BOC 3: GOING HOME

60 0 0
                                    

APHRODITE'S POV


Hindi ko alam kumbakit ako nagdesisyong umuwi. Siguro, nagkaroon na rin ako ng lakas ng loob dahil na rin sa suportang ipinapakita sa akin ni Mommy at Ares. Kung tutuusin ay kontento na ako dito sa Manhattan. May trabaho naman ako. Sapat naman ang sinusuweldo ko para sa aming mag-ina. Hindi ako umaasa kay Ares. Kung ano ang ibinibigay niya kay Eros, kusa iyon at hindi ko siya inoobliga.


Hindi ko akalaing isang araw mag-iimpake ako ng gamit at haharapin ang mga kinatatakutan ko...


"Ares, sigurado ka bang kaya ko..."

Niyakap ko siya ng walang pag-aalinlangan. Ganun kapalagay ang loob ko sa kanya. Nagagawa kong yumakap sa kanya at kahit dumikit ang katawan ko sa kanya . Buong limang taon ko sa Amerika ay sa kanya ako nakadepende. Para akong batang naglalambing sa kanya. Noong una, hindi naging maganda ang aming relasyon sa isa't isa dahil hindi natuloy ang kasal namin. Ako pa nga ang dapat mahiya dahil naharap siya sa balag ng alanganin. Iba pa naman ang image niya dahil kilala siya sa business world at maging ang kanyang pamilya.

Lahat ng iyon ay nai-give up ni Ares para sa akin. Wala siyang pakialam sa sasabihin ni Tito Titan ng sundan niya ako sa Amerika. Namuhay siyang tulad ng ordinaryong tao. Nagdamit siya ng simple, kumain ng hindi naka-tuxedo at hindi napapaligiran ng matatandang negosyante. Umikot ang mundo niya sa amin ni Eros kasama si Mommy.

"Kasama mo ako... Ano ang dapat mong ikatakot?" Niyakap niya ako ng mahigpit. Hinalikan niya ako ng buong pagmamahal. Sumubsob ako sa kanyang balikat at kinarga niya ako na parang bata. Matangkad kasi si Ares. Napahikbi ako.

"Natatakot talaga ako..."

Paano ko haharapin si Daddy? Paano ako hihingi ng tawad sa kanya? Paano ako magpapaliwanag sa pamilya ni Adonis tungkol kay Eros? Kaya ko bang tanggapin ang mga sasabihin ni Tito Titan lalo na sa mga sakripisyong ginawa ni Ares sa aming mag-ina kahit wala naman siyang dapat panagutan sa akin. Tanggapin kaya nila si Eros?

"Hindi nga... Yung totoo, natatakot ka o gusto mo lang yumakap sa akin?" Kumalas kaagad ako ng pagkakayakap kay Ares.

"Excuse me, bahala ka nga... Umalis ka dito. Labas! Hindi pa ako tapos sa pag-iimpake"

"Ngayon ko lang nalaman na pikon ka pala. Hindi ka na mabiro... Okay lang namang yumakap sa akin e"

"Hay naku, Ares... Ewan ko sayo..."

"Huwag mo nang dalhin lahat. Doon na natin ibibilhan ng ibang damit si Eros"

"Huwag na... Tama na ito"

Masyado pa siyang pakipot samantalang pinayagan ko na ngang may mangyari sa amin. Hindi pa na halata na unti-unti sinusubukan kong buksan ang aking puso at muling umibig sa iba. Muli akong niyakap ni Ares. Sa totoo lang, nawawala ang takot ko tuwing nakayakap ako sa kanya. Hindi ko alam kung pagmamahal ba ito? o dahil sa utang na loob?

Ramdam ko lang ang saya kapag nakikita ko siya ngayon.

Naalala ko tuloy ng gabing una niya akong hawakan. Halata kong nanginginig ang kanyang mga kamay pati ang labi niya. Hindi ko siya madiretsa kung talaga bang marunong siya sa kanyang pinaggagawa sa kama. Nagulat siya ng hawakan ko ang kanyang pigi. I swear, maganda ang katawan niya at buong buo ang kanyang likuran. Sexy siya para sa isang lalaki.

Hindi na siya makatingin ng diretso sa akin. Gusto niya akong iwasan pero lalo ko siyang dinidikitan kaya natatawa ako sa reaksyon ng kanyang katawan. Napapabuntunghininga pa nga siya at dinig ko ang kabog ng kanyang dibdib.

WANTED: BOYFRIEND ON CALLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon