3RD PERSON'S POV
Isang napakalaking dagok para kay Adonis ang nalamang kasal ni Aphrodite at Ares. Wala nasiyang narinig mula sa kanyang mga kapatid tungkol dito. maging sa kanyang mommy at daddy. Iniiwasan nila ang mga tanong ni Adonis tungkol kay Aphrodite dahil wala naman daw silang balita sa dalaga. Hindi daw nila alam kung nasaan na ito dahil hindi na nila ito napgkikita simula noon.
Hindi sinabi ni Thea ang kanyang mga nalalaman. Gusto niyang abutin pa rin ni Adonis ang kanyang mga pangarap hindi lang dahil kay Aphrodite kundi ito ang matagal na niyang pangarap.
Masaya si Thea tuwing naririnig ang masayang boses ng anak sa tuwing nagkukuwento siya ng mga karanasan niya sa London. Alam niyang sa kabilang ng masaya nitong boses, nandoon ang kagustuhang makibalita tungkol kay Aphrodite. Nasaktan ang kanyang anak sa panglalait ni Zeus. tinanggap ni Adonis ang hamon mula sa ama ni Aphrodite upang patunayang mahal niya ang dalaga ngunit hindi sapat iyon upang ikatuwa ni Zeus.
Naikukuwento niya ang mga long weekends nila ng kanyang mga kaklase upang ikutin ang iba't ibang bahagi ng London. Ibinibida niya ang mga magagandang lugar at tanawin na kanyang nakita at maging ang 4 seasons na kanyang naranasan.
Nakapagtapos si Adonis. Nakamit niya ang kanyang pangarap ngunit magiging lubos sana ang kanyang kasiyahan kung nakapagpakasal sila ni Aphrodite.
Bumilang na siya ng tatlong taon na walang anumang balita sa dalaga. Matagal na sana siyang nakauwi ngunit hindi niya magawa dahil lumipat na rin ng trabaho sa London si Selene. Lumipat siya ng modeling agency na naka-base sa London. Hindi na iyon mahirap sa kanya dahil kilala na siya bilang isang magaling na modelo sa rampa. May kukuha at kukuha talaga sa kanya. Nakailang beses na itong lumipat ng agency. May attitude talaga ito at madalas mga fashion designer pa ang kanyang mga kaaway.
May ugali pa rin siyang hindi gusto ni Adonis pero nananatili ang dalaga sa kanyang tabi. Hindi siya iniwan nito. Napakagaling nitong makipaglaro sa kama. At mahal na mahal siya nito. Anumang pilit niyang gawin ay hindi niya lubos na maibaling ang buong pagmamahal niya sa dalaga dahil masyado itong possessive.
Simula ng lumipat siya sa London at pinilit na magsama sila, tuluyang nawalan siya ng panahon maging sa kanyang mga kaibigang Briton at Pranses. Palagi siyang pinagbabawalang umalis tuwing nasa bahay lang si Selene. Kailangan naman ni Adonis ng panahon upang makaalis at makapunta sa mga lugar kung saan siya makakapagpinta. Bagamat nasasakal siya sa kanilang relasyon, hindi na niya kayang iwan si Selene.
Nitong huli, napagkasunduan ng kanyang mga kaibigan, mga dati niyang naging kaklase na magkaroon ng Art Exhibit. Dahil miyembro sila ng isang samahan ng mga pintor sa London, nag-isip sila na ipakita sa naipon nilang mga obra.
Nakilala ni Adonis si Herguil Oliveros. Isa sa mga batikang pintor sa kanilang samahan. Noon lang niya nakita ang mga sample ng kanyang painting at pamilyar ang kanyang istilo.
"HI, I am Adonis Lagdameo..."
"Hi, Adonis...I heard you have a very impressive painting"
"Not much... How about you? How long have you been painting?"
"Long time ago, when I found out that my dad is a painter."
"Really?"
"At first I keep my talent a secret. I thought my mom would find it weird that a girl like me would love to paint."
"Painting is not just for men..."
"Yeah, too late for me to realized that my talent will remind me of my dad's passion for painting."
"May I know whose you're dad..."
"Guillermo Amoranto..."
Biglang nasamid si Adonis. Kilala niya ang binanggit ng babae ngunit ipinagtataka niya kumbakit Herguil Oliveros ang pangalan nito kung si Guillermo Amoranto pala ang kanyang ama. Naging abala ang buong grupo sa press conference para sa gaganaping Art Exhibit.
Doon nakilala ni Adonis si Heridity Oliveros. Hindi niya alam kung bakit kailangan niyang tanungin ng pabiro kung may kilala siyang Heart Oliveros.
"What I know is Aphrodite Heart Marie Oliveros Enriquez. I guess if that's what you mean to be the same person"
Nagulat si Adonis. Kilala ni Heridity si Aphrodite.
Doon niya nadiskubre na ang babaeng madalas palang iguhit ni Amoranto ay ang tita ni Aphrodite. Totoo nga pala ang kuwento na ang kanyang mga obra ay paghahanap nang taong nawawala. Nasa London naman pala ang babaeng hinahanap niya.
Magiging magandang balita ito para kay Amoranto pagbalik niya ng Pilipinas.
Naging matagumpay ang kanilang ginawang pagtatanghal. Naimbitahan sila sa Buckingham palace upang ipakita sa buong angkan ng Royal Family ang buo nilang collection. Bilang pasasalamat ay ginawaan nila ang reyna at hari ng kanilang life-sized portrait.
Pag-uwi ni Adonis sa kanilang inuupahang apartment, hindi niya inaasahan ang kanyang nadatnan. Isang candlelight dinner for two ang inihanda ni Selene.
Niyayaya na ni Selene na magpakasal na sila ni Adonis.
"Are you not happy?"
"I am overwhelmed. I don't know what to say"
"Just say yes and everything will be taken cared of. Say yes..."
"Okay, yes..."
Tuwang tuwa si Selene kahit wala sa loob ni Adonis ang pag-oo. Konti pa lang ang kanyang ipon dahil masyadong maluho si Sleene. Kahit pinadadalhan siya ng allowance ng kanyang daddy, hindi iyon sapat sa kanilang dalawa. Napupunta lang sa mga mamahaling bag, damit, sapatos at mga alahas ang kinikita ng dalaga dahil sa luho nito.
Iyon ang madalas nilang pag-awayang dalawa. Pumayag na ang dalaga na simple lang ang maging kasal nila basta ang mahalaga ay makasal sila. Humingi pa siya ng dalawang taon para makapag-ipon bago sila tuluyang bumalik sa Pilipinas.
BINABASA MO ANG
WANTED: BOYFRIEND ON CALL
RomanceBOYFRIEND ON CALL (BOOK 1) : SECRET BOYFRIEND It all started in just one click. Everything was mixed up and we are now entangled in a serious and complicated situation we can never runaway. BOYFRIEND ON CALL ( BOOK 2) : SECRET LIVING Getting to kn...