SKYSCRAPER TOWER
OGC
FITTING ROOM
10AM
Napansin ni Vanilla na tila wala sa sarili si Aphrodite. Para itong may malalim na iniisip at palaging nakasulyap sa orasan at titingin sa cellphone. Kung pipindot naman siya ng number, hindi naman itutuloy ang pagtawag. Pero sa huli, dinig niyang may kausap siya sa cellphone atsaka malungkot na ibinaba ang tawag.
"Hmm, bakit mukhang problemado ka?"
"May Art Exhibit kasi ngayon si Eros. He is expecting me to come and see his artwork. Si Ares na lang ang inistorbo ko. Pinapunta ko din doon sina Mommy at Daddy pati sina Ate at bayaw "
"Ang pinakamahalaga sa lahat ay ikaw..."
"Nandiyan na ba ang bagong modelo natin? Makakahabol pa sana ako kung on-time siyang dumating"
"I'm warning you. May ugali daw ang bagong modelo natin. Tingnan natin. Mukhang London Model ito."
"It doesn't matter kung saang lupalop pa siya galing. She should know to come on time. Hindi lang siya ang modelo"
"May attitude daw eh. Yun ang dinig ko" Sabi ni Vanilla.
"How could you let her wear your clothing?"
"ipinadala siya ng agency, we'll see kung ano ang kaya niya. Let's give her a chance"
"Ms. Aphrodite, nasa fitting room na po yung model"
Umuusok ang ilong ni Aphrodite sa galit. Hindi niya inaasahan na ang isang bagong modelo ay late para sa fitting and pictorial nito para sa Vanilla Collection. Nakatalikod ang babae . Nakapameywang pa ito at mukhang siya pa ang may ganang magtaray dahil halatang takot ang mga assistant at make-up artist sa loob ng kuwartong iyon.
"Ikaw?" Nagulat si Selene ng makita doon si Aphrodite pagharap nito.
"Ikaw na naman...Sino ang nagpapasok sa babaeng ito dito?" Tanong ni Aphrodite.
"Ma'am, siya po yung modelong ipinadala ng agency"
"Whew! Kung alam kulang. I shouldn't have wasted my time with her"
"What did you say? Excuse me..."
"Bihisan na ninyo siya..."
Lumabas muna si Aphrodite. Pero hinabol siya ng isang assistant at sinabing walang nagustuhan si Selene sa mga damit kaya lalong nainis ang dalaga. Pumasok siya sa loob ng kuwarto.
"You are not here to choose anything clothing you like. Wala ka sa department store"
"I am a model and I am suppose to wear clothes that I like"
"Just in case nakakalimutan mo Miss Selene, you are here to model the clothes. Hindi ka pumunta dito para mag-shopping. Kung gusto mo, mamaya ka pumili ng damit na gusto mong isuot. Kailangan namin ng pictures ng mga disenyong ito suot ng isang modelo. Kung laam ko lang na ikaw ang ipadadala nila, I should have cancelled your appointment today and look for someone else"
"Then, I'll take my leave."
"No, until your finish all the photo shoot. Huwag kang prima donna. Wala ka na sa London. Act as a professional model, yun ang inaasahan sa iyo dito ngayon. "
Walang nagawa si Selene ng tawagan siya ng kanyang manager.
Nanghinayang si Aphrodite dahil hindi niya naabutan ang Art Exhibit ng anak. Tulad din ng hindi niya pagpunta sa exhibit ni Adonis. Konti na lang ang tao ng pumasok siya sa loob ng gallery. Nag-log in cia at isinulat ang buo niyang pangalan sa tapat ng pangalan ni Eros bilang guardian niya sa sobrang pagmamadali.
Nawala ang pagod niya ng makita ang Art Exhibit ng anak. Naiyak siya sa harap ng larawang iyon. Katabi ng larawang iginuhit ni Adonis ang larawang ginawa ni Eros. Napapatingin ang mga bisita na tumitingin sa loob ng gallery.
"Anggaling na anak mo, Aphrodite. "
"Manang mana siya sa kanyang ama... " Luhaan si Aphrodite. Niyakap siya ni Guiller.
"Alam na ba ni Adonis?"
"Tito Guiller, hindi ko alam kung paano ko sisimulan. The reason why we came back was to see him. Gusto siyang makita ni Eros. "
"Sir Guiller, aalis na po ako... kayo na po ang ... Aphrodite, is that you?" Nagmamadali si Adonis ngunit bigla itong natigilan ng makita ang babaeng kausap ng matandang pintor. Hindi na napigilan ni Adonis ang tuwa ng makita si Aphrodite. Niyakap niya ito ng mahigpit.
"Adonis... Adonis..." Hinagilap ng lalaki ang labi ng babae at sa gulat ay binigyan niya ito ng isang malutong na sampal.
"What is that for? Welcoming...Thank you, Mrs. Romano..."
Lalong sumulak ang dugo ni Aphrodite. Mukhang galit sa kanya si Adonis sa tuno ng kanyang pananalita pero hindi niya inaasahan ang halik na iyon. Parang may kulang.
"Bakit ka nandito?"
"Bakit hindi ba ako welcome dito? "
"Why don't you two talk? Calm and rational" Nagkatinginan ang dalawa sa sinabi ni Guiller.
"Tito Guiller, I'll go ahead. Let's talk some other time"
"Sure, Iha. Ingat."
Nagmadaling naglakad si Aphrodite at hindi siya halos inabutan ni Adonis sa bilis.
"Aphrodite! Aphrodite!"
APHRODITE'S POV
Bakit ganun? Bakit hindi na ako naexcite na makita siya? At ang halik niya... Bakit parang kulang ng init? Matagal kaming hindi nagkita . Dapat sana ay lalo akong nanabik sa kanya. Bakit ganun? Parang may kulang... Tila may nagbago na rin. Hindi kaya dahil nagulat lang ako .
Nang hawakan niya ako... Hindi iyon tulad ng dati.
BINABASA MO ANG
WANTED: BOYFRIEND ON CALL
RomanceBOYFRIEND ON CALL (BOOK 1) : SECRET BOYFRIEND It all started in just one click. Everything was mixed up and we are now entangled in a serious and complicated situation we can never runaway. BOYFRIEND ON CALL ( BOOK 2) : SECRET LIVING Getting to kn...