BOC 2: A MOTHER'S FEAR ( HERIDITY'STORY REWIND )

54 1 0
                                    

HERA'S POV


Natatakot ako para sa aking anak na si Aphrodite. Ang kanyang sitwasyon ay hindi nalalayo sa nangyari sa aking kapatid na si Heridity. 


Sino siya? 


Kakambal ko si Heridity. Ang mga salitang sinabi ni Zeus ay narinig ko na rin kay Papa ng umibig ang aking kapatid kay Guiller. Kaibigan namin si Guiller. Kaibigan namin nina Zeus ng mga panahong iyon.


Madalas kong isama si Heridity sa mga Art Gallery upang manuod at bumisita sa mga exhibits. Doon nagkakilala ang dalawa ng magkaroon ng Art Feast ang school ni Guiller. Chaperone ko siya tuwing may date kami ni Zeus. Hindi ako papayagang lumabas kung hindi ko kasama si Heridity kaya para naman hindi maging awkward sa kakambal ko ay hinanapan namin siya ng kapreha.


Minsan, umakyat ng ligaw si Guiller ngunit hindi iyon nagustuhan ni Papa kaya ipinadala niya ora-mismo si Heridity sa ibang bansa at tuluyan na silang nagkalayo ng landas. Walang nagawa si Heridity at maging si Guiller. Iniiwasan kong magpunta sa gallery ni Guiller dahil alam kong wala akong ibang makikita kundi ang imahe ng aking kapatid sa lahat ng kanyang obra. Hindi siya magkaroon ng pagkakataong magtanong dahil palagi kong kasama si Zeus o di kaya naman ay si Aphrodite.


Ayokong mangyari sa anak kong si Aphrodite ang nangyari kay Heridity. May anak ang aking kapatid. Anak niya iyon kay Guiller. Hindi namin alam na sa unang pagkakataong lumabas sila para mag-date ay may nangyari kaagad sa kanila.


Hindi nalalayo kay Aphrodite ang nangyaring iyon kay Heridity. Ni minsan ay hindi pa nagkakaroon ng boyfriend ang anak ko and in just one mistake.... Everything has brought misery to me. Lumabas lang sila ni Adonis tulad ng mga curious na teenagers with lots of kissing and hugging and definitely our Aphrodite, my Aphrodite would always fear of losing her purity the first day he met Adonis. Alam kong hindi niya ipapaubaya ang sarili ng ganoon kadali. Hindi sila aabot sa punto na iyon.


Nang ipagtabuyan siya ni Zeus at hindi ako pinayagang magkaroon ng komunikasyon sa aking bunso ay para na rin niya akong pinatay. Paano niya naatim na paglayuin kaming mag-ina? Kung may nagawang pagkakamali si Aphrodite, masyadong mabigat ang parusang pagtatakwil sa kanya. Dumapo nga lang ang kanyang kamay sa pisngi ni Aphrodite ay halos ikamatay ko na, ano pa kaya 'yung hindi kami magkita ng buong maghapon?


Ilang buwan na rin ang nakalipas? Napaglabanan ko ang lungkot dahil sa mga ibinabalita ni Thea. Lihim lamang ang mga iyon. Patuloy pa rin akong naghuhulog ng allowance kay Aphrodite sa bank account na ibinigay niya sa akin.


Masaya ako ng malaman kong naging responsible si Adonis para panindigan ang aking bunso. Nakatira sila sa iisang bubong ngunit malabong mangyaring magkaroon kami kaagad ng apo dahil wala namang nangyayari sa dalawa. Nitong huli, ibinalita ng kasambahay na magkatabi ang dalawa sa pagtulog. Wala daw kasing kuryente sa lugar nila ng pagkakataong iyon dahil sa bagyo. Hindi na ako nagtaka dahil duwag talaga si Aphrodite. Natawa ako. Na-miss kong katabi ang aking bunso. Tuwing malakas ang ulan at kumukulog na may kasamang matatalim na kidlat, alam kong tatabi siya sa amin ng kanyang daddy. Nakatalukbong siya ng kumot sa gitna naming mag-asawa. Walang duda iyon din ang dahilan kumbakit sila magkatabi.


Ibinalita ni Thea nitong gabi na planong magpakasal ng dalawa pagkatapos ng kanilang graduation. Galit na naman si Zeus. Galit dahil nalulungkot at hindi niya kayang tanggapin na may iba nang magmamahal sa anak. May iba nang makakasama ito habambuhay. Bunso namin siya at hindi ganoon kadali sa kanya na ihabilin ang bunsong dalaga sa kamay ng isang binata.


Masaya rin ang kanyang mga ate sa balitang iyon. Malungkot dahil malayo silang tatlo sa bunso.


Aprodite's story is still different from her Tita Heridity. I know, she will fight for her love and Adonis will do the same thing too.



LOVE AS IF NOTHING TO BE AFRAID OF....


WANTED: BOYFRIEND ON CALLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon