ARES' REALIZATION
Minsan na akong umalis para lang makapag-isip. Sa pagkakataong ito, hindi ako nagpaalam sa dalawa. Kung hindi nila kaya, lalong hindi ko na kakayanin mapalayo pa sa kanila. Ako ang unang masisiraan ng bait sa sitwasyon namin dahil ako ang mas nag-invest ng sobrang pagmamahal sa kanilang dalawa ni Aphrodite lalong lalo na kay Eros.
Ngayon, handa na akong bumalik para ipaglaban kung ano ang nararamdaman ko para kay Aphrodite. Hindi ko dapat minamaliit ang kanyang kakayahang magdesisyon. Siguro naman, mas matured na siya ngayon.
Samantalang nasa loob ng eroplano ay napapikit ako , dinig na dinig ko ang sinabing iyon ni Aphrodite...
"Inuutusan mo akong buuin ang pamilya ko... Buo na ang pamilyang gusto ko pero ayaw mo...Paano mabubuo ang pamilya ko kung wala ka?..."
Nakababa na ng eroplano si Ares. Natawa siya sa kuwento ni Dionysus.
"Grabe, paniwalang paniwala siya na ako ikaw." Pagmamalaki ni Dionysus.
"Siraulo ka talaga! Mamaya kung anong gawin nun sa sarili niya "
"Eh ikaw ang may sabi na i-good time ko si Aphrodite. In character nga si Psyche e pati si Vanilla. Kaya lang kuya, hindi na pumasok sa OGC si Aphrodite..."
"Ganun ba? Anong sabi sa opisina?"
"Nagfile daw ng indefinite leave si Aphrodite."
"Sige... "
"Kuya, mukhang mahal ka naman ni Aphrodite kaya ano pa ba ang pinuproblema mo?"
Malaki ngang gulo ang ginawa nina Dionysus at Psyche. Si Dionysus ang nakababatang kapatid ni Ares. Nagkataon na magkamukhang magkamukha sila na parang mapagkakamalan mong kambal. Pansamantalang tumuloy sa condo unit ni Ares ang bagong kasal kaya nagulat sila ng madatnan doon si Aphrodite. Mabuti at hindi bayolenteng tao si Aphrodite kaya hindi nag-away ang dalawa.
Dumiretso si Ares sa bahay ni Aphrodite. Magkasunod sila ng ambulansiya na huminto sa gate ng dalaga. Dinig niya ang palahaaw na iyak ni Eros. Tumakbo ang bata palapit sa kanya ng makita siyang pumasok sa bahay.
"Tito Ares, mommy is full of blood in her hands" Nakita iyang duguan din si Eros.
"Anong nangyari, Feliza?"
"Sir, si Ma'am po naglaslas ng pulso" Humagulgol ng iyak ang kasambahay sa sobrang takot. Napasugod din sina Hera at Zeus ng malaman ang nangyari.
Nataranta si Feliza ng hindi bumaba si Aphrodite para kumain. Tatlong araw na itong nagkukulong sa kuwarto. Bumaba lang ito ng masermunan ni Hera. Kumain naman at sabay pa sila ni Eros. Pagkatapos noon ay naglock na ito ng pinto kaya nataranta si Feliza. Nang kunin niya ang susi para buksan ang pinto, nadatnan niyang nagkalat na ang dugo sa kama ni Aphrodite. Naglaslas ito ng pulso. Maagap na tumawag sa 119 ang kasambahay at inilayo kaagad si Eros ngunit niyakap ng bata ang walang malay niyang ina.
Humahagulgol sa iyak si Eros.
"Tito Ares, mommy said it's your wedding day today."
"She said that you don't love us anymore"
"She said we have to go back to America ..."
BINABASA MO ANG
WANTED: BOYFRIEND ON CALL
RomanceBOYFRIEND ON CALL (BOOK 1) : SECRET BOYFRIEND It all started in just one click. Everything was mixed up and we are now entangled in a serious and complicated situation we can never runaway. BOYFRIEND ON CALL ( BOOK 2) : SECRET LIVING Getting to kn...