APOLLO'S POV
Matagal ko nang napansin na hindi na masyadong binabanggit ni Adonis si Aphrodite sa mga usapan namin. Hindi ko na alam kung ano na ang nangyari sa panliligaw niya sa dalaga. Ako naman, palaging umaasa na sasagutin niya. Dyahe nga eh kasi kahit lantang bulaklak ni hindi ko man lang siya maibilhan. Minsan, halata ko na iniiwasan na niya na mapunta kami sa usapan tungkol kay Aphrodite.
Nasa canteen kami ng araw na iyon...
"Kumusta ,Adonis?"
"Ang alin?"
"Kumusta ang panliligaw mo kay Aphrodite?"
"Mmm, ano bang masasabi ko eh kita mo namang busy tayo sa pagpu-put-up ng exhibit natin? Eh ikaw, ano bang lagay?"
"Hayun... hindi ako sigurado. Mukhang malabo nga e"
"Bakit malabo? "
"Hindi ko man lang siya maihatid sa kanila"
"Bakit ano bang sabi niya?"
"Wala... Basta ayaw niyang magpahatid sa bahay nila."
"Oh my Aphrodite..."Sabay subo sa kinakain nito.
"Ano bang inaalala mo?"
"Palagi kasi niya akong iniiwasan. Si Minerva na nga lang ang madalas kong kausap."
"Aha! Huli ka! Kaya siguro wala ka palagi sa meeting natin kasi lumalabas ka ng school. Pinupuntahan mo siya doon."
"Huh! Syiempre naman, kung hindi puwede sa bahay e di sa school."
"Ayun naman pala e... Ikaw na! Ikaw na ang may diskarteng malupit"
Nagkatawanan na lang kaming dalawa ni Adonis.
ADONIS'POV
Hindi ko alam kumbakit ganun na lang ang pag-aalala ni Apollo. Hindi ko masabi sa kanya ang totoo na kami na ni Aphrodite. Sasama ang loob niya sa akin kapag nalaman niya at mas masaklap pa yung malaman niyang nakatira kami sa iisang bahay. Pero sikreto yun kaya quiet talaga ako.
Hay naku, Apollo. Sorry , Pare...
Isa itong napakalaking problema.
BINABASA MO ANG
WANTED: BOYFRIEND ON CALL
RomansaBOYFRIEND ON CALL (BOOK 1) : SECRET BOYFRIEND It all started in just one click. Everything was mixed up and we are now entangled in a serious and complicated situation we can never runaway. BOYFRIEND ON CALL ( BOOK 2) : SECRET LIVING Getting to kn...