3RD PERSON'S POV
Hindi inaasahan ni Adonis na nagbabalak ang kanyang mommy na magkaroon ng triple celebration sa kaarawan ng tatlo; Cronus, Atlas at Ocean. Magkakasunod kasi ang kanilang mga kaarawan sa parehong buwan ng Oktubre. Isang malaking handaan ang kanilang pinaghandaan. Hindi na siya nakibalita dahil sa ibang bagay naman siya abala at wala siyang magagawa dito.
"Kuya, I'll invite Aphrodite to come" Sabi ni Ocean kay Adonis.
"Bakit ba Aphrodite lang ang tawag mo sa kanya?"
"Because she's my girlfriend"
Natawa si Adonis sa sinabi ng kapatid.
"Kailan mo pa siya naging girlfriend? Naunahan mo pa si Kuya"
"You know Kuya, I think you're just jealous"
"Me? Jealous of you? No way, man"
"I'll call her" Pinindot ang numero kahit hindi binubuksan ang kanyang phonebook. Saulado ng binatilyo ang numero.
"Hi, Heart... "
"You're invited to my party this weekend..."
" Your presence is more valuable to me. It is more than a gift already"
Natigilan si Adonis.
"What did you just call her?" Tanong ni Adonis. Sinenyasan siya ni Ocean na tumahimik muna.
"I said Sweetheart"
"No, not that name."
"Heart is her another name. Aphrodite Heart Marie Oliveros Enriquez" Kompletong sabi ni Ocean.
"Heart...."
"What's wrong kuya?"
"Nothing!"
Nagpunta sa bakuran ang binata. Nagpahangin siya at saka naupo sa mga bench na nandoon. Tumingala sa langit at pinagmasdan ang mga bituin. Masyadong palabiro ang tadhana. Hindi niya akalain na si Aphrodite nga ang babaeng iyon.
ADONIS' POV
What is this feeling? Hindi ko akalain aabot ako sa ganito. Nabihag niya talaga ako ng todo. Pinaglalaruan ba ako? Paano kung siya nga ang babaeng tumawag kay Boyfriend on Call? Paano ko ipaliliwanag sa kanya ang katotohanan hindi ko talaga trabaho iyon? Baka ma-disappoint siya sa akin.
"Adonis! Adonis! Pasok ka na dito"
"Yes, Mom"
"Ano bang ginagawa mo dyan?"
"Nagpapahangin lang po"
"Isama mo dito si Apollo ha!"
"Opo..."
Kinabukasan... abala si Apollo sa kati-text samantalang abala rin si Adonis sa kanyang painting. Mata ng babae sa likod ng maskara... Isang obrang tunay na nakamamangha...
"Wow!" Sabi ni Xeres.
"Kailan mo pahaharapin ang subject mo?"
"Hahanapin ko pa kung sino siya" Wala sa loob na sabi ni Adonis. In-denial lang siya. ang totoo, nahanap na niya si Ms. Desperate at si Ms. Terry Yus. Kung anu-ano nang pangalan ang naikabit niya sa babaeng iyon sa kanyang obra, hindi bagay para kay Aprodite na sa una pa lang ay itinuring na niyang diyosa ng kagandahan.
Isang kagandahang napupuno ng kamisteryosohan. Pero hindi na ngayon.
"You mean , your subject is totally mysterious"
"Mysterious from the very beginning"
"Adviser mo ba si Amoranto?"
"Slight. "
"Alam mo bang binata pa yun dahil lang sa dalaga sa kanyang obra. Lahat ng iyon ay ang bukod tanging babae sa kanyang panaginip. Maraming lugar na siyang napuntahan. Ang kanyang mga painting ay paghahanap ng isang babaeng nawawala. Babaeng walang mukha dahil palaging nakatalikod. Humarap man sa kanya ay malabo sa kanyang paningin"
"Totoo ba yan, Pare?"
"Oo... kilalanin mong mabuti si Amoranto. I told you, masyado siyang weirdo but I like his paintings. Alam mo ba yung DAZZLING GIRL niya na worth a million, nabili na. Gagamitin daw ng nakabili sa kanyang Fashion Show?"
"Sabi nung babae na kapag nahanap daw ni Amoranto ang babaeng iyon, siya na ang magbo-volunteer na gagawa ng kanyang wedding gown."
"Natawa nga si Amoranto dahil matanda na siya. Sabi ng babae, darating daw ang tamang panahon para sa kanila. Sa kahit anong edad, magkikita at magkikita sila. Alam mo, pare. Ibinigay na lang yun ni amoranto sa babae"
" Bakit natahimik ka?"
"Kasi parang gusto mong sabihin na magagaya ako kay amoranto sa paghihintay ko sa babaeng ito?"
"Ayyyy! Ngayon mo lang na-gets? HAHAHAHA"
"Siraulo ka talaga. Akala ko pa naman, totoong totoo ng sinasabi mo"
"Bakit? Hindi ka ba naniniwala ? Napakaromantic nga ng kuwento nila e"
"Ewan ko sayo... Siya nga pala, may handaan sa bahay sa Friday. Punta kayo. Party nung mga kapatid ko"
"Call kami dyan"
Napapaniwala talaga si Adonis sa kuwentong iyon ni Xeres tungkol kay Amoranto. Natawa siya sa sarili kung paano siya nakinig sa detalye ng kanyang kuwento. Sa huli ay pinagtawanan lang siya sa kanyang pagiging inosente.
Oo, romantic nga ang kanyang love story kung totoo man iyon.
Ang romantic Mysterious Girl searching niya ay nagsisimula pa lang.
Hindi pa siya ganoon kasigurado pero umaasa na si Aphrodite na sana.
BINABASA MO ANG
WANTED: BOYFRIEND ON CALL
RomantikBOYFRIEND ON CALL (BOOK 1) : SECRET BOYFRIEND It all started in just one click. Everything was mixed up and we are now entangled in a serious and complicated situation we can never runaway. BOYFRIEND ON CALL ( BOOK 2) : SECRET LIVING Getting to kn...