3RD PERSON'S POV
Samantala, kalalapag lang ng eroplanong iyon. Nagbalik na rin si Adonis at Selene sa Pilipinas. Balak na nilang magpakasal. Lahat ng preparasyon ay kompleto na. Para tuluyang mai-let go ni Adonis ang alaala ni Aphrodite, nais niyang balikan ang lumang bahay nila ni Aphrodite.
Hindi sila tumuloy sa mansion ng Lagdameo ng araw na iyon para isorpresa ang kanyang mga magulang at kapatid. Nagpahatid sila sa Hotel California...
"Sweetheart, I'm so tired..."
"Hmmm, get some sleep"
Tahimik na natulog ang dalawa ngunit biglang bigla niyang naalala si Aphrodite. Pagpikit ni Adonis, alaala ni Aphrodite ang kanyang nakita.
"Kumusta na kaya siya?"
LAGDAMEO MANSION
10AM
Nagulat ang mansion Lagdameo sa kanilang bisita ng umagang iyon. Hindi nila inaasahan ang pagdating ni Aphrodite at Ares. Tulad ng dati , niyakap niya ang babae. Nagulat si Thea at Bacchus ng makita ang batang lalaki na kasama nila. Nilapitan siya ni Thea. Manghang mangha sa kanyang nakikita.
"Aphrodite, sino ang batang ito? Oh my... How can this be?" Hawak ni Thea ang kanyang bibig.
"Tita, nandito po ba si Adonis? Gusto sana siya makita ni Eros. Eros, say hi to Lola Thea"
"Lola Thea, Bacchus, narinig mo ba? Lola na ako..."Halos mapaluha ang babae sa pagkagulat sa kanyang nalaman. Niyakap nito si Eros.
"Mommy..." Niyakap din ni Bacchus ang batang lalaki.
"Tita, nandito po ba si Adonis?"
"Aphrodite, pasensiya ka na. Matagal ding hindi umuwi si Adonis. Alam ba niya?"
Umiling si Aphrodite. Napatingin si Thea kay Ares.
"Tito Ares..." Yumakap ang bata sa binata.
"Don't worry we'll see your daddy soon..." Bahagyang humikbi ang bata. Hinagod ni Ares ang likod ng bata ng yumakap ito at saka niya kinarga.
"Tita, baka puwede po ninyo kaming balitaan kung sakali... "
"Hindi na po kami magtatagal"
Tumango lang ang matandang babae. Nakangiti ito sa batang lalaki. Kaaalis lang nina Aphrodite ng biglang may dumingdong ulit. Nagpakuha si Thea ng bulsa de yelo dahil hindi niya kinaya ang sorpresang dala ng surprise visit na iyon.
"Nakita mo ba kung gaano kalapit si Eros kay Ares. Kahit sabihin mong tito lang ang tawag niya, daig pa niya ang tunay na ama kung asikasuhin siya ng binata"
"Wala tayong magaagawa, Thea. Alam mo naman si Zeus..."
"Kumusta na ba itong si Adonis?"
Lalong sumakit ang ulo ni Thea at nagulat si Bacchus ng bumulaga sa pinto nila ang kanyang anak na si Adonis. Lalong gumanda ang katawan nito at tumikas ang kanyang tindig. kasama niya si Selene na lalo ring gumanda. masayang masaya itong bumati sa kanyang Tita at Tito.
BINABASA MO ANG
WANTED: BOYFRIEND ON CALL
RomantizmBOYFRIEND ON CALL (BOOK 1) : SECRET BOYFRIEND It all started in just one click. Everything was mixed up and we are now entangled in a serious and complicated situation we can never runaway. BOYFRIEND ON CALL ( BOOK 2) : SECRET LIVING Getting to kn...