BOC 2: THE ANTAGONISTS' POV

48 2 0
                                    

APOLLO'S POV


Labis akong nasaktan sa aking nakita. Hindi ko alam kung paano nangyari iyon. Ni hindi ko na nga naririnig si Adonis na nagkukuwento tungkol kay Aphrodite. Akala ko nga balewala na ang dalaga sa kanya. Hindi ko rin siya nakikitang maagang umalis sa school para sunduin si Aphrodite. Paano nangyari iyon?


Paano niya nayaya si Aphrodite ng kasal? Hindi ko nga nalaman na naging mag-on sila. Ni hindi dumaan sa pagiging mag-girlfriend at mag-boyfriend. Ni hindi nanliligaw o nakikipagdate tapos engaged kaagad.


Simula ng maging Boyfriend On Call siya at nalamang si Aphrodite pala iyon, alam kong inspired siya. Oo, alam kong may gusto siya kay Ms Desperate. Sabi nga niya noon, hindi niya magugustuhan ang ganung klase ng dalaga pero tingnan mo... at balak pa pala niya itong pakasalan.


Ang tagal kong nanliligaw kay Aphrodite pero hindi niya ako binigyan ng pagkakataon. Hindi ko na inisip na malayo ang katayuan namin sa buhay dahil mayaman sila kaya nagpatuloy akong magpakita ng interes sa kanya. Oo, hindi ko lang matanggap ang sagot ni Aphrodite noon. Hanggang kaibigan lang daw kami. Oo dahil may mahal na siyang iba. At si Adonis ang mahal niya.


"Congratulations!" Bati ni Apollo kahit pakitang tao lang ay ginawa niya iyon. Alam niyang hindi kumbinsido ang dalawa.

"Salamat, Pare" Sabi ni Adonis.

"Paano mo nagawa yun? Akala ko wala kang interes kay Aphrodite. Paano mo siya niligawan? Hindi ko yata nabalitaan na niligawan mo siya at sinagot ka niya?" May halong pagtataka na tanong ng binata.


Nagkatinginan lang sina Aphrodite at Adonis. Alam nilang hindi nila maiiwasang hindi magtaka si Apollo. Pero ganun talaga ang kahahantungan kung hindi marunong tumanggap ng pagkatalo ang pusong bigo at umasa na mamahalin rin siya ni Aphrodite sa kabila ng masigasig nitong panliligaw.


Walang nakapuna sa mabilis na pagtalikod ng isang dalaga. PInagkakaguluhan ng lahat sina Aphrodite at Adonis ng mga oras na iyon habang matamang nakikinig at nagmamasid ang babae. Halatang sopistikada ito. Naka-full silver sequined dress siya in black 3-inch high heeled shoes. Mahaba din ang buhok, itim na itim ngunit tuwid na tuwid naman.



SELENE'S POV


Kadarating ko lang mula Paris. Halos nalibot ko na ang mundo sa iba't ibang modeling engagement ko sa mga sikat na Runway Fashion Shows at dumaan ako sa Art Gallery para tingnan ang ipinagmamalaking Artwork ni Adonis.


Matagal na niya akong inimbitahan. Halata ko ngang excited siya sa Art Exhibit na iyon ng tawagan niya kaya through overseas call. Oo, kahit nga ako e namangha sa mga ginawa niya. Buhay na buhay at halatang pinagbuhusan niya ng panahon ang lahat ng kanyang mga obra. Inspired in other words.


Magkababata kami ni Adonis but aside from that I have a special feelings for him and he knows that. Hindi ko iyon itinago sa kanya. Bago ako tumulak papuntang London, sinabi kong hihintayin ko siya doon kung sakaling biglang nagbago ang isip niya. Handa akong sumama sa kanya kung handa siyang sumama sa akin at i-give up ang pagiging pintor.


Pero wala akong sagot na nahintay mula sa kanya.


At heto ang maabutan ko... engaged na siya sa isang babaeng nagngangalang Aphrodite. Hindi ko alam kung saang lupalop nanggaling ang babaeng ito na aagaw sa aking pinakamamahal na Adonis. Hindi ako makapapayag na ang isang taong tulad niya ang tatapos sa pagiging binata ng aking kababata. Hindi iyon puwedeng mangyari.


Lumayo na ako bago pa ako mag-iskandalo at mabansagang "bitter". Habang nagsasaya sila ay durog naman ang puso ko. Pagpasok ko ng kotse, doon ko naibuhos ang luhang kanina pang gustong kumawala sa mga mata ko. Napahagulgol ako sa iyak at sa sobrang sama ng loob.


"Angsaya-saya nila... Huhuhu... Sisiguraduhin kong hinding hindi ka magiging masaya sa piling ni Adonis. Hindi!" Sumigaw siya sa loob ng kotse habang sumubsob sa kanyang manibela. Pinaharurot ito at nagmadaling umalis sa lugar na iyon.



WANTED: BOYFRIEND ON CALLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon