ARES'POV
Hindi ko na inistorbo ang mag-ina para ihatid ako sa airport. Alam kong pagod si Aphrodite at imposibleng nakabangon pa ito ng maaga. Gayundin si Eros. Alam kong tanghali na itong gigising kahit anong aga pa nitong matulog.
Noong una, ipinagkasundo lang ako ni Papa sa anak ni Tito Zeus. Binibiro niya ako na may anak daw siyang dalaga at bagay kaming dalawa. Wala pa daw boyfriend ang kanyang anak na si Aphrodite dahil puro aral ang inaatupag nito. Napatunayan ko naman iyon noong dumalo ako sa anniversary ng kanyang magulang.
Nabighani ako sa kakaibang ganda ng dalaga. Mala-diyosa talaga ang kanyang kagandahan, hindi ko maintindihan kumbakit tila pinana ni Kupido ang puso ko sa unang kita ko pa lang kay Aphrodite. Hindi lang ako kaagad nakadiskarte dahil kausap ko ang matataas na miyembro ng Business Guild Association. Kinu-congratulate nila ako dahil isa ako sa mga batam-batang Outstanding Businessmen ng taon.
Balewala naman yun sa akin dahil iyon ang naging dahilan kumbakit hindi ko na naisip ang manligaw. May mga babaeng umaali-aligid sa akin pero alam kong hindi nila ako mahal. Mahal lang nila ang yaman ko at ang tagumpay na naabot ko sa pagnenegosyo. Pero yung magmamahal sa akin ng totoo, hindi ko pa nahahanap. Ang nahanap ko lang ay ang babaeng mamahalin ko. Hindi ko na inisip ang sarili ko nang matagpuan ko si Aphrodite. Kung hindi niya ako mahal, wala akong magagawa. Kung hindi niya kayang suklian ang pagmamahal ko sa kabila ng aking pagtitiyaga, walang problema. Ang mahalaga , napatunayan kong marunong akong magmahal. Kaya ko siyang alagaan. Kaya kong mahalin ang taong mahal niya lalo na si Eros. At dahil doon, nakaramdam ako ng lubos na kaligayahan lalo na ng makita kong nakakangiti na si Aphrodite sa kabila ng kanyang pinagdaanang unos sa buhay. Naging malapit ako sa dalawa na kung puwede lang ay doon na rin ako sa kanila tumira. Itinuring akong matalik na kaibigan ni Aphrodite. Lahat ng kanyang lungkot sa buhay ay nalaman ko. Lahat ng kanyang pangarap para kay Eros ay ibinahagi niya sa akin.
Sa huli, matalik na magkaibigan kami.... Ibang klaseng magkaibigan... Espesyal na magkaibigan...
Pagbabang pagbaba ko sa eroplano, tinawagan ko kaagad ang dalawa, si Aphrodite at Eros.
"I'm sorry, baby. I didn't wake you up. It's okay. Don't cry"
"Little boy, don't forget what I told you."
"Be a good boy always"
"I'll be back in two weeks"
"I'll call you everyday"
"Just say hi to your mommy"
Atsaka ko ibinaba ang cellphone. Alam kong iyon ang mangyayari. Iiyak ang bata dahil hindi niya ako naihatid. Mas inam na rin iyon dahil hindi mahihirapan ang aking kalooban na umalis. Ito ang unang pagkakataon na umalis ako. Aalis ako ng matagal para makapag-isip hindi dahil sa business.
"Bumalik ka na dito at huwag kang parang asong buntot ng buntot kay Aphrodite"
"Wala ka namang mahihita sa kanya..."
"Tatlong taon mo na siyang sinusuyo, hindi pa ba sapat iyon para magising ka sa katotohanan na hindi ka niya mahal"
BINABASA MO ANG
WANTED: BOYFRIEND ON CALL
RomanceBOYFRIEND ON CALL (BOOK 1) : SECRET BOYFRIEND It all started in just one click. Everything was mixed up and we are now entangled in a serious and complicated situation we can never runaway. BOYFRIEND ON CALL ( BOOK 2) : SECRET LIVING Getting to kn...