BOC 4 : BELIEVE IN HAPPY ENDING

159 4 4
                                    

Sa condo unit nanatili ang mag-anak ni Ares . Kabuwanan na ni Aphrodite ng araw na iyon kaya inihanda na nila ang mga gamit ng bagong Romano. Isang batang babae ang inaasahan nila. Nakaupo at nanunood ang tatlo sa sala. Tawa ng tawa si Aphrodite sa pinanunuod nila, ang Baby Geniuses ng bigla niyang maramdaman ang kakaibang sakit sa kanyang tyan.

"Ares, I think the baby is coming. "

"What?"

"Kaya mo bang ... Eros, get the baby's bag on top of our bed. Go! " Tumakbo ang bata. Magaan lang naman iyon at kaya niyang buhatin.

"Ares..." Tumulo ang animo'y tubig sa pagitan ng mga binti ng dalaga. Sapo nito ang kanyang tyan.

"Oh my... Aphrodite..."

"Ares..." Humiga na si Aphrodite sa carpet. Nararamdaman niyang lalabas na ang bata. Si Eros ay nagugulat sa sigaw ng ina.


Tumawag kaagad sa Rescue 119 ang binata. Nataranta ito. Kaagad na sinagot ng EMT ang tawag na iyon.


" Manganganak na ang asawa ko.... Di ko na siya kayang dalhin sa ospital... What will I do?" Nakasalpak ang headset nito sa tenga.

"Sir, calm down... Mas nininerbyos pa po kayo sa asawa ninyo" Dinig ng EMT ang sigaw ni Aphrodite sa kabilang linya.

"What will I do?"

"Where is she right now?"

"She's lying on the carpet."

"Sir, make sure na may clean piece of cloth para sa baby ninyo" Nagmadaling kinuha ni Ares ang isang piraso ng malinis na tuwalyang pam-baby sa loob ng bag.

"Eros, call your Lola Hera . Get my Cp. You know how to dial the number, right. Make it quick"

"Yes, daddy" pati ang pitong taong gulang na si Eros ay nataranta na rin. Sinunod ang utos ng ama.

"OH my ... I already see the head..."

"Sir, make sure to catch the baby, Sir"

"Yes... yes... I will do it... Oh my... baby... She's coming out..." Nanginginig ang mga kamay ni Ares. Hindi niya inaasahan ang lahat. Nasalo niya ito . Malakas na iyak ng sanggol ang umalingawngaw sa loob ng condo unit habang nilinis ni Ares ang dugo sa buo nitong katawan.

"Let's just wait for a trained professional to come... Sila na po ang bahala" Dinig na dinig ng EMT ang malakas na buntunghininga ni Ares sa kabilang linya.

"Was that your baby sister, Eros? " Tanong ni Hera habang natataranta ito sa mansion. Nalaman niyang sa bahay na inabutan ng panganganak si Aphrodite at si Ares na ang nakapagpaanak dito.

"Yes, Lola..."


Sa ospital na dinalaw ng buong angkan ng Enriquez ang bagong miyembro ng kanilang pamilya, si ELLEN HERA ENRIQUEZ ROMANO...


Nagkatawanan sa loob ng ospital ng malaman ang nangyari. Halos himatayin sa nerbiyos si Titan sa kuwento ni Ares. Tuwang tuwa ang lahat sa kabutihan ng Diyos sa kanilang pamilya.


"Salamat, Aphrodite..."

"Ngayon ko napatunayang may magmamahal pa rin ng totoo sa taong tulad ko"

"Oo naman..."

"I love you, Ares..."

"I love you, Aphrodite"



-The End-

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 07, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

WANTED: BOYFRIEND ON CALLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon