BOC 4: PARTNERS AND PAINTERS

48 1 0
                                    

APOLLO'S POV


Matagal kong hindi nakita si Adonis. Nagpaalam siya para lang dumalo sa Art Expo pero hindi na siya bumalik dahil tinanggap niya ang scholarship na bigay ng London Art School. Para akong nabalian ng pakpak dahil nawala ang pinakamatalik kong kaibigan at ang aking tagapagligtas sa lahat ng aking kagipitan. Pero mabait talaga si Adonis. Hindi siya umalis ng ganun-ganun lang. Nakausap ko si Tito Bacchus at ipinasok niya ako sa scholarship program ng kanilang kompanya basta ma-maintain ko lang ang matataas kong grado sa klase. Wala na daw akong dapat alalahanin sa huling taon ko sa Fine Arts. Wala silang hiniling na kondisyon kapag natapos akong mag-aral. Basta ang sabi ni Tito Bacchus, tulungan ko ang pamilya ko at bayad na ako. Huwag ko raw tanawing utang na loob iyon dahil ang pera ay nababayaran kahit sa matagal na panahon ngunit mahirap din namang mag-aral. Hindi daw iyon biro.


Maaga akong pumunta sa gfallery ni Maestro para makita si Adonis. Hindi nga ako nagkamali. nandoon ang matalik kong kaibigan. Mas pumogi ito ngayon. Lalong lumaki ang katawan at nag-matured ang mukha. Mas hahabulin siya ng maraming babae pag nagkataon.


"Adonis...Kumusta ka?" Nagyakapan ang magkaibigan.

"Apollo..." Mahigpit na yumakap si Adonis.

"Kailan ka pa nakabalik? Grabe, akala ko hindi na tayo magkikita?"

"Puwede ba yun?"

"Ano? May asawa ka na?"

"Ano ka ba? Wala pa, no"

"Anong balita?"

"Kanino?"

"Pare naman , tayo na nga lang dalawa naglolokohan pa" Nagpaalam ang dalawa para magkape. Umorder si Adonis at naupo sa mismong lugar kung saan sila madalas maupo at magkape ni Amoranto.

"Adonis, matagal din akong walang balita kay Aphrodite. Nabalitaan mo ba na ipinakasal siya sa isang mayamang negosyante? Nakita ko yun sa isang NewsFlash sa telebisyon pero after that walang follow up report. Pero kahapon, hindi ako sigurado kong si Aphrodite yung nakita ko. May kasamang batang lalaki at ... kumakain sila ng pizza"

"Whew! Nakakagulat yang mga sinabi mo"

"Sa tingin ko, nasa limang taon na yung bata. Batang lalaki, Pare"

"Sigurado ka ba sa sinasabi mo..."

"Alam mo, matagal ko siyang hindi nakita. Kahit nung puntahan ko siya sa Fashion School. Hindi nila masabi kong nasaan na siya... "

"Nawalan na kami ng komunikasyon ni Aphrodite. Wala akong natanggap na text o email mula sa kanya. Hindi ko alam kung anong nnagyari. Galit nga sa akin si Ocean dahil pinabayaan ko daw si Aphrodite. "

"Hanggang ngayon overprotective pa rin si Ocean kay Aphrodite"

"Alam mo naman yung bunso kong kapatid...Kailangan ko ngang malaman kung anong nangyari sa kanya"

"Alam mo ba kung saan siya nakatira? "

"Yun ang pinakamalaking problema"

"E bakit hindi mo siya puntahan sa mansion?"

"Hindi ko kayang harapin si Tito Zeus sa sama ng loob ko. Masakit ang ginawa niya sa amin ni Aphrodite kaya kami tuluyang nagkalayo. Tsaka Pare, may isa pang napakalaking problema"

"Puro ka naman problema, Adonis. Kadarating mo pa lang , problema na ang pasalubong mo..."

"Ikakasal na ako kay Selene"

"Kay Selene... yung maldita mong childhood sweetheart. Buntis na ba?"

"Huwag ka namang ganyan..."

"Sus, mahal mo ba talaga siya? "

"Nakakasakit ng ulo..."

"Pare, marami kang problemang naiwan noong umalis ka kaya panahon na para harapin mo iyon ng isa-isa. Don't worry Pare, nandito ako. "

"Salamat, Apollo sa impormasyon. Kailangan kong makausap si Aphrodite sa lalong madaling panahon."

"Yan ang dapat mong gawin..."

"Inom tayo mamaya..."

"Sige ba? Ano pa bang ginagawa mo sa gallery?"

"Kinuha ko lang yung mga application forms ng mga enrollees for Art Workshop para ready na next week"

"Madami ba?"

"Oo, baka gusto mong rumaket?"

"Sige, partner tayo"

"Atleast ito, legal"

"Hayan ka na naman eh... Uungkatin mo na naman ang Boyfriend ON Call na yan"


Kahit kailan ay hindi nakalimutan ni Adonis na damayan ang kaibigan. Sa pagkakataong ito, alam ni Apollo na kailangan ng karamay ni Adonis upang harapin ang kanyang mga problema.


WANTED: BOYFRIEND ON CALLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon