APHRODITE'S REALIZATION
Doon nangyari ang lahat. Natunaw ang pride ko. Bumigay ako at hindi ko na napigilan ang sarili ko. Ano nga ba naman ang necking? Mga halik ng pagnanasa mula leeg hanggang dibdib. Muntikan na naming subukan ang mahiwaga at sagradong SEX. Alam ko namang gigil na gigil si Adonis. Ano pa ang maipagmamalaki ko? Siya ang unang nakatikim sa buo kong katawan. Naramdaman kong patang pata ang katawan ko habang natutulog sa kama ni Adonis. Nakadapa ako, yakap ang malaking unan sa loob ng comforter na iyon.
Umagang umaga ay iba ang nilalantakan niya. Lumusot siya mula sa aking paanan. Hinalikan niya ako simula sa binti, paakyat ng aking hita. Hindi ko maipaliwanag ang pakiramdaman na iyon. Para nga akong bibigay at maa-out-of-control. Mabillis niyang naigapang ang kanyang dila sa aking likuran, hinawi niya ang mahaba kong buhok at hinalikan ako sa batok. Humalik sa aking balikat at binalikan ang aking batok. Kinagat- kagat iyon na para bang pusa.
"Adonis, antok pa ako"
"E, di matulog ka"
"Adonis, iba na yata ang gusto mo ha! "
"Oo naman...Magkakaila pa ba ako?"
Pagkatapos nun ay bumaba kami at kumain ng almusal. Napadami ako ng pagkain ng pancakes. Nakakain pa ako ng kanin. Noon ko na-realized na nakakagutom pala ang kissing and hugging ng overnight. Eh paano pa kaya kung may kasamang SEX ? Baka hindi na ako makatayo sa pagod.
Nakatitig lang sa akin si Adonis. Abut-tenga ang ngiti nito na parang naka-jackpot. Hinawakan niya ang aking baba at muling inilapit ang kanyang mukha para halikan ako at hinalikan ko rin siya. Ngumiti ako.
Hindi niya ako maiwang mag-isa habang naka-candlelight kami ng umagang iyon. Masungit ang panahon ngunit walang nagsusungit sa aming dalawa. Sabay kaming umakyat sa kanyang kuwarto dahil takot akong maiwang mag-isa sa baba.
Lahat ay nagtapos dahil lang sa isang mahiwagang kulog, bow!
Love knows no weather.
And I realized that I fear the most is to show how I love Adonis.
BINABASA MO ANG
WANTED: BOYFRIEND ON CALL
RomanceBOYFRIEND ON CALL (BOOK 1) : SECRET BOYFRIEND It all started in just one click. Everything was mixed up and we are now entangled in a serious and complicated situation we can never runaway. BOYFRIEND ON CALL ( BOOK 2) : SECRET LIVING Getting to kn...