3RD PERSON'S POV
Mabilis na dumating ang Biernes. Abala din ang buong kabahayan ng pamilya Lagdameo. Marami-rami ng sasakyan ang nakaparada sa labas ng kanilang bakuran sa subdibisyong kanilang tinitirhan. Si Apollo lang ang nanibago dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay nakatuntong siya sa bahay ng Lagdameo. Hindi iyon simpleng bahay. Mansion ang tawag doon. Ipinakilala siya sa kanyang mga kapatid at sa huli ay kay Bacchus.
"Dad, meet Apollo"
"So, you are Apollo. My son's bestfriend. Kumusta ang pag-aaral?"
"Okay lang po..."
"Bakit ba ngayon mo lang isinama si Apollo dito sa bahay? Saan ka ba nakatira Iho?"
"Sa probinsya po kami, Sir . Nagdo-dorm lang po ako dito sa Maynila. Scholar po ako ng aming unibersidad"
Ngumiti ang matandang lalaki atsaka nagpaalam na pupuntahan ang ilan nitong mga kaibigan. Nilapitan naman siya ni Ocean.
"Kuya, sunduin mo naman si Aphrodite?"
"Bakit hindi mo gawin?"
"Puwede na ba ako?"
"Mag-girlfriend tapos ipasusundo sa kuya"
"Please, Kuya..."
Nakahanda ng ang mag-asawang Zeus at Hera para dumalo naman sa handaan sa mansion ng mga Lagdameo.
"Hindi ka pa ba sasabay?" Tanong ni Zeus.
"Dad, susunduin daw ako ng Kuya ni Ocean... Ipinasundo kasi niya ako..."
"Puwede ka namang sumabay sa amin a?"
"Dad, pagbibigyan ko lang si Ocean. Baka mamaya magtampo pa sa akin, birthday pa naman niya ngayon"
"Masyado namang spoiled sayo si Ocean"
"Para ko na po siyang bunsong kapatid"
"Una na kami... Hintayin mo na lang sa garden."
"Yes, Mom. Bye, Dad"
Ilang minuto ng nakaalis ang mag-asawa. Sinamahan siya ng kanilang kasambahay sa garden habang nag-aabang ng kotse.
"Ma'am , nakita na po ba ninyo ulit yung lalaki?"
"Sinong lalaki?"
"YUn pong kasama ninyo sa party?"
"Hindi na..."
"Talaga po? E bakit para pong nakita ko siyang kausap ninyo sa sala nung party naman ninyo dito?"
"Baka naman nakakahawig lang niya yung sinasabi mo"
"Bakit po?"
"Yung kausap ko that night e anak ni Tita Thea"
"Pero Ma'am..."
Nasilaw ang dalawa sa ilaw na nagmumula sa kotse ni Adonis. Kasama nito si Apollo. Bababa sana si Adonis pero mas mabilis si Apollo. Nakita niya kung paano alalayan ni Apollo ang dalaga. bahagya siyang nainis ng gabing iyon ng hindi niya sinasadya. Unti-unti siyang nakaramdam ng kompetisyon para pansinin ng dalaga.
BINABASA MO ANG
WANTED: BOYFRIEND ON CALL
RomanceBOYFRIEND ON CALL (BOOK 1) : SECRET BOYFRIEND It all started in just one click. Everything was mixed up and we are now entangled in a serious and complicated situation we can never runaway. BOYFRIEND ON CALL ( BOOK 2) : SECRET LIVING Getting to kn...