APHRODITE'S POV
Kinabukasan , nalaman ko na hindi pala ginamit ng binata ang pabangong pinadala ko sa kanya. Hindi kasi iyon nakabukas at iniwan niya sa lobby ang maliit na paper bag. Mabuti naman at iniuwi niya ang set ng damit. Magagamit pa niya iyon kapag may dinaluhan siyang ibang kliyente.
Akala ko, sapat nang may naipakilala ako sa kanila kagabi. Hindi nila ako tinantanan dahil hindi man lang daw nila nakita ang mukha ng binata ng magtanggalan na ng maskara kaya lalo lang akong kinantyawan.
Grrrrrrr! Akala ko titigilan na nila ako. Lalo siyang na-curious dahil may pagka-misteryoso daw ng boyfriend ko. Kaya nga misteryoso e... Kaya lang dahil sa pagiging misteryoso, masyado rin silang mausyoso.
"I think I will recognize him"
"Paano naman?"
"Basta, matalas ang instinct ko"
"WOMAN'S INSTINCT?"
ADONIS' POV
Lulugo-lugo akong pumasok bumangon ng umagang iyon. Hindi rin ako sanay sa puyat. Unibersidad-bahay lang ako. Kung may gimik , hindi ako nagpapaabot ng hatinggabi at hindi ako kailanman sumasama sa gimik na alam kung may pasok kinabukasan. Medyo nararamdaman ko ang pitik ng aking ulo kaya humingi ako ng gamot.
Nakatingin lang ang aking Mama habang hinay-hinay akong kumain. Hindi nag-uusisa pero nagtatanong ang mga mata. Hindi ko maintindihan kung napapangiti siya o nakasimangot. Hindi rin kasi siya sanay at malamang hindi niya nagustuhan ang ginawa kong pag-alis kagabi ng hindi nagpapaalam.
"Hmmm, ikaw ha! We're you dating?"
"No, Ma"
"Then, where have you been? We haven't seen you since dinner. What time did you arrive?"
"Sorry, Ma. I arrived late."
"Mukhang masama ang pakiramdam mo. Do you think you can still go to your classes today?"
"Hindi po ako puwedeng umabsent"
"Are you sure?"
"Uminom na po ako ng gamot."
"Ipagmamaneho ka na lang ni Mang Domeng."
"Thanks, Ma" Pumayag na rin si Adonis. Nagtampo ang kanyang ina kagabi at kapag hindi siya pumayag sa kagustuhan nito ngayon, mas magtatampo pa ito sa kanya.
ART ROOM
ROOM 405
Samantala sa loob ng kanilang Art Class. Nakita niyang nagsisimula na si Apollo sa kanyang obra. Nakangiti sa kanya ang binata. Matagal ng nakaupo si Adonis at hindi kumikilos habang nakatingin sa kawalan. Wala itong ganang kumilos dahil sa kanyang dinaramdam. Kung hindi lang dahil sa may kailangan siyang tapusin para sa pinaghahandaan ng buong klase na Art Exhibit ay hindi talaga ito papasok.
"Hmmm, kumusta ang date? Bakit tulala ka? May nangyari ba?"
"Umayos ka nga? Anong pinagsasabi mo? Anong maaaring mangyari sa isang masquerade party, sige nga?"
BINABASA MO ANG
WANTED: BOYFRIEND ON CALL
RomanceBOYFRIEND ON CALL (BOOK 1) : SECRET BOYFRIEND It all started in just one click. Everything was mixed up and we are now entangled in a serious and complicated situation we can never runaway. BOYFRIEND ON CALL ( BOOK 2) : SECRET LIVING Getting to kn...