Simula noon ay hindi na nila nakita sa shop si Aphrodite. Masyado siyang naapektuhan ng kanyang mga problema kaya mas nararamdaman niya ang pagod. Nawalan siya ng motivation para ituloy ang buhay. Umaga pa lang umiiyak na ito sa kanyang kama. Hindi niya nasasabayan ang naak na kumain ng agahan. Lately, hindi na siya iniistorbo ni Eros. mag-isa na lang itong manunood ng telebisyon . Hihingi ng makakain kay Feliz kapag nagugutom. Nagigising si Aphrodite na nasa tabi na niya ang anak.
Tinawagan niya si Vanilla.
"Yeah, I'm so sorry Ms. Vanilla"
"Bakit ba masyado mong nilulunod ang sarili mo sa problema? Problema lang yan. Hindi yan tinatambayan. Daanan mo lang, ano ka ba?"
"I'll get over this soon..."
"Hay naku, pakidalian lang, Ms. Aphrodite dahil marami tayong costumer ngayon"
Inabisuhan din niya si Psyche na humanap na lang ng magiging bridesmaid ang babae at magiging ringbearer dahil hindi sila makakadalo sa kasal.
"Bakit naman? Tanong ni Psyche.
"I don't feel like going out."
"Oh is that so? Bakit hindi mo aminin na hindi mo kayang makita si Ares na ikakasal sa iba?"
"Wala akong dapat aminin sa iyo..."
"Say it now before its too late"
"Say what..."
"Say that you have come to love him"
"Mind your own business..."
"Okay fine... Bahala ka..."
End call.
Dumating ang araw ng kasal ni Ares at Psyche... Iyak ng iyak si Aphrodite sa kuwarto. Hindi siya bumaba. Hindi siya kumain at nagmukmok siya buong maghapon. Nag-alala din si Eros.
"Mommy, stop crying now... Do you miss Tito Ares? The truth is I missed him too" Niyakap ng bata ang kanyang ina at sumubsob sa dibdib nito. Iyak din siya ng iyak. Lalong naiyak si Aphrodite ng makitang nahihirapan ang anak.
"Eros, Tito Ares can't come anymore... He is getting married today"
"Mom? He's getting married...I thought he loved you"
"Things can change easily, Eros. We change our plans for a reason so don't wait for Tito Ares anymore"
"Mom, when will I have another dad? Will you be married to my real dad?"
"NO, he has a new family now. Tita Selene is already pregnant so I don't think we will become a family soon ...But anyway, I am here with you and Lolo and Lola. Do you think we should go back to America?"
"Is that what you want mom? " Tumango ang ina.
"So that mommy could also forget everything that has happened here" Tumango ang bata. Ang paglayo ang alam lang gawin ni Aphrodite sa ngayon. Hindi niya kayang harapin ang sunud-sunod na problemang dumating sa kanyang buhay.
Naisip niyang hindi talaga siya kailanman magiging masaya.
Itataguyod na lang niya si Eros mag-isa.
BINABASA MO ANG
WANTED: BOYFRIEND ON CALL
RomanceBOYFRIEND ON CALL (BOOK 1) : SECRET BOYFRIEND It all started in just one click. Everything was mixed up and we are now entangled in a serious and complicated situation we can never runaway. BOYFRIEND ON CALL ( BOOK 2) : SECRET LIVING Getting to kn...