APHRODITE'S POV
Aakalain ko ba namang isang araw matutuldukan ang lahat ng ito dahil lang sa kahinaan ko. Nawala ang lahat dahil na rin sa mga simpleng takot ko sa kulog , kidlat at dilim. Tuluyan kong nakalimutan ang aking sarili. Sa sobrang takot ko dahil mag-isa lang ako sa kuwarto ay pumasok ako sa kuwarto ni Adonis.
Malakas ang bagyo ng buwan na iyon. Nakansela lahat ng klase dahil baha ang buong kamaynilaan. Buong magdamag ang ulan. Hindi naman binaha ang aming lugar pero ang masaklap nito, nag-brown out at sinabayan pa ng napakalakas na kulog at sinundan ng matatalim na kidlat.
Nagulat si Adonis nang bigla akong humahagibis sa pagpasok sa kanyang kuwarto ng walang sabi-sabi at nag-dive sa kanyang kama. Nagtalukbong ito sa ilalim ng kumot niya. Natutulog pa nga yata siya ng mga oras na iyon.
"AAaaaahhhhh! Please, let me stay. Takot ako sa kulog at kidlat."
"Hahahaha"
"Bakit mo ako tinatawanan?"
"Kulog at kidlat? " Kitang kita ni Aphrodite ang pagguhit ng matatalim na kidlat sa langit at ang pagkalakas-lakas na kulog na akala mo ay bowling lanes sa Elorde Court.
"AAAhhhhhhhhh!" Sabay takip sa kanyang tenga at pumikit pa ito.
ADONIS' POV
Duwag pala e. Halos isang linggong nawalan ng kuryente kaya tumatabi siya sa akin sa kama. Kapag sa sopa ako natutulog, hihilahin niya ako sa tabi niya habang humihikbi.
"Huwag mo naman akong iwan . Ayoko ng walang katabi lalo na kapag madilim"
"Nandito lang naman ako sa sopa"
"E, ano ba? Doon ka na sa kama. Sabi mo, harmless ka..." Sabay hila sa kamay ko.
"Uy, Aphrodite hinahawakan mo na ang kamay ko ha!"
"Masama ba? "
"Masanay ka na sa dilim lalo na kapag nag-asawa ka."
"Huh! Bakit naman? " Inosenteng tanong nito.
"Mas maraming nagagawa ang mag-asawa sa dilim kaysa sa liwanag"
"Ha..." Nahintakutan si Aphrodite. Napaatras ito ng makitang papalapit sa kanya ang binata.
"Anong balak mong gawin?" Hindi niya namalayang kama na pala ang kanyang aatrasan. Tuluyan siyang bumagsak sa kama at si Adonis...
Hinagilap ko ang labi niya. Oo, matagal ko nang gustong halikan ulit ang mga labi na iyon. Solong solo ko siya ngayon. Abah at pumalag ang lola mo. O sige, pumalag ka kung kaya mo. Hinigpitan ko ang hawak sa kanyang braso. Gusto niyang magreklamo pero hindi niya magawa. Hindi niya kayang magsalita.
"Adonis..."
"I want more of your kiss..."
"Adonis, are you crazy ?"
"I have gone crazy in love the day we set our foot in this house. "
"I'll go back to my own room" Banta ng dalaga at agad itong tumayo.
"Okay, go...Go to your own room and never comeback"
BINABASA MO ANG
WANTED: BOYFRIEND ON CALL
RomanceBOYFRIEND ON CALL (BOOK 1) : SECRET BOYFRIEND It all started in just one click. Everything was mixed up and we are now entangled in a serious and complicated situation we can never runaway. BOYFRIEND ON CALL ( BOOK 2) : SECRET LIVING Getting to kn...