BOC 4 : LET'S HAVE A GOOD TIME

51 1 0
                                    

Naging busy si Aphrodite sa shop ni Vanilla. Madami silang order ng araw na iyon. Nagulat siya ng makita si Ares at Psyche.

"HI there, Aphrodite..."

"Oh, hi...Psyche... " parang naumid ang dila nito at nakatitig kay Ares.

"We are here for gowns... particularly WEDDING GOWNS, right Ares?"

"Yes, for the whole entourage..."

"If you want we have ready made gowns already..."

"I guess, you are mistaken... I want you to make a gown especially designed by you. A gown for me... " Ikinawit ng babae ang kamay sa leeg ni Ares. Masaya namang nakipag-usap ang binata sa kanyang bride-to-be.

"Pati rin po ba kayo, Sir?"

"Masyado ka namang pormal sa bestfriend mo?" Nagulat si Aphrodite sa reaksyon ni Vanilla ng makita si Psyche. Magkakilala ang dalawa.

"Friend, is that you? Psyche?"

"Vanilla, I'm getting married friend kaya ako nandito sa shop ninyo. Look here, kilala ng fiancée ko ang Senior Designer mo, si Aphrodite. According to him, magaling na fashion designer si Aphrodite back in Manhattan"

"Ganun ba?" Sabi ni Aphrodite.

"Ofcourse, dito rin nag-OJT si Aphrodite..."

"So, when is your wedding?"

"Next week so... can you make it a rush?"

"Oo naman, ikaw pa..."

"Honey, puwede bang si Aphrodite na lang ang gawin kong bridesmaid?"

"It's up to you? Kung okay lang sa kanya"

"Okay lang ba , Aphrodite? bestfriend naman kayo ni Ares... Ringbearer ang anak mo para makadalo kayong dalawa sa kasal"

Hindi na napigilan ni Aphrodite ang nararamdaman niya.

"This is too much, Ares. Kung gusto mo akong saktan, hindi sa paraang ganito. Matapos kang mangako sa akin na hindi mo ako iiwan... Tayong tatlo dito sa Pilipinas... ito ba ang bagong buhay na sinasabi mo para sa akin... Ano bang kasalanan ko sa iyo ? Para ka ding si Daddy? Pinaprusahan ninyo ako. BAKIT!"

Hindi niya masabi ang nasa isip niya dahil ayaw niyang maging dahilan ng pagkakahiwalay ni Ares at Psyche. Sa susunod na ang kasal...

tahimik ito sa kanyang cubicle. Hindi siya sumabay sa kanyang mga ka-trabaho. Napansin iyon ni Vanilla kaya nilapitan niya ito at kinumusta.

"Bakit ba masyadong mainit ang ulo mo?"

"I am sorry... Masyado ko lang nadadala ang problema ko sa bahay dito sa work ko. Pasensiya na"

"Bakit hindi ka pa kumakain?"

"Wala akong gana..."

"Ilang araw ka nang walang gana"

"Ganito ako kapag may iniisip"

"At sino naman ang iniisip mo?"

"Paano mo nakilala sina Ares at Psyche? Matagal na ba sila? Biglang bigla naman yata silang magpapakasal. Sa akin pa talaga nagpagawa ng gown" Ibinagsak ang lapis na hawak nito.

"Ares and Psyche? Ah oo, si Ares at Psyche... childhood sweetheart sila...di mo ba alam?"

"Sa loob ng limang taon hindi man lang niya sinabi na may naghihintay pala sa kanya"

"What did you say? Si Ares ang kasama mo sa Amerika , all these years..."

"Bakit ganun? Everything is too good to be true. He spent almost 5 years with us . Tumayo siya bilang pangalawang ama ni Eros pero ... Akala ko talaga mahal niya kami kasi yun ang sabi niya pero heto... Kung kailan handa na akong sumama sa kanya, saka niya kami iiwan"

"Totoo ba yan, Aphrodite?" Tuluyang umiyak si Aphrodite. Sumubsob ito sa lamesa at humagulgol ng iyak.

Sa loob ng opisina ,tinawagan ni Vanilla si Dionysus...

"Uy, Dionysus... what is the hell going on? Bakit Ares ang pakilala mo kay Aphrodite?"

"What?"

"Kayo talagang magkapatid, wala kayong magawang matino. "

"Kapag may nangyaring di maganda kay Aphrodite, humanda kayo sa kin" Malakas na tawa lang ang narinig niya sa huli.

Hindi nakita ni Aphrodite ang pagkakaiba ni Ares at Dionysus kaya wala siyang kaalam-alam na ginu-good time lang siya. Masyado niyang nilunod ang sarili sa kalungkutan dahil sa nalalapit na kasal ng inaakala niyang ares at Psyche.

\omGj


WANTED: BOYFRIEND ON CALLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon