3RD PERSON'S POV
Masayang naglakad-lakad ang tatlo sa park, malapit lang sa condo na tinitirhan nila. Libre sina Ares at Aphrodite tuwing weekend kaya naipapasyal nilang dalawa si Eros. Minsan naman ay nagpupunta sila ng downtown at nagwiwindow shopping. Pagkaminsan naman ay kumakain sa mga restawran doon at nagpapagabi na rin ng uwi.
Napagawi sa gitna ng park ang tatlo habang may mangilanngilang pamilya ang nagbi-bird feeding doon. may ilang mga bata ang nagtatakbuhan at nagtatawanan sa gawing playground.
"Eros, be careful..."
"Tito Ares, good luck..."
Iniwan niya ang dalawa sa gitna. Tumakbo ang bata sa slide. Doon na kumuha ng tyiempo si Ares. Tahimik ang mga kalapati sa paligid nila. May mga batang naghahagis ng pagkain kaya lalong dumami ang mga ibong nanginginain doon.
Magkaharap ang dalawa at nagtitigan.
"Ano daw? Anong good luck?"
"Aphrodite, nagpaalam ako sa anak mo kung puwede ba kitang yayaing magpakasal sa akin ngayon?"
"WHAT?"
"Bakit? Hindi ka ba naniniwala..." Dinukot ni Ares ang kanyang bulsa at inilabas ang singsing. Lumuhod si Ares kaya napatakbo si Eros sa lugar nila upang saksihan ang ginagawa ng dalawa. nagliparan ang mga kalapati ng maistorbo ang mga ito sa kanilang pagkain.
"Ares, are you crazy?"
"It is not enough that we sleep together. I have greater plans for you and for Eros and for our family soon..."
"Ares, get up... Don't make a scene... Come on..." Hinila niya ang binata at luminga-linga ito sa paligid. Walang masyadong nakapansin sa ginawa ni Ares.
"Aphrodite...."
"Mom..."
"Eros..." Sapo ng bata ang kanyang maliit na palad sa kanyang mukha. Parang nadismaya sa ginawa ng ina. Mukhang inaasahan niyang oo ang isasagot ng ina pero hindi iyon ang nangyari. Tumalikod si Aphrodite at naglakad palayo.
"Tito Ares, you can have some other time to ask her. Maybe, she's not in the mood" Pagbibigay ng suporta ni Eros sa binata. natawa ang binata sa ideya ng bata.
Niyaya ni Ares ang dalawa sa downtown. Sumama naman si Aphrodite kahit tahimik lang ito at panay ang kuwentuhan ng dalawa. nagkakasulyapan sina Ares at Eros na parang gustong i-good time si Aphrodite ngunit sa huli ay hinayaan na lang nila itong manahimik.
Sa Time square nagpunta ang tatlo. madaming tao doon at marami ring bata ang makikitang naglalaro. Naupo silang muli at si Eros at nagpunta sa palaruang malapit lang sa kanila.
"Be careful..."
"I will.."
"Bakit ba kanina ka pang tahimik?"
"Hindi ko inaasahan ang ginawa mo sa park. I can't give you an answer yet, Ares. "
"Sabi mo, mahal mo na ako"
"Ares, please...let me think about it. Ayaw kitang masaktan. "
"Okay then, if you want to think...I'll give you sometime to think"
"Don't worry. I will give you an answer for the benefit of all"
"Aphrodite..."
"Ares, ayokong masaktan. Lalo ka na..."
"Bakit? Eh ano kung masaktan ako? Ganun talaga ang buhay. Walang challenge kapag hindi nasasaktan. Takot ka na ba sa commitment?"
"Ares...siguro..."
"Then, why don't we try? Matagal na panahon na. May balita ka ba kay Adonis?"
"Wala."
"Umaasa ka pa?"
"OO naman kasi nangako kami sa isa't isa. Ares, please.... so much for this . Alam ko nasasaktan ka just by the thought of it. Ayokong pinag-uusapan natin siya"
"You can not overcome your fear kung hindi mo sinusubukang harapin"
"Madali lang sayo kasi hindi ikaw ang iniwan"
"Madali rin ba ang ginagawa ko para sa inyo ni Eros. Lalo na sayo. May madali ba sa mundo na hindi mo pinaghihirapan?"
"Wala..."
"Maghihintay ako, Aphrodite. "
Niyakap niya si Aphrodite. Nagulat sila yakapin silang dalawa ni Eros.
"Selfie tayo!"
"Say Cheeeeeze"
It's about time to go home , Aphrodite!
BINABASA MO ANG
WANTED: BOYFRIEND ON CALL
RomanceBOYFRIEND ON CALL (BOOK 1) : SECRET BOYFRIEND It all started in just one click. Everything was mixed up and we are now entangled in a serious and complicated situation we can never runaway. BOYFRIEND ON CALL ( BOOK 2) : SECRET LIVING Getting to kn...