BOC 3: CAUGHT YOU!

51 0 0
                                    

3RD PERSON'S POV


Maagang maaga pa lang ay hindi na maganda ang pakiramdam ni Aphrodite. Maaga siyang naghanda sa pagpasok. Bihis na bihis na siya na biglang bumaliktad ang kanyang sikmura at bigla siyang naduwal.


Paglabas ni Aphrodite ng banyo ay nagulat siya dahil nandoon ang kanyang ama. Sinalubong siya ni Zeus ng isang malakas na sampal. Nahagilap ng lalaki ang kanyang buhok at saka ito sinabunutan. Muli niya itong sinampal at tumalsik ang anak sa kama.


"Buntis ka? Sabihin mo ang totoo, buntis ka? "

"Daddy, hindi ko po alam ang sinasabi ninyo"

"Anong ibig sabihin ng pagsusuka mo?" Sigaw ng ama.


Napasugod si Hera ganun din ang magkakapatid.


"Zeus, anong nangyayari?" Nilapitan kaagad ni Hera si Aphrodite.

"Tanungin mo ang magaling mong anak, Hera. Buntis ang babaeng yan kung hindi ako nagkakamali..."

"Mommy..." Luhaan yumakap si Aphrodite sa ina. Humihikbi ito.

"Anak, anong totoo?" Tumango ang dalaga dahil possible nga iyong mangyari dahil nawala ito ng tatlong araw at may nangyari sa kanila ni Adonis. Mahigpit na niyakap ni Hera ang anak at pinurotektahan sa pananakit ni Zeus.

"Hindi ako makakapayag na maging balae si Bacchus"

"Zeus..."

"Ano bang ikinatatakot mo? Hanggang ngayon ba naman?"

"Tumigil ka, Hera. Kapag sinabi kong hindi maari, hindi maari. Ipalaglag mo ang bata, dugo pa lang yan. Wala pang buhay"

"Mahabaging Diyos, Zeus, anong pinagsasabi mo?"

"Bukas na bukas sasamahan natin siya sa hospital. May kilala akong mahihingian natin ng tulong" Desidido si Zeus sa kanyang salita. Hindi rin napigilan ni Hera ang sarili atsaka sinampal ang asawa.

"Kailan ka pa naging mamamatay-tao, Zeus? Sarili mong anak... Sarili mong dugo at laman... Sarili mong apo, pinag-iisipan mo ng masama" Isinubsob ni Aphrodite ang ulo sa ate habang tinakpan ni Medusa ang tenga ng kapatid. Hindi magandang marinig ang mga salitang iyon dahil magre-react ang buhay na nasa sinapupunan nito.

"Hindi ko apo yan, Hera. Wala akong apo na magiging bunga ng kanyang disgrasyadang ina. Hindi mo na ako binigyan ng kahihiyan. Sumama ka kay Adonis at ngayon magpapabuntis ka. Hindi ka talaga nag-iisip. Anong ipakakain sa iyo ni Adonis? Ano? Hindi mo sasabihin sa kanya ang kondisyon mo, naiintindihan mo ba?" Lalong umiyak si Aphrodite ngunit pinatahan siya ng mga kapatid.

"Aphrodite, magpakatatag ka. Huwag kang malungkot. Huwag kang umiyak. Nandito kaming lahat para sa iyo. Isipin mo ang bata sa sinapupunan mo. Mararamdaman niya ang anumang lungkot at sama ng loob na nararamdaman mo... SSSssssshhhhhh! Tahan na" Bulong ng dalaga. Niyakap siya ni Venus at inalo tulad nung bata pa ito at nagpapalahaw sa iyak tuwing iiwan ni Hera sa kanyang mga ate.

"Ate..." Lalo siyang niyakap ng tatlong babae upang hindi tuluyang masaktan ni Zeus.


Ang sumunod na linggo ay talaga namang hindi inaasahan sa lahat. Handa na ang kasal nina Aphrodite at Ares.


WANTED: BOYFRIEND ON CALLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon