BOC: CONFRONTATION

73 2 0
                                    

3RD PERSON'S POV


Sa loob ng kotse, tahimik silang dalawa. Nakapikit si Aphrodite ng mga oras na iyon. Buhay na buhay ang diwa niya . Naaalala niya ang nangyari sa loob ng Suite. Gusto niyang iumpog ang ulo para matauhan siya sa kanyang pinaggagawa.


Hinawakan ni Adonis ang kanyang kamay. Iminulat niya ang kanyang mga mata at tumingin sa binata.


"How do you feel right now?"

"Just drive..."


Nakaidlip si Aphrodite at hindi namalayang nasa tapat na sila ng mataas nilang gate. Tinitigan siya ni Adonis habang natutulog ay bigla siyang napangiti. Inilapit ang kanyang mukha. Habang nasa ganoong posisyon ay bigyan iminulat ni Aphrodite ang kanyang mga mata. Nanlaki ang mga mata nito ng makitang sobrang lapit ni Adonis sa kanyang mukha na halos naramdaman niya ang hininga ng binata.


"Wake up... Where here?" Narinig niya ang malamyos na tinig na iyon. Kitang kita niyang nagniningning ang sulok ng mga mata ni Adonis.

"Kanina pa ba? Sana ginising mo kaagad ako. Thanks for the night, Mr. Boyfriend On Call" At ibinukas kaagad ni Aphrodite ang pinto ng kotse.

"You know nothing what I've been through para lang mapapayag na gawin yun"

"Sige, ngayon mo sabihin... Ngayon mo sabihin! Bakit? Ilang beses mo nang ginawa? Kanino na?" Nagulat si Adonis sa mga narinig sa dalaga.

"Angtagal kong na-realized na ikaw pala ang lalaking kasama ko ng gabing iyon. Wala akong ibang palatandaan sa iyo kundi ang grey suite na suot mo at ang pabango mo dahil ayokong magkaroon ng koneksyon sa iyo. Ayokong hanap-hanapin ka pero hindi yun nangyari. I am so disappointed with you, Adonis for bringing me there. It was a wrong move. Kasama ba iyon sa serbisyong ibinibigay mo bilang Boyfriend on Call?"

"I can't forget your kiss. What the hell did you do to me? Aaaahhhhh! "


Hindi makapaniwala si Adonis sa mga narinig. Aphrodite already confessed her feelings for Adonis. Samantalang siya ay hindi na inungkat ang bagay na iyon sa dalaga. Sapat nang marinig mula sa kanyang mga kaibigan na inosente si Aphrodite sa pagbo-boyfriend. Wala pa siyang kaalam-alam sa mga bagay na ito. Nakaka-culture shock ang nangyari ngayon dahil humantong sila sa kama samantalang hindi malinaw kong may relasyon ba sila.


"Do you think, it's what I want for a boyfriend? How can I make you my boyfriend having a night job like that? "

"You were the first to ask for that odd job so how can you think of me like that?"



Sa loob ng mansion, nagulat ang mag-asawa.

Kitang-kita sa cctv sa gate ang nangyayari sa dalawa habang pinanunood sila ng buong mag-anak ng Enriquez sa itaas. Nakita nila kung paano kinabog ni Aphrodite ang dibdib ng binata sa sobrang galit nito at maging ang kanyang pananampal na hindi na niya iniwasan. Nakita nila kung paano lumuhod ang binata sa harap ng dalaga at kung paano siya itinulak nito. Nagulat silang lahat ng sunggaban ng halik ni Adonis ang dalaga at kung paano lumayo ang dalaga. Sa huli, nakita nilang kinakalampag ni Adonis ang gate sa labas habang walang lingon likod si Aphrodite. Ngunit pagdating sa pinto ng mansion ay napaluhod ito at nag-iiyak sa sobrang sama ng loob.

Hindi nila binabaan si Aphrodite. Hinayaan nilang ang katulong ang magbukas sa kanya.


"Mommy..." Nagkatinginan ang mag-iina. Napaupo lang ang ama sa sopa. Nakayuko ito at malungkot sa mga nakita.

"Let's see how she would handle everything. Kapag kailangan na niya ng tulong, tutulungan natin siya. It's a matter of the heart. Hindi siya matututo..."

"Sila na po ba?"

"Hmmm, I don't think so..."

"What about the kiss?"

"A kiss is just a kiss if it has no meaning for her"

"What about Adonis?"

"Adonis will do something about it. Dad, bakit ba wala kang imik dyan?"

"What's the matter with those two?"

"Dad, dalaga na ang anak mo..."

"Kayong tatlo, hali nga kayo rito?" Lumapit ang mga dalaga at niyakap ang ama.

"We love you , Dad" Sabay-sabay na sabi ng tatlo.


Nagkulong ng kuwarto si Aphrodite. Nakatulugan niya ang pag-iyak. Natakot siya sa nangyari. akala niya ay hindi na niya nakokontrol ang sarili. Muntik na. Halos habulin niya ang kanyang hininga kanina habang naghahalikan sila ni Adonis.


"Grabe ang tibok ng puso ko... Dumadagundong talaga!"

"This is crazy! I can't go on like this"

"Kung siya nga si Boyfriend On Call, then I still have his number..."Binuksan niya ang phonebook ng kanyang cellphone. Nakita niya ang initials na BOC. Saglit na tinitigan ang numero at hindi alam kung tatawagan ba o magti-text na lang. Pero pinindot niya ang delete number at inihagis ang cellphone.

"Things are getting harder for me...Whew! How could you, Adonis... do this to me?"


Nakatulog ang dalaga ng may pagngingitngit habang iniisip si Adonis. Hindi na niya namalayang nakatulog ito.




Night passed yet you can not pretend that nothing really happened except if it were a dream.


WANTED: BOYFRIEND ON CALLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon