3RD PERSON'S POV
Matagal ng nagtataka ang mga kaibigan ni Aphrodite kumbakit hindi sila pinapapasok sa mansion lalo na kung dadalawin siya. Hindi na rin siya sumasagot sa mga text at tawag si Aphrodite. Pinuntahan na nila ito sa Fashion School pero nagtago ang dalaga. Hindi niya binanggit ang mga ito kay Adonis.
Hanggang sa isang araw, para naman madalaw at makausap si Aphrodite sinurpresa nila ito. Naghanda si Athena, Nemesis at Demeter ng handa ng araw na iyon. Hinintay nila ang paglabas ni Aphrodite. Samantalang si Aphrodite, nagmamadali at palinga-linga. Tinitingnan kong sakaling may sumusunod sa kanya. Ayaw niyang mabisto. Ayaw niyang ipaalam ang nangyari sa kanya lalo na sa pagitan ng kanyang mga magulang at ni Adonis.
Nang makakuha ng tyiempo ang mga kababaihan ay saka nila sinundan ang dalaga. Wala silang imik. Nagkakatinginan na lang sa isa't isa. Napakibit-balikat at walang makuhang sagot. Halos tatlumpung minute ang inabot ng kanilang bihaye.
Tago ang lugar. Hindi talaga masusundan ng sinuman.
"Dito na ba umuuwi si Aphrodite?"
"Kaninong bahay ito?"
Naghintay ang lahat. Huminto sa di kalayuan at tiningnan kung saan pumasok ang kotse ni Aphrodite. Pinaandar ni Athena ang kotse at itinapat sa bahay. Ibinaba nila ang salamin ng kotse at saka tumanaw sa loob ng bakuran. Walang lumabas sa kanila. Matagal sila sa tapat ng gate na iyon hanggang sa magkagulatan ng may bumusina sa likuran nila.
"Huh! Adonis..." Bumaba si Athena.
"Anong ginagawa mo dito?" Bumaba din si Nemesis at sumunod si Demeter.
"Anong ginagawa ninyo dito?" Tanong ni Adonis. Tatanggi pa sana siya ngunit ibinukas na ni Florence ang gate ng garahe.
"Sir, kadarating lang din po ni Ma'am Aphrodite." Wala namang kaalam-alam ang kasambahay kaya pinapasok na lang sila ni Adonis. Tahimik ang lahat, punum-puno ng pagtataka.
Umakyat kaagad si Adonis. Kumatok muna ang binata bago ito pumasok.
"Adonis, mayroon pala akong hindi sinasabi sa iyo..."
"Teka, bago yan... Bumaba muna tayo. Halika, doon tayo sa baba at mag-usap"
"Bakit? may nangyari ba?" Hindi umimik ang binata bagkus ay hinila siya ni Adonis at sabay silang bumaba ng hagdan. Nagulat ang kanyang mga kaibigan. Nakapambahay ang dalaga at sa iisang bubong, mukhang nakatira ang dalawa.
"Anong ginagawa ninyo dito?" Tanong ni Aphrodite.
"Hindi ba dapat kami ang magtanong nyan sa iyo? Anong ginagawa mo dito? Kaninong bahay ito? bakit mo iniiwasan ang tawag namin at hindi ka nagre-reply sa mga text namin? Hindi ka na ba nakatira sa mansion?"
"At, ano ito? Kayo na ba ni Adonis? Nagsasama na ba kayo?"
"nakita ko sila dyan sa gate... Mukhang sinundan ka ng mga kaibigan mo"
"Adonis, sorry... Hindi ako nag-ingat... Sorry!" Ngunit lumapit si Aphrodite at yumakap sa binata. Nagkatinginan ang mga magkakaibigan.
"Nagtanan ba kayong dalawa?"
BINABASA MO ANG
WANTED: BOYFRIEND ON CALL
RomanceBOYFRIEND ON CALL (BOOK 1) : SECRET BOYFRIEND It all started in just one click. Everything was mixed up and we are now entangled in a serious and complicated situation we can never runaway. BOYFRIEND ON CALL ( BOOK 2) : SECRET LIVING Getting to kn...