa isip ni Aphrodite. Isang linggong iniyakan ni Aphrodite ang pag-alis na iyon ni Adonis. Nagkulong siya sa kuwarto at hindi bumaba para kumain.
"Sis, ano ba?" - Venus.
"Tama na yan. Namumugto na ang mata mo"
"Ate, bakit niya kasama ang babaeng yun? Bakit?"
"Sino bay un?"
"Si Selene... yung sikat na modelo..."
"Yung sumali sa Project Runway tapos natalo dahil sa pagmamaldita at super attitude niya. Tsss!"
Tumango ang dalaga.
"Ikain na lang natin yan. Sa relasyon kailangan may tiwala ka. Ganun ba ang pagkakakilala mo kay Adonis? Ano ba niya ang babaeng iyon?"
"Kababata niya yun eh"
"And so what?! Kahit kababata pa niya o childhood sweetheart, it doesn't guarantee na sila ang magkakatuluyan balang araw" Kumibit balikat ang si Perse.
Noon lang na nakita ni Aphrodite ang suporta ng kanyang mga ate sa kanyang kalagayan.
May kumatok sa pinto at ipinasok ang pagkain para sa dalaga. Madami ang pagkaing inihain dahil nandoon ang tatlo niyang ate. Hindi hinayaan ng kanyang mga nakatatandang kapatid na maging miserable ang bunso pagkatapos umalis ni Adonis. Iyon na ang pinakamasakit sa lahat.
Sa eroplano....
Sakay ng Thai Airways International , tahimik siyang nakaupo at ipinikit ang kanyang mga mata. Tumulo ang luha sa gilid ng kanyang mga mata. Itinalukbong niya ang kumot sa kanyang mukha upang hindi siya pagtinginan ng mga tao kumbakit siya umiiyak.
Hindi niya inakalang ang pagbabalik ni Aphrodite sa mansion ay sobra pa sa pagkakalayo nila ngayon. Milya milya ang layo niya ngayon sa dalaga. Aabutin ng 14 na oras at kalahati ng walang tigil na paglipad sa ere hanggang makarating sa London.
Bagamat hindi ganun siya kahanda, siniguro niyang magiging abala siya sa pag-aaral upang hindi niya lalong ma-miss si Aphrodite.
Sa opisina ni Zeus....
Nagkaroon ng mainitan pagtatalo sina Zeus at Bacchus. Hindi na nagustuhan ni Bacchus ang sinabi ni Zeus lalo na tungkol kay Adonis.
"Bawiin mo ang sinabi mo" Hawak nito ang kuwelyo ni Zeus. Dinaluhan sila ng kanilang mga business partner habang nasa meeting sila ng araw na iyon.
"Nasabi ko na ang gusto kong sabihin." Sabi ni Zeus.
"Wala kang karapatang laitin ang anak ko. Kahit isa lang siyang hamak na pintor, responsible siyang tao at magiging masaya si Aphrodite sa piling ng anak ko"
"Gaano ka kasiguradong magiging masaya sila kung kumakalam ang tyan nila ? Kung puro pagmamahal ang paiiralin, wala silang kinabukasan. Hindi nakakain ang pagmamahal. Mamamatay silang dilat ang mga mata" -Zeus.
"Hindi ganun si Adonis. Mahal niya si Aphrodite. Oo. Alam ko kung gaano kalawak ang impluwensiya mo para mapapayag mo ang anak ko na kunin ang scholarship na iyon sa London. Kahit paglayuin mo silang dalawa, nakakasigurado akong hindi ka magtatagumpay. Hinding hindi mo masasaktan ang anak ko"
Binitiwan na ni Bacchus si Zeus. Alam niyang walang patutunguhan ang init ng ulo niya lalo na kung papatulan niya si Zeus.
BACCHUS' POV
Alam kong ayaw ni Zeus kay Adonis para sa kanyang anak na si Aphrodite. Hindi ko mapipigilan ang anak ko. Hindi ko kayang saklawin ang kanyang puso. Hindi ko naman siya kinunsinti ng magsama sila ni Aphrodite sa iisang bubong. Pinagsabihan ko siyang huwag lumampas sa kanyang limitasyon. Nang huli ko siyang makausap sinabi niya sa akin na gusto silang paglayuin ni Zeus. Tatanggapin daw niya ang scholarship dahil mahal niya ang pagpipinta. Babalikan niya si Aphrodite kahit anong mangyari.
c��ڄ�
BINABASA MO ANG
WANTED: BOYFRIEND ON CALL
RomanceBOYFRIEND ON CALL (BOOK 1) : SECRET BOYFRIEND It all started in just one click. Everything was mixed up and we are now entangled in a serious and complicated situation we can never runaway. BOYFRIEND ON CALL ( BOOK 2) : SECRET LIVING Getting to kn...