APHRODITE'S POV
Kasal ni Adonis ng araw na iyon. Hindi kami dumalo ni Eros sa seremonya pero inaasahan ni Adonis kahit sa reception ay makadalo man lang kami. Hindi na ako tumanggi, kasama ko naman si Ares kaya hindi ako dapat mag-alala.
Hindi naman ako bitter sa sitwasyon. Atleast alam kong magiging masaya na siya sa piling ni Selene. Dream come true pa sa dalaga, ewan ko lang kay Adonis.
Dumaan muna kaming tatlo sa mansion ng Lagdameo para ibigay ang regalo sa bagong kasal. Madaming kilalang miyembro ng business world ang nandoon. Puro matatanda at kokonti lang ang medyo bata. Madami ring mga kilalang modelo ang naging bisita. May ilang mga artista ding kaibigan si Selene kaya hindi na nakapagtataka. Nandoon din si Vanilla dahil sa kanya ipinagawa ni Selene ang gown at ang suot ng buong entourage. Kauupo lang namin ng biglang magkagulo, sina Adonis at Gemini , nagsusuntukan sa gitna ng bakuran.
"Awatin ninyo!" Sigaw ni Thea.
"Ano bang problema ninyong dalawa?" Tanong ng ina. Nandoon din si Selene. Halatang kinakabahan ito at hawak ang kanyang tyan. Buntis na nga ang babae.
"Hudas ka! "
"Sir, hindi ko po sinasadya. Nadala lang po ako"
"Hayop ka! May gana ka pang magpaliwanag..." Tinadyakan ni Adonis si Gemini.
"Mahal ko si Selene... Ilalayo ko siya sa iyo"
"Gago ka pala eh! Asawa ko ang pinakikialaman mo"
"Ang tanong, anak mo ba ang dinadala niya?"
"WHAT?!" Lahat ay nagulat sa sinabi ni Gemini. Umiiyak si Selene.
"Selene, anong sinasabi niya?" Sinampal niya ang babae. Sinabunutan niya ang bagong bride.
"Adonis, ano ba? ' Dinaluhan kaagad ni Thea ang dalaga at inilayo ni Bacchus ang kanyang anak upang hindi nito masaktan ang asawa.
"MAGSALITA KA! GINAGAGO MO BA AKO?"
"Adonis, minsan lang namang may nangyari sa amin e"
"Gaano kadalas? Minsan? " Gigil na gigil na sabi nito.
"Anak ko ang batang ipinagbubuntis niya..." Muling sigaw ni Gemini.
"Iho, tama na... " Awat ni Thea.
Isang malaking iskandalo ang nalantad sa lahat sa reception ng kasal. Hindi akalain ni Adonis na mahaharap siya sa ganung klaseng kahihiyan dahil lang kay Selene.
"LUMAYAS KAYONG DALAWA SA HARAP KO! "
"LUMAYAS KAYO!"
Niyakap ni Aphrodite si Eros upang hindi niya makita ang pagwawala ni Adonis. Maagap na inilayo ni Ares ang kanyang mag-ina. Ipinasok niya kaagad sa loob ng kotse ang dalawa at binilinan na doon muna sila hangga't hindi niya nasisigurado na okay na ang sitwasyon.
"Ayokong madamay kayo sa gulo. Dito muna kayo sa loob"
"Ingat ka!"
"Oo naman..."
Saglit pa lang nakakaalis si Selene. Hindi patatalo ang babae. Mayroon siyang hawak na 9mm... Hinanap niya kaagad si Aphrodite. Nagpunta siya sa parking area at nakitang nasa loob nito ang mag-ina. Nagulat si Aphrodite at pinagbuksan niya ng pinto ng kotse ang bagong kasal . Hindi niya nakita ang panganib na dala nito.
BINABASA MO ANG
WANTED: BOYFRIEND ON CALL
RomanceBOYFRIEND ON CALL (BOOK 1) : SECRET BOYFRIEND It all started in just one click. Everything was mixed up and we are now entangled in a serious and complicated situation we can never runaway. BOYFRIEND ON CALL ( BOOK 2) : SECRET LIVING Getting to kn...