3RD PERSON'S POV
Bumalik si Aphrodite sa OGC. Itinuloy niya ang trabaho sa shop. Nagulat ang mga katrabaho niya ng makitang may benta ang kanyang pulso. Nakita nilang malungkot ito kaya hindi na lang nag-usisa. Nagkataong may mga idi-deliver na mga gowns at nasulyapan niya ang isang kahon... SELENE PHILOMENA CARLOS- WEDDING GOWN.
"Huh! kay Selene ba ang gown na ito?"
"Yes Ma'am..."
"Nagpasukat po siya ng gown together with the groom noong time na nag-indefinit leave kayo"
"Mukha nga pong buntis na si Selene"
"Hmm, hindi naman imposible iyon"
Nagulat si Aphrodite ng makita si Adonis sa ground floor ng OGC.
"Nai-deliver na ang wedding gown ni Selene sa mansion. Bakit ka pa nandito?"
"Let's talk" Seryoso ang binata.
Sumama na lang si Aphrodite. Maaaring iyon na ang tamang panahon para tapusin nila ni Adonis ang anumang namamagitan sa nakaraan nilang dalawa.
Naglakad-lakad ang dalawa sa isang parke sa di -kalayuan sa gitna ng siyudad na iyon . Hindi na gaanong mainit dahil magdadapit-hapon na rin naman. Inalalayan ni Adonis ang dating kasintahan at naupo sila sa bench na nasa ilalim ng puno.
"Bakit? Anong ibig sabihin nito"
"Mahal mo pa ba ako?"
Hindi umimik si Aphrodite. Tinitigan niya si Adonis. Lalong naging matipuno ang pangangatawan ng binata. Mas naging ma-appeal ito kaysa sa dati dahil nag-matured na rin pati ang kanyang hitsura. Hinawakan ni Adonis ang kanyang kamay at ngumiti. Niyakap niya ito ng mahigpit.
"Hihintayin ko kayo ni Eros bukas"
Tumango lang si Aphrodite.
Hindi niya alam na susunduin din siya ni Ares ng oras na iyon. Nauna lang ng ilang minuto si Adonis. Hindi ginamit ni Aphrodite ang kanyang kotse. Umalis na lang ang binata at sinamahan si Eros sa bahay.
Na-miss ng bata ang pakikipaglaro kay Ares kaya lahat ng laruan ay nagkalat sa loob ng kuwarto nito. Nakita ni Ares na masayang masaya si Eros tulad ng ginagawa nila sa park sa Manhattan. Inilabas niya ang bata sa bakuran at nagdilig sila ng halaman. Nangulit ang bata at inagaw ang waterhose sa kanya at saka ito itinutok kay Ares. Nabasa ang dalawa kaya pareho silang nagbihis ng bagong damit. Pinakain na lang ni Ares ang bata at sinamahang matulog sa kanyang kuwarto.
Gabi na ring nakauwi si Aphrodite. Inihatid siya ni Adonis.
Pagpasok sa bahay, nalaman niyang nakatulog na sa tabi ni Eros si Ares. Nagbasaan daw ang mga ito ng tubig sa bakuran.
Nakita niyang kontento si Eros tuwing si Ares ang kasama. Kapag kasama si Adonis, wala itong bukambibig kundi si Ares kaya madalas mapikon ang ama sa kanya. Pero kapag nandyan si Ares, hindi niya hinahanap si Adonis, isang bagay na nakakapagtaka sa bata. Hindi niya tinatawag na daddy si Ares pero higit pa doon ang kanyang ipinapakitang pagmamahal sa lalaki.
BINABASA MO ANG
WANTED: BOYFRIEND ON CALL
RomanceBOYFRIEND ON CALL (BOOK 1) : SECRET BOYFRIEND It all started in just one click. Everything was mixed up and we are now entangled in a serious and complicated situation we can never runaway. BOYFRIEND ON CALL ( BOOK 2) : SECRET LIVING Getting to kn...