3RD PERSON'S POV
Samantala, upang malibang ni Adonis ang sarili ay dinalaw niya si Amoranto sa kanyang gallery. Madami pa rin ang pumupunta at bumibisita doon. Tuwang-tuwa siya ng makita si Adonis. Matagal kasi itong hindi nakadalaw doon.
"Kailan ka pa nakabalik?"
"Noong nakaraang linggo lang po. Kumusta na po kayo?"
"So, tuloy na ba ang kasal? Angtagal ha! Akala ko isang taon ka lang doon. Inabot ka na ng limang taon?"
"Malapit na po akong ikasal pero hindi kay Aphrodite... kay Selene..."
"Anong nangyari?" Kumibit-balikat si Adonis.
"Ganun po siguro talaga. Minsan di natin alam ang tadhana natin at hindi talaga sasang-ayon ang pagkakataon sa mga gusto natin"
"Halika, samahan mo muna akong magkape" Tinapik siya ni Amoranto sa balikat.
Alam ni Adonis ang coffee shop na madalas nilang puntahan ni Amoranto. Umorder si Amoranto ng kape.
"Adonis, baka gusto mong maghold ng Summer Workshop sa mga bata."
"Ha a e... "
"Madali lang naman yun kasi basic lang ang ituturo mo sa kanila. Madami kasing nag-iinquire sa akin. Baka puwede ka tutal mukhang wala ka hindi ka naman busy. What do you think?"
"O sige po..."
"Approved na yan ha! Ilang linggo ba ang dapat na workshop nila?"
"Atleast 10 sessions po, puwede na yun for 1 and a half hour "
"Sige, I'll prepare the material and everything that you need. Just come"
Tinanggap niya ang summer class for aspiring artist sa mismong gallery ni Amoranto. Nagkataong binisita din siya ni Aphrodite at nakita ang tarpaulin ng summer workshop . Umalis ang pintor kasama ni Adonis kaya hindi sila nagkita.
"Ares, what do you think? Okay lang ba? I-enrol natin si Eros" Ngayon lang napuna ni Ares na unti-unti siyang tinatanong ni Aphrodite sa mga gagawin nito kahit sa ilang simpleng desisyon tulad ng pag-i-enrol ni Eros sa artworkshop na iyon.
"Let's get an application form. I'll pay for it" At hindi tumutol si Aphrodite sa unang pagkakataon.
"Matutuwa si Eros"
"For sure, he will love it"
Malilibang si Eros habang summer sa kanyang Art Class na isasagawa sa mismong gallery . Hindi na nagtaka si Ahprodite dahil namana niya iyon sa kanyang ama.
Nang gabing iyon, kasamang naghapunan si Ares sa bahay na inuupahan ng mag-ina. Pagkatapos kumain ay sinamahan na ng yaya si Eros sa taas ng kuwarto upang maagang matulog. Naiwan sa sala ang dalawa.
"Here's your coffee"
"Bakit dito kayo tumira? Are you reminiscing the past?"
BINABASA MO ANG
WANTED: BOYFRIEND ON CALL
RomanceBOYFRIEND ON CALL (BOOK 1) : SECRET BOYFRIEND It all started in just one click. Everything was mixed up and we are now entangled in a serious and complicated situation we can never runaway. BOYFRIEND ON CALL ( BOOK 2) : SECRET LIVING Getting to kn...